“Nika, I have to take this call,” sabi ni Therese at nagmamadaling dinampot ang phone nito saka lumayo sa kanya. “Okay!” Sagot pa rin niya kahit na malamang hindi na siya narinig ng kaibigan. Pinabayaan na lang niya. Satisfied naman na siya sa gulat nito nang makita siya nito kanina. Therese couldn’t believe that she was seeing her in person again. Ilang beses nitong kinurot at sinampal ang sarili nito bago nakumbinsing naroon nga siya sa harapan nito. Nika was very happy to see her friend again. Malaki na ang mga anak nito na dati ay nakikikarga pa siya bago siya umalis noon. Tapos ngayon ay buntis na ulit ito sa ikatlo. Siya kaya? Would she ever experience how’s it to be a mother? Thirty-five na siya. Worse, single. ‘Akala ko ba mag-aampon ka na lang, Nika?’ Singit ng magaling niya

