Prologue
Nika beamed with joy as soon as she saw a red car parked in front of their house. Kanina pa kasi siya nakaabang sa pagdating ng Ninang Beth niya mula sa ospital kung saan nito ipinanganak ang kanyang kinakapatid.
"Baby Troy!" she shouted his name habang excited na naghihintay na tuluyang makababa ng sasakyan ang ninang at ninong niya.
"Halika, anak." Kinarga naman siya ng kanyang inang si Diana at sabay silang sumalubong sa mga bagong dating. "Welcome back Beth, Rod..." humalik sila ng kanyang ina sa mga magulang ng bagong silang na sanggol. "At s'yempre, welcome home baby Troy!" Excited na sinilip nila ang anghel na karga karga ni Beth.
"Baby Troy." Ipinahawak kay Nika ang kamay ni Troy. "Ang cute cute cute!" Napahigpit siya nang hawak dahil sa panggigigil.
"Anak, fragile pa si baby, 'wag mong panggigigilan." Inilayo na siya sa sanggol.
"No! Mommy, I want to play with Troy!"
"Hindi pa siya naglalaro, Nika," sagot ni Diana pero umiyak na siya. She was too excited sa pagdating nito kaya 'di siya makapapayag na ilayo siya kay Troy. "Ninang!"
"I'm sorry, dear." Beth gently told her. "Hindi pa p'wedeng maglaro si Troy. Wait until he gets a little older, okay?"
"But we promise you na kapag kaya na niyang maglaro, hindi ka namin pagbabawalan," salo naman ni Rod.
"Promise?" nakalabing tanong ni Nika.
"Promise," the three adults answered in unison.
Sapat na iyon para gumaan ang loob niya.
Eight Years Later...
"Troy!!!" gigil na sigaw niya habang hinahabol ang kinakapatid na kumaripas ng takbo paakyat sa second floor ng bahay nila. "Give my phone back!"
"Isusumbong kita sa mama't papa mo!" ganting sigaw nito. "Trese ka pa lang nagpapaligaw ka na!"
"Wala kang pakialam!" gigil na gigil na siya. Kapag talaga nahabol niya ito, ihuhulog niya ito sa bintana sa second floor para magtanda.
"Malandi! Habulin mo ako!" Nakarating na si Troy sa tapat ng silid nito, naka-behlat habang winawagayway ang cellphone niya sa ere.
"Mahulog yan! Bibilang ako Troy, ibalik mo sa akin yan! Isa!"
"Dalawa!" dugtong nitong nakahawak na sa doorknob habang siya ay nakaambang susugurin ito.
Ang mga mata nila ay parehong determinadong maisahan ang isa't isa.
"Tatlo!!!!!!!" tinawid niya ang layo nila sa isa't isa pero mas mabilis si Troy dahil nagawa nitong makapasok sa silid nito sabay sara nang malakas sa pinto – sapol siya sa noo. "Arayyyyyyyyyyyyy!"
Pumailanlang sa tahimik na kabahayan ang malakas na sigaw ni Nika.
Makalipas ang ilang sandali...
"Anong nangyari?" Palakad-lakad sa harapan nila sina Diana at Beth. Si Nika nasa side ng mama niya at gano'n din naman si Troy sa mama nito. Sinigurado ng dalawang ina na may malaking pagitan ang dalawang bata.
"Troy took my phone," naka-pout na sumbong ni Nika, may malaking bukol ito sa noo.
"Is that true, anak?" Tanong ni Beth sa anak na hindi kakakitaan ng pagsisisi ang mga mata.
"Dahil text siya ng text, mommy." Pagdadahilan nitong nakataas ang noo na wari ba'y dapat ipagpasalamat ng mga magulang nila ang ginawa nito.
"I wasn't texting! I was playing!" depensa niya. Hindi p'wedeng malaman ng mommy niya na ka-text niya ang kapitbahay nilang crush niya. It was supposed to be a secret pero itong kinakapatid niyang may sa pusa ay 'di niya namalayang nasa likod na pala niya at nakikibasa sa mga text niya habang kilig na kilig siya.
"Sinungaling! Tita Diane, katext niya si -!" hindi nito natuloy ang sasabihin dahil binato niya ito ng tsinelas. Hindi minsan, kundi dalawang pares ng suot niyang panyapak ang magkasunod niyang naibato kay Troy sa loob ng maiksing sandali.
"Nika!" Diana exclaimed, "Sumusobra ka na! Akin na ang cellphone mo!"
"But mom!" unremorseful na nanlalaki pa ang mga matang protesta niya.
"Give it to me," mariing utos ni Diana.
"Mommy-" tangka niyang pagdadahilan. Si Troy nakangisi at 'di man lang ininda ang tsinelas na tumama rito habang tsinitsek ito ni Beth. "Mommy, kelangan ko 'to sa school, hindi ninyo na ako makokontak. Saka paano ako makakausap ni Papa?"
"Sasabihin ko sa Papa mo na sa telepono tumawag," OFW kasi ang papa nila ni Troy.
Iisa ang bahay nila kung titingnan sa labas. But in reality, dalawang bahay iyon na kumpleto. Pero sa pagitan ay nilagyan nila ng common areas gaya ng kitchen at living room in case na gustuhin nilang doon tumambay. Na madalas ay ganoon nga ang nangyayari. Instead na sa kani-kaniyang bahay lang sila, Diana at Beth take turns in cooking their meals at doon din sila sabay-sabay kumakain.
Best friends kasi sina Diana at Beth na parehong lumaki sa ampunan. They treated each other as sisters. Before meeting their husbands, they already promised each other na magkasama silang tatanda. Thus, the peculiar set up. Wala namang nakitang problema roon ang mga tatay nila Nika at Troy. In fact, they favored the set up lalo na dahil parehong nagtatrabaho sa ibayong dagat ang mga ito.
"Mommy!" tanggi niya pero nang makita kung gaano kaseryoso ang ina ay napilitan na rin siyang ibigay ang cellphone niya kahit hilam na sa luha ang kanyang mga mata.
"Buti nga sa 'yo," Troy said, tiningnan na lang niya ito nang masama.
Her fondness with the once baby Troy totally vanished nang magsimula itong mangialam sa kanya. Papansin ito at lagi siyang kinukulit tungkol sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. At kung di ba naman ito sutil, favorite nitong pakialaman ang lovelife niya.
"Saan ka pupunta?" parang detective na hinarang siya ni Troy nang magtangka siyang lumabas ng bahay, grounded pa rin siya dahil sa pagsusumbong nitong naglalandi siya.
"Lalabas. Maglalaro," taas kilay niyang tugon.
"Hindi na naglalaro ang thirteen years old," bara nitong humarang sa daraanan niya. Nasa loob siya ng bahay nila pero nakasunod pa rin na parang taga-bantay niya si Troy.
"Naglalaro pa ako, 'wag kang mangialam."
'Sarap kutusan,' she thought. S'yempre, tama ito. Hindi siya maglalaro. Tatambay lang siya sa harap ng bahay at baka dumaan si Brian, magpapaliwanag siya kung bakit 'di na siya nakapagtext sa kapitbahay na binatilyo.
"Isusumbong kita," banta ni Troy.
"Ano ba problema mo? Maglaro ka rin!" asik niyang nawawalan na ng pasensya.
"Malaki na ako, 'di na ako naglalaro," humalukipkip pa ito sa harapan niya.
"Ha? Hahaha. Mister bata, eight years old ka pa lang po," buska niya. "Halika, sama ka na lang sa akin. 'Yong kapatid ni Brian, ka-edad mo lang 'yon. Ipapakilala kita."
"I'm not gullible. Hindi na ako bata and If I know, magpapacute ka lang sa pangit na Brian na 'yon. And I know his sister, she's not my type. She's just as ugly as her brother!" Pa-ingles pa nitong pambabara sa kanya.
"Aba't!" Inuubos talaga nito ang pasensya niya! Hindi siya makapapayag na tawagin nitong pangit si Brian!
Ito kaya ang pinakagwapong nilalang sa lugar nila. Pero sa ngalan ng kapayapaan, palalampasin na lang niya ang trip ni Troy. After all, mas matanda siya rito, she should know better, right?
"Opps, opps!" iniharang nito ang katawan sa pinto nang akma na siyang lalabas.
"Tabi riyan!" Taboy niyang sinabayan pa ng tulak, dahil patpatin ito madali niya itong nalampasan. Napaupo ito sa sahig pero wala siyang pakialam.
"Tita Diane!" ubod lakas na sigaw ni Troy.
At wala na naman siyang nagawa kundi mamintana na lamang...
Lumipas ang teenage days ni Nika na hindi niya na-experience maligawan.
That is, if she wouldn't count Troy's admission of his feelings for her when he turned thirteen years old. Hindi niya makakalimutan na sinabi nitong binata na ito dahil teenager na ito at ito lang ang may karapatang ligawan siya. Naging sobrang higpit nito sa pagbabantay sa kanya to make sure na hindi siya maliligawan ng iba.
But of course, she did not take him seriously. Who in her right mind would think that Troy is really in love with her?
And besides, Troy was her younger brother na bagamat lagi niyang kaaway ay siya rin namang lagi niyang kakampi sa maraming bagay.
And for that, she loves the boy dearly.