BLAKE
"Bat-si na ako, pre." Paalam ko kay Alfred.
Tapos na ang oras ng trabaho namin pero nasa mesa pa rin siya at naglilinis ng mga armas.
“Una ka na, Boss. May lakad si Misis. Hintayin ko muna at nagpapasundo mamaya.” Sagot nito.
Tumayo ito at sinaluduhan ako. Tinugunan ko siya at tumulak na ako palabas ng opisina. Pagsakay ko sa kotse ay natawa ako sa aking nakita sa dashboard. Nawala sa isip ko na tinulungan pala ako kanina ni Major Villalon na kausapin ang LTFRB para palagyan ng taximeter ang sasakyan ko bilang parte ng aming operasyon. Pinayagan naman kami at labis ko itong ikinatuwa.
“Hindi na maghihinala si Miss Beautiful sa akin.” Nakangiti kong bulong sa akin.
Napaisip ako. Speaking of her, ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Saan kaya siya?
Tumingin ako sa katabi kong upuan at inalala ang kanyang posisyon ng pag-upo kahapon. Biglang nag-pop up sa utak ko ang umaalog niyang mga papaya. Napailing ako ng mabilis.
“Malibog ka talaga, bugok!” Sermon ko sa aking sarili.
Pinaandar ko ang sasakyan at naisipang sumaglit muna sa lomihan at baka sakaling makita ko siyang lumabas ng kanilang bahay. Makalipas ang kalahating oras ng pagmamaneho ay narating ko ang karinderya. Ngunit bigla akong nag-alinlangang bumaba sa kotse nang masilayan ko ang dami ng mga taong umoorder ng kumain. Karamihan sa mga ito ay mga university students na kakalabas pa lang sa eskwelahan. Tiyak na kukunin ko na naman ang atensyon ng mga ito dahil sa tangkad ko.
Pero gusto ko talagang magbaka-sakali kahit ilang minuto lang.
“Parang hindi magiging kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nakita si Miss Beautiful. I have to gamble.” Kausap ko sa aking sarili.
Nagsuot ulit ako ng shades at cap. Bahala na kung pagkaguluhan man. Basta ang importante ay makagawa ako ng paraan para mabantayan siya ng hindi halata.
Ngunit hindi ko pa lubusang nararating ang tindahan ay kaagad na akong napansin ng mga bata. Bumalik na naman ang phobia ko sa atensyon sapagkat araw-araw ko itong nararanasan noon nang nag-aaral pa ako. Gusto ko lamang ng tahimik na buhay. Marahil ay ito ang dahilan kung bakit sa kabila ng kaaya-aya kong pisikal na anyo ay hindi pa rin ako nagkakaroon ng girlfriend. Takot ako na baka pagkaguluhan kung sino man ang matipuhan ko sa unibersidad noon.
“Diyos ko! Tao ba ‘to?” Sambit ng isang estudyante.
Naglakad ako ng diretso sa tindera ng hindi tumitingin sa mga costumers. Kusa silang humawi sa aking dinadaanan at muli ko na namang napanganga ang naglo-lomi.
“Ikaw ‘yung bumili nung isang araw, tama?” Tanong ng mabait na tindera.
“Opo.” Sagot ko naman.
“Hindi mo inubos ‘yung binili mo noon? Hindi ka ba nasarapan?”
“Hindi po. Masarap po! M-May kinailangan lang akong asikasuhin noon...”
“Ah ganun ba. Oh siya. Oorder ka ba?”
“Opo sana. Isa ulit.”
“Sige. Saglit lang.”
Pagkakuha ko ng mangkok ng mainit na pagkain ay humarap ako sa mga mesa. Laking gulat ko nang mapansin kong ang lahat ng mga babaeng kumakain ay nagsitayuan at inaalok ang kanilang mga katabing upuan. Umurong ang b*yag ko sa aking nakita.
Lumingon ulit ako sa gate nina Miss Beautiful. Tahimik at walang anumang nangyayari doon. Napailing ako sa aking sarili.
“Tiisin mo, Blake. Sampung minuto pa. Nandito ka na. Malay mo, bigla siyang lumabas.” Bulong ng isip ko.
Pero hindi ko kayang magtagal sa ganitong sitwasyon. Pinagpapawisan na ang kilikili ko sa kaba. Hindi talaga ako masasanay sa mga mata ng tao.
Humarap ulit ako sa ale para magtanong.
“M-Ma’am, kilala n’yo po ba si Miss Lara? Y-Yung nakatira po doo—”
Dumagundong ang boses ng mga estudyante.
“Ako! Ako! Ako!”
Umulan ng sagot sa naputol kong tanong. Sa sobrang takot ko ay naipasok ko ang sarili ko sa kahera at napatago sa likod ng tindera.
“Si Ate Lara ba? Nililigawan mo ba siya?”
“Kapatid siya ng kaklase ko, si Lira Garcia yung Valedictorian namin!”
“Isa ka rin ba sa mga manliligaw niya? Maraming nanliligaw sa kanya!”
Sari-saring ang sagot ng mga estudyante. Tumawa ang tindera at kinuha ulit ang mangkok na hawak ko dahil nangangatog na ang kamay ko.
“Hooooy! Dahan-dahan! Iisa lang ang kalaban! Magsi-upo kayo!” Bulyaw ng ale sa kanila.
Pagkatapos nito ay sa akin naman siya humarap at nagpamewang na nagtanong.
“Bakit mo hinahanap ang alaga ko?”
Nanlaki ang aking mga mata sa pananabik. Alaga niya? Tiyak na marami siyang alam tungkol kay Miss Beautiful! Nabuhayan ako ng loob.
Magtatanong pa sana ako nang biglang nakita ko sa peripheral vision ko na lumabas ng gate si Miss Beautiful. Napanganga ako nang makita ko siyang pumara ng taxi.
Sh*t! Nasalisihan ako!
Mabilis akong lumabas sa harang ng kahera para habulin pa siya.
“Hoy! Hoy! Pogi! Teka lang ‘yung lomi at bayad mo!” Sigaw ng ale sa akin.
“Ipamigay n’yo na lang po sa mga estudyante. Heto po ang bayad!” Kumakaripas kong takbo at inihagis ko ang isang daan kay Manang.
Pagkasakay ko sa kotse ay siya ring pagpasok ni Miss Beautiful sa taxi.
“F*ck! Naunahan ako!” Inis kong sigaw sa loob ng sasakyan.
Umandar ang taxi na nasakyan niya at kusa rin gumalaw ang kamay ko para paganahin ang aking kotse. Nabibigla ako sa aking mga ikinikilos.
“What madness is this? Am I turning into a certified stalker for this goddess? I'm a cop, for crying out loud! My job is to investigate, not fall in love!” Pakanta kong sambit habang minamaniubra ko ang aking sasakyan.
Mabuti na lang at may traffic jam. Dahil oras na ng pag-uwi ng mga trabahador at estudyante ay mabagal ang usad ng mga sasakyan. Nagkaroon pa ako ng pagkakataong mamataan ang kaniyang nasakyang taxi at pasimple ko itong sinundan.
---
“Sprout Café…”
Basa ko sa karatula ng coffee shop. Malawak at maganda ang kapehan na ito at sa isip ko ay mukhang mapupuno ito ng costumers mamaya.
Lumabas ako sa kotse para manmanan ang galaw ni Miss Beautiful. Mabuti na lamang at tanaw ko siya mula sa malayo dahil glass windows lang ang pader ng kapehan at wala pang gaanong nakaupo sa mga mesa nito sa labas.
Tumungo ito sa counter at ilang minuto lang ay naglakad na ito papunta sa pinaka-sulok na mesa na pangdalawahan lang. Kasama niyang naglakad ang isang crew doon na bitbit ang kanyang inorder. Sinipat ko ng maayos ang crew at napataas ang mga kilay ko. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang mas nakakatandang kapatid nito.
Lalo akong nagtaka sa aking nakita.
“There’s something wrong here… Akala ko ay naghihikahos sila, pero nandito siya ngayon at nagkakape sa mamahaling lugar na ito? Pagkatapos ay dito pa nagtatrabaho ang panganay nila? This doesn’t fit the puzzle…” Bulong ko sa aking sarili.
Tumambay ako at sumandal sa aking kotse na nakaparada sa di-kalayuan para pagmasdan siya. Lalong nangibabaw ang kagandahan niya sa kanyang mustard yellow dress. May tali sa baywang ang hustong haba na modernong istilo ng damit niya at nakapaloob sa bulsa ang kanyang mga kamay habang naglalakad ito.
Umupo siya at nginitian ang kanyang ate bago ito bumalik sa counter. Pagkatapos ay binuksan niya ang kanyang laptop na dala at may inilagay na parang earpiece sa kanyang tenga.
Napahimas ako sa aking dibdib. Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko habang pinagmamasdan ko ang kanyang karikitan. Nasa iisang gilid ang ayos ng kanyang buhok at nakatitig sa screen ng laptop. Nangingibabaw ang kanyang makinis na kutis at tangos ng ilong. Napansin ko rin ang hustong laki niyang hinaharap at napahimas ako sa aking siko.
“She is unbelievably irresistible…” Bulong ng aking puso.
Hindi ko namalayan ang pag-usad ng oras dahil titig na titig ako sa kanyang kagandahan. Ngunit bigla akong napabalikwas ng may isang lalaking lumapit sa kanya. Matikas ang tindig at malinis ang pananamit—at higit sa lahat, guwapo.
No! Who the hell is this guy???
---
LARA
“Makulit ka rin eh, no? Ang sabi ko sayo ay huwag ka munang makipagkita!” Wika ni ate Lena.
Napatawa ako ng bahagya. Mabuti na lamang at naglilitanya lang ito sa wireless headset. Kausap ko siya habang siya ay nagbabantay sa coffee bar upang abangan si Sir Jeremy sa pagdating. Nakita ko na ipinatong niya ang kanyang phone sa tabi ng cash register upang makita ko ang mga pumapasok sa coffee shop gamit ang kanyang camera sa phone.
“Ate, malapit na akong maubusan ng pera. Kailangan ko na ding magtrabaho dahil nakalaaan ang lahat ng sasahurin mo para sa binabayaran nating bahay.” Paalala ko sa kanya.
“Naiintindihan ko pero dapat ay kinilatis mo muna siya ng mabuti. Isa pa, hindi pa magaling ‘yang sugat mo sa labi.”
“Okay na ako ate. Natakpan naman siya ng lip tint. Tsaka nakausap ko na siya kaninang umaga. Kaya nga ako nag-decide na i-meet na siya. Tumigil ka na diyan at mag-focus ka sa trabaho mo. Ako na ang bahalang tumingin sa video.”
Hindi na sumagot pa si ate Lena. Nag-split screen ako sa aking laptop upang magkasabay kong makita ang video ni ate at ang pag-review ko sa kasunduan namin ni Sir Jeremy.
Kailangan kong masiguro na ang lahat ng nakasaad sa aming kontrata ay tama at eksakto dahil kakaiba itong bago kong kliyente. Wala akong mahanap na mali sa kanyang pagkatao at may hindi maipaliwanag akong pangamba na nararamdaman dahil hindi ko matantya ang dahilan ng kanyang pagha-hire sa akin bilang temporary girlfriend niya.
Habang binabasa ko ang kontrata ay bigla kong narinig ang pagsinghap ni ate Lena sa headset ko.
“Oh my God!” Bulalas niya.
Mabilis akong lumipat sa video. Napanganga ako sa aking nakita. Isang lalaki ang pumasok sa pintuan ng kapehan na naka-white polo at brown na hapit na pantalon. Matikas ang tayo niya habang pinapasadahan niya ang mga tao sa loob. Napakalinis ng kanyang hitsura. Para siyang isang artista.
Guwapo si Sir Jeremy.