c2

1795 Words
"Pakibuksan ang gate!" sigaw ni Troy habang pinapainit ang makina ng kotse nito sa garahe.   "Opo, kamahalan!" sigaw niyang tugon.   'Hmp, sa ngalan ng cereal, sige magpapauto ako!' She thought na pigil na pigil huwag magdabog habang papunta sa gate.   "Nika! Is that you?!" nabuksan na niya ang gate at tinutukod na lang ang bakal na lock niyon nang may bumati sa kanya, hindi pamilyar ang tinig ng lalaki kaya naman inihanda niya ang isang dipang taas ng kilay bago lumingon para sinuhin ang may ari ng tinig.   "Of course it's me – "nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang g'wapong naka-jogging attire na lalaki sa harapan niya. "Brian! Is that you?!" pagayang tanong niya sa tanong nito sa kanya kanina.   "Yeah." G'wapong-g'wapo ito noong ngumiti, iyong mga mapuputing ngipin na iyon na bagamat may sungki ay carry naman nito. Ma-ooverlook na ang maliit na bagay na iyon ng nakakakilig nitong ngiti. "How are you?"   "Naku, okay naman ako! Kailan ka dumating? Ang tagal mong nawala. May asawa ka na ba?" tuloy tuloy na tanong niya. Parang naririnig pa niya ang malakas na kabog ng dibdib niya sa pinaghalo-halong excitement at anticipation.   'Please sabihin mo na wala pa!'   "Wala pa. Oo nga eh. Noong isang araw lang. Na-extend na kasi ng na-extend ang kontrata ko sa Dubai. Naging busy at 'di nagkapanahon sa babae. Ikaw? I'm sure nag-asawa ka na. Walang lalaki ang magpapalampas sa ganda mo."   'Yes!'  lihim na nag-celebrate ang malandi niyang puso sa kaalamang single pa si Brian.   "Naku, hindi pa! Very much single ako. Ready to mingle!" Hindi niya maitago ang pagkakilig at sa sobrang pagpapa-cute kay Brian ay muntik pa siyang matumba sa gulat nang businahan sila ni Troy nang pagkalakas-lakas at pagkahaba-haba na animo'y mananagasa ito ng jaywalker sa highway.   Kita niya ang madilim na mukha nito na kung 'di sila nakaalis agad ni Brian ay sasagasaan talaga sila nito. "Ano bang problema mo?!!!" sigaw pa niya sa humaharurot na palayong kotse ni Troy.   "Is that Troy?" medyo nagulat pero nakangiting tanong ni Brian nang makabawi ito.   "Ah oo, ang mabait kong kinakapatid!" pinaikot niya ang mga mata. Lagot talaga si Troy sa kanya mamaya pag-uwi nito.   "Let me guess, binabakuran ka niyan kaya 'di ka pa nagkakaasawa?" sabi nito na tumatawa, maybe recalling on his mind kung paano ito kinompronta ni Troy noon. Usapang lalaki sa lalaki raw gayong trese ito at si Brian naman bente anyos na noon. "Is he still pursuing you, Nika?" amused na tanong pa ni Brian.   "Sinabi mo pa. Gusto ko na ngang ipabugbog 'yan minsan para matauhan na hindi kami p'wede. Kaso mahal ko siya eh. Alam mo na, para ko na siyang kapatid at ayokong masaktan siya." Totoo naman iyon, kahit sobrang pakialamero nito hindi siya nagagalit nang matagal dito. Forever na itong may uukupahing espesyal na bahagi sa puso niya.   Bahaging nakalaan lang dito at hindi p'wedeng pasukin ng iba. Kahit pa ng future husband niya na hopefully ay si Brian.   "You are so kind, Nika." Tila hangang-hanga naman ang kausap niya.   "Hindi naman. Ahm, want to go inside? Coffee? Breakfast?" anyaya niya.   "Sure." Agad namang nagpaunlak si Brian at nagpatiuna pa ito sa loob ng bahay nila.   Mabuti na lang hindi sila makalat sa bahay. Mga allergic sa kalat at alikabok kasi sina Diana at Beth. Idagdag pa si Troy na clean freak. Sa kanilang dalawa nga ng kinakapatid ay siya pa na babae ang makalat.   Matagal pa silang nagkausap ni Brian. 'Andami nitong kwento at kahit dumudugo na ang tenga niya, tuwang-tuwa pa rin ang puso niya.   Pagka graduate kasi nito ng college noon, 'di na niya ito nakita ulit. Noon kasi kahit 'di sila gaanong nagkakausap at nagkakasama dahil kay Troy, alam niyang may mutual understanding sila ni Brian. 'Di man siya nito niligawan, ramdam naman niya ang tugon sa feelings niya para rito.   Kaya noong umalis ito ay nagluksa nang todo ang puso niya. Noon nagtapat si Troy sa kanya. Isang rason kung bakit hindi siya naniwalang may feelings sa kanya si Troy ay dahil naawa kasi ito sa kanya noon. Pero ngayong 'andito na ulit si Brian, nabuhayan ulit siya ng hasang.   Para siyang isda na hopeless na pero nang makakita ng tubig ay nabuhayan ang loob kahit pa 'di pa man ito nakakalublob.   -----   "Baka naman sobrang napakita mong interesado ka sa kanya kaya pinasakay ka na lang ng Brian na 'yon," sabi ni Therese na kausap niya sa kabilang linya. Best friend niya ito sa dati niyang trabaho na patay na patay kay Troy kesehodang may dalawa na itong anak at pinaplano na agad ang pangatlo kahit wala pang two years old ang bunso nito.   "Hoy! Ikaw talaga. Napaka-anti Brian mo naman. 'Di mo pa nga nakikita ng personal 'yong tao," tugon niya pero 'di naman siya galit o napikon. Sadyang gano'n sila mag-usap ng matalik na kaibigan. "Pero sis, I really believe that this is it! He came on time! Sabi ko na nga ba magkaka-asawa ako bago ako magtrenta anyos!"   "Heh! Tumigil ka nga r'yan. Two weeks na lang thirty ka na. Ano, mamadaliin mo lahat? Pipikutin mo 'yong tao? Maghunos dili ka nga Nika!"   "Therese naman, of course not! Wala naman daw siyang girlfriend o dine-date ngayon. So, malay mo, 'di ba? In fact, my dinner kami mamaya," excited niyang pagbabahagi.   "Ang bilis din naman ng Brian na 'yan! Paano si Papa Troy? Kawawa naman!"   "Ano ka ba? Malaki na siya. Maiintindihan na niya na kailangang mag-asawa ni ate Nika at magkaroon ng sariling pamilya. Sooner or later he's also going to build his own."   "Pero alam mong mahal ka no'ng tao," tila nai-stress na sagot ni Therese.   "Akala lang niya 'yon. Saka p'wede ba, huwag mo namang sirain ang moment ko? This is about me and my future husband!"   "Ewan ko sa'yo! Bahala ka sa gusto mo. Basta ako, forever Nika-Troy. Nakikita ko kasi ang sincerity no'ng tao. Ang kaso nakikita na nga ng iba, yung iba r'yan, bulag-bulagan sa katotohanan. Oh sige na, umiiyak na 'yong baby ko," agad nitong ibinaba ang telepono matapos humirit pa ng "NiTro, NiTro!"   "Wow, affected much?" tot-tot na lang ang narinig niya.   Kung makabuo naman ng love team ang kaibigan niya eh yung tunog kemikal pa. NiTro?   Hindi siya mapakali habang nakatingin sa relo. Mag-seseven pm na, any minute ay darating na si Brian. Actually sa kabilang bakod lang ito nakatira kaya kung sa labas pa ng bahay siya maghihintay, eh nakakahiya naman. Baka masyadong excited ang maging dating niya kahit na may katotohanan iyon.   First time kasi niyang kakain sa labas na may lalaking kasama. Iyong hindi si Troy. Palagi kasing ito ang kasama niya at hindi date ang tawag sa mga paglabas-labas nila.   Troy is special to her but not in a romantic way.   Agad siyang tumayo nang may magdoorbell. Pero nabura ang malaking ngiti niya nang si Troy lang pala ang dumating.   "Ikaw lang pala, may pa-door bell door bell ka pa!" ingos niya.   "Bawal ba? Saka bakit bihis na bihis ka?" kunot-noong tanong nito.   "Ano kasi, lalabas kami ni Brian," amin niyang naghihintay ng violent reaction mula rito pero cool lang itong pumasok sa loob ng bahay matapos marinig ang sagot niya. Himala yata? "Bakit ngayon ka lang? Sabi mo babalik ka kaagad?" pag-iiba na lang niya ng usapan.   "'Wag mo ng hintayin 'yong si Brian. Nakita ko sila sa bayan," sa halip ay sagot nito. "May katabing maganda at matangkad na chicks."   "Troy naman, 'wag mo namang siraan 'yong tao," she pouted pero nakasunod siya rito hanggang sa kusina.   "Nika, matagal na nawala si Brian. Hindi mo na siya kilala ngayon." Inilapag nito sa mesa ang dalawang malalaking box ng favorite cereal niya na hindi niya napansing dala-dala nito kung hindi pa nito ilagay iyon sa halos eye-level niya.   "Wow, thank you!" tuwang-tuwa siya, nakalimutan na niyang sinisiraan nito si Brian.   Two big boxes? Alam niyang hindi naman sobrang mahal noon at maliit na bagay lang iyon kay Troy pero tuwang tuwa pa rin siya. 'Yong mga tulad niya kasing ordinary employee lang ay luxury na ang mga kaartehang pagda-diet.   "I don't want you to get hurt again, Nika." Kinuha nito ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak niya sa boxes ng mga cereal. Ginagap nito ang mga iyon at niyakap siya pagkatapos. "I will not let him."   Kung makapagsalita ito akala mo naman talagang sinaktan siya ni Brian noon. Eh kung hindi naman sa kagagawan nitong paglayuin ang loob nila ni Brian, baka naging nobyo na niya ang kapitbahay nila noon pa man.   "I'm old enough, Troy," gayunpaman ay malumanay niyang tugon. Umabot lang siya sa balikat ng binata sa pagkakayakap nito sa kanya.   "Yes, but fragile like a glass." Hinalikan siya nito sa noo tapos binalikan nito ang mga dala-dala nito at inilabas ang tinake-out na favorite niyang Chinese food.   Wala na, tuluyan na niyang nakalimutan ang naunsyami niyang date. Troy was an expert sa pag-divert ng attention. Dinaan na lang siya nito sa kwento at nawala na ang sama ng loob niya.   "So, what did you say?" tumatawang tanong niya sa ikinukwento nito about sa meeting nito kanina kung saan nagustuhan daw umano ito ng kliyente nilang babaeng foreigner.   "I said 'I'm very sorry but I'm taken.” Sabi niya, 'Oh, I can be your other woman'," tugon naman nitong tumatawa.   "Napaka-aggressive naman niya!"   "Sabi ko, hindi sorry talaga, one woman-man ako. But you know what instead na mapikon siya, natutuwa raw siyang kagaya ko ang pagbibigyan niya ng project. Gwapo na, faithful pa."   "Angat pa ng bangko Troy!" tawa naman siya, in her mind, na-appreciate niya ang effort nitong pagaanin ang loob niya.   "Seriously. Nika, it's a multi-million project. I am very blessed na ipinagkatiwala sa akin ang ganoon kalaking project."   "I'm so proud of you." Totoo iyon, kahit naman sa mga littlest achievement nito eh number one fan siya ni Troy.   "This is for us, Nika. For our future together. Hindi ko yata maaatim na maghirap ka sa piling ko," nakangiting sabi nito bago sumubo ng canton.   "Ayan ka na naman." Pinigilan niyang mapabuntong hininga.   Nag-aassume na naman si Troy na sila ang magkakatuluyan.   "Tanggapin mo na kasi ang katotohanan, Nika. In the end, tayo pa rin ang magkakatuluyan," confident nitong dagdag. "And don't you roll your eyes on me.” ngumisi ito ng akma niyang iiikot ang mga mata. "You just haven't realized it yet. But you've always loved me."   "Alright, I do but -" dapat dudugtungan pa niya iyon but Troy snapped at her.   "Hey Nika, where do you think did our parents go?" Pag-iiba na nito ng usapan.   He was smiling on the outside. Pero alam ni Nika na nasaktan na naman niya ang loob nito.   "I don't know," she answered before focusing on her food.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD