c1

1940 Words
"Nika!" napalingon siya sa pagtawag na iyon sa kanyang pangalan. She couldn't be wrong. It was Troy.   Ang walang galang niyang kinakapatid at Nika lang kung tawagin siya nito like magka-edad sila o mas panganay ito sa kanya.   Huminto siya sa paglalakad at hinanap ng mga mata ang binata. Ano na naman kaya ang ginagawa nito roon?   "Nika!" Nakita niya itong kumakaway habang nakasandal sa itim na kotse. Mukhang bago na naman ang sasakyan nito.   "Paano mo nalaman kung saan ako nagtatrabaho?" nagdududa agad na asik niya rito pagkalapit niya. Sinadya niyang hindi ipaalam dito kung saan siya nagtatrabaho kasi ayaw niyang bantayan na naman siya nito.   She's almost thirty at kakalipat lang niya ulit ng trabaho. Kumpara kay Troy, 'di hamak na mas naging successful ito kaysa sa kanya. At twenty-five, stable na ang trabaho nito sa isang sikat na Engineering firm. He himself was a very good engineer earning a topnotch when he took the board exam. Naging big time ito after that. Pero nanatili itong humble at hindi nakakalimot sa kanila.   Kung lagi siya nitong inaaway noon para lang magpapansin, ngayon naman sweet ito bagamat may kakulitan pa rin. Pinaninindigan nitong mahal siya nito at katunayan hindi pa ito nagkakaroon ng girlfriend. Iyon ay sa kabila ng 'di mabilang na mga dalagang kusang bumibisita sa bahay nila noong nasa high school at college pa lamang ito.   Eh lalo pa ngayon na mas g'wapo na si Troy. For sure, maraming nagkakandarapa rito sa workplace nito.   "Resourceful ako eh," sagot nitong ipinagbukas siya ng pinto ng bago nitong auto. "Sabay na tayong umuwi."   "Ano pa nga ba? 'Andito ka na eh," aniyang sumakay na nga. Mabuti na rin 'yon, tipid sa pamasahe. "'Asaan na 'yong blue?" tukoy niya sa dati nitong kotse na halos 'di pa naman naluluma.   "Kina mama at papa na lang 'yon," he started the engine. "Dinner muna tayo."   "Eat all you can? Sure." Bago ulit ang trabaho niya kaya wala siyang kapera-pera.   Blessing si Troy sa kanya kapag mga ganoong pagkakataon. Tinotolerate nito ang katakawan niya kahit ito ang magbabayad sa lahat ng lalamunin niya. Pinapautang din siya nito na kadalasan nakalista sa tubig at s'werte ito kapag inamin niyang may utang nga siya.   Hindi naman sa hindi siya nagtagumpay sa karerang kinuha niya. It was just 'di naman niya talaga gusto ang marketing. Eh bakit iyon ang kinuha niya? Kasi wala siyang maisip kaya nakigaya na lang siya sa kaibigan niya dati noong high school. Eh naitawid naman niya ang kolehiyo kaya akala niya gusto nga niya 'yon.   "Sige ba."   Dinala nga siya nito sa isang bagong bukas na buffet restaurant. S'yempre, tuwang-tuwa naman ang tiyan niya sa dami ng pagkaing pagpipilian.   "Dahan-dahan naman, Nika. Pinagtitinginan ka na." Parang nahihiya na si Troy sa ginagawa niyang pagpuno sa pinggan niya sa tuwing may makikita siyang gusto niya. "Hindi ka naman mauubusan, lalagyan nila ulit 'yan."   Hinila na siya nito papunta sa mesa nila.   -----   "Ano po?! Second honeymoon?!" panabay na bulalas nila ni Troy nang salubungin sila ng mga magulang na panay may mga maleta.   Five years ago, sabay na ring umuwi ng Pilipinas ang mga tatay nila for good.   "Ma!" si Nika na nagpoprotesta. "Trenta na po ako, that means you're fifty! Ngayon ninyo pa naisip na sundan ako ng kapatid?"   "Eksaherada ka naman anak, forty-nine pa lang ako at hindi ka trenta, twenty-nine pa lang," tugon ni Diana na pinaikutan pa siya ng mga mata.   "Trenta na po next two weeks. Saka Ma naman! Papa?" 'Di talaga siya makapaniwala, maging si Troy ay 'di maisip kung anong brand ng rugby ang nasinghot ng mga magulang nila.   "Ma, kung gusto ninyo na pong magsarili, sana sinabi ninyo para kami na lang ni Nika ang aalis," sabi nito na iba naman ang naisip.   "Anong tayong dalawa?" react niya. "Ikaw na lang, wala akong pera 'no. Saka itong common space ba ang problema? Eh 'di isara natin! Gawin ninyong shop!"   "Teka, bakit napunta riyan ang usapan?" kunot-noong sabat ni Beth.   "Besides hindi naman kami magha-honeymoon. It's more like, we want to enjoy ourselves by touring around," paliwanag ng Papa ni Nika. "We're old, Nika, Troy. Alam ninyong dalawa na hindi kami nagkasama nang matagal ng mga mama ninyo."   "And we believe you are both adults already na p'wede na namin kayong iwanan," sabi naman ng ama ni Troy.   "Of course, Papa. And Tito, Tita, ako po ang bahala kay Nika," kinindatan pa siya ng kinakapatid niyang tila nagustuhan na ang ideyang maiiwanan silang dalawa sa bahay.   "I know you will take care of her," sabi ni Diana.   "Eiw," aniya. "Don't you ever do what I think you are trying to do. I'm staying in the house alone."   "Nika, Troy loves you. What's the problem with that?" ani Beth na tuwang-tuwa sa priceless reaction niya.   She just rolled her eyes. Kahit naman noong unang umamin ng feelings nito si Troy sa kanya, tuwang-tuwa na ang mga magulang nila. 'Di na nila inisip na limang taong mas matanda siya kay Troy at hindi siya komportable sa ideyang 'yon.   "Oh siya sige na, male-late na kami sa flight namin. 'Wag ninyo na kaming ihatid. Matatanda na kami." Hinalikan na sila ng mga matatanda bago nagsialisan ang mga ito, all wearing excited faces.   "I like this idea," pabirong anunsyo ni Troy nang maiwan na sila. Kumikinang pa ang mga mata nito sa amusement.   "Whatever!"   "Seriously, Nika, don't you find me attractive?" tanong nitong nag-a-unbutton ng suot na long sleeves habang pabirong gumigiling nang mabagal sa saliw ng inexistent music.   "Yuck," sabi na lang niya.   Sure that Troy grew up to be every girl's dream man. But she's not one of those girls, she will always see him as her baby Troy, the newborn boy she was too excited to play with when she was five.   "Ikaw rin, baka kapag ayaw ko na, magmakaawa ka para pansinin kita," he added, teasing her by taking off his top and throwing it on the sofa next to her. Nadisplay sa harapan niya ang well-toned abs na tila permanente ng nakaukit doon kahit na hindi ito regular na nag-eehersisyo.   "Troy," she rolled her eyes. Kahit maghubad ito sa harapan niya, wala siyang mararamdaman. -Okay, hindi totoo 'yon dahil grown up na si Troy. But seeing him every day made his appeal ineffective to her. "Stop it okay?"   "Why?" Pangising itinuloy nito ang kunwaring pang-aakit sa kanya.   "Don't do a porn show here!" eksaheradang tinakpan niya ang mga mata nang akma nitong ibababa ang pantalong suot nito.   "Topless lang porn na agad?" Tumawa ito at isinuot nito ulit ang polo pero hinayaan ng nakabukas ang mga butones. Magbibihis na rin naman kasi ito.   "Troy," bahagya siyang sumeryoso. "I love you, and you know that."   "I know," he sighed. "But it's not a sisterly love that I want, Nika. I'm all grown up now. Kung hindi naman natin kakilala, no one would think you are older than me," true dahil sa tangkad nito at five feet one inch niyang height.   "Oo, alam ko 'yon na matangkad ka at baby face ako kaya mukha akong mas bata sa 'yo," she rolled her eyes at him. Tinalikuran niya ito at naglakad papunta sa pintuang papasok sa bahay nila. "But still, it's a no, Troy."   Akala niya mananahimik na ito kaya nagtuluy-tuloy na rin siya hanggang sa hagdan paakyat ng silid niya. Busog siya kaya grabe ang hila ng kama niya na wari ba'y may bumubulong sa kanya ng 'Matulog ka na Nika.'   "Nika," sumunod ito hanggang sa hagdan at ipinihit siya paharap dito. Tapos hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Mahal kita," dagdag nito na napakaseryoso.   His right hand moved to caress her cheek, mataman itong nakatitig sa mga mata niya na wari ay may napakahalaga itong sasabihin sa kanya. She knew Troy very well that even during his circumcision she was beside him to encourage him to bear the pain. Pinahiram pa nga niya ito ng palda para mas maginhawa. May maitatago ba sa kanya ang binatang lumaki sa tabi niya?    But this time, she really didn't know what's going on inside his head. One second he was looking at her eyes, then the next he's looking at her lips and eyes and lips and – he lowered his head even more. Naguguluhan siyang kinakabahan, sure they grew up together even slept together when they were just kids but his face was never as close as it was at the moment. It was giving her a different sensation she couldn't name...   "Pero -" he continued while pulling away from her confused face a little. "Hindi ka baby face!" nakangising pinitik nito ang tungki ng ilong niya. Pagkatapos ay tumawa ito na para bang isa itong demonyong may napagtagumpayang mauto.   "Aray!!!!" tinabig niya ang kamay ng binata. "Walang hiya ka talaga, Troy!!!" sigaw niya sa likuran nito dahil wi-nalk-out-an na siya.   'Bastos na bata!' ngitngit niya.   "Relax, nindi naman retokado ang ilong mo, 'di ba? Hahaha," tuluyan na siya nitong iniwanan,   "Walang fake sa mukha ko!!!" sigaw niya sa saradong pinto ng bahay nila.   She continued to her room and leaned her back against the closed door.  Aminado siyang kinabahan siya sa ginawa ni Troy kanina.   -----   Two weeks na mawawala ang mga magulang nila. Babalik ang mga ito sa 30th birthday niya like hitting thirty without a boyfriend is something to be proud about that calls for a celebration. Kung siya ang masusunod, ni ayaw niyang isipin na malapit na siyang mawala sa kalendaryo.   Kung bakit naman kasi matingnan lang ni Troy iyong mga nagtatangkang lumapit sa kanya eh umuurong na agad. Hindi ba sapat ang ganda niya para ipaglaban naman siya? What is with her godbrother?   Sumpa ata ito sa buhay niya, his being so protective of her is not doing her any good. Kapag hindi siya nakapag-asawa, swear hindi siya papayag na siya lang ang magdusa. Titiyakin niyang may kalalagyan si Troy.   "Breakfast is ready!" Napaigtad siya sa pagmumuni-muni nang biglang magsalita si Troy.   "Anong niluto mo?" Sumunod siya rito sa dining room sa common area nila. For some reason, ando'n ang mga supplies. "At bakit bihis na bihis ka? Sabado ngayon ah?"   "May meeting kasi ako. Don't worry, babalik ako agad," kakaiba na naman ang ngiti nito.   "Okay lang kahit 'di ka na umuwi," irap niya.   "Eto naman, tampo agad!"   "Huh?" 'hay naku, kung papatulan ko lagi ito matutuyuan ako ng dugo!' "'Asaan ang cereal ko?" maya-maya ay iritable niyang tanong nang hindi makita ang cereal box niya sa lalagyan.   "Walang cereal. Kumain ka ng kanin. Ang payat mo na at ang putla." Naupo na ito sa tapat niya.   "Troy, hindi ako nagbi-breakfast ng kanin!" Tumayo siya at naghalughog sa ref at sa mga cabinet. "Tinapon mo ‘no?" nag-aakusang tanong niya.   "My memory gap ka ba? 'Di ba nga halos kainin mo na iyong karton kahapon kasi ubos na?" kunot noong sabi nito sa pagitan ng pagnguya.   "Oo nga pala." Nanghihinang bumalik siya sa upuan. "Wala akong pera, pautang naman."   "Ibibili kita kung kakain ka ng kanin ngayon."   "Totoo?" Nag ningning naman ang mga mata niya, nagmukhang ginto ang kanin. "Sige, sige!"   "Hindi ka naman mataba ah, bakit nagda-diet ka pa?"   "Kelangan naming mga babae iyon, Troy."   "Nika, kahit magmukha ka pang balyena, mamahalin pa rin kita."   "Sinasabi mo lang 'yan. Malaking bagay ang self-confidence para sa amin. Okay? 'Wag ka ng kokontra."   "Ang sinasabi ko lang, walang kaso sa akin kung payat ka o mataba. Ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit ihilera ka pa sa mga kandidata ng Miss Universe."   "Tsk... " as if naman nagda-diet siya para sa kinakapatid. "Whatever, Troy!" She stuffed her mouth with fried rice and bacon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD