"Saan ka pupunta?" nagtatakang tiningnan siya ni Troy mula ulo hanggang paa, naka-pang-jogging attire kasi siya. "Alas kwatro pa lang, may multo pa sa labas!"
"Eto naman! Magjo-jogging, s'yempre!" Sagot niya sa binatang mukhang hindi pa natutulog gayong umaga na. Malamang nagtatrabaho na naman ito.
"This early? Anong nakain mo?"
"Tinext kasi ako ni Brian kagabi. Dadaanan daw ako ngayon para mag-jogging kami paikot ng subdivision," paliwanag niya. Nagtext naman talaga ito, humihingi ng sorry at hindi natuloy ang dinner nila. May unexpected visitor daw kasi ito. At dahil understanding siya, agad niya itong pinatawad, lalo na't mukhang babawi naman.
"Brian na naman. I told you to never trust that man!" iritableng tugon ni Troy.
"Napaka-nega mo. Paano ako magkaka-asawa?" medyo inis niyang sabi rito.
"Nika, I'm – " magsasalita pa sana ito kaso tumunog na ang doorbell at nagmamadali na siyang umalis.
"'Andyan na siya! Bye, Troy!" lumabas siya kaagad. Pigil na huwag ng tumakbo at baka masyadong excited ang dating niya. Gayunpaman ay malalaki pa rin ang mga hakbang niya.
"Magdala ka ng tubig!" Pahabol na sigaw ni Troy pero 'di na niya ito pinansin. Baka mainip si Brian. Hindi maganda ang impresyon na masyadong pa-VIP.
Agad niyang binuksan ang gate only to get disappointed nang makitang may maganda at matangkad na babae itong kasama.
'Troy wasn't lying last night,' she thought.
Pero disappointed man ay ngumiti pa rin siya nang ipakilala siya ni Brian sa kasama nito.
"Nika, this is Eunice, best friend ko. Siya 'yong sinasabi ko sa 'yo na biglaang bisita ko. Eunice, this is Nika, ang pinakamaganda kong kapitbahay!" Sukat sa narinig na papuri ay ganadong-ganado siyang makipagkamay kay Eunice. Isa pa best friend lang nito ang kasama nito. Ang importante, maganda siya sa paningin ni Brian kahit pa ang layo ata niya sa ganda ni Eunice.
'Best friend lang siya. Not a threat! Definitely not one,' pangungumbinsi pa niya sa sarili.
"Nice meeting you, Nika," Eunice also seemed nice and sophisticated.
"Nice meeting you too."
Para siyang nakainom ng cobra at na-energize siya. Reading-ready na siyang mag-jogging!
After twenty minutes...
"Nika, are you okay?" tanong ni Eunice, nakahinto sila at umiinom ito at si Brian ng tubig mula sa kani-kaniyang baunan. Samantalang siya na 'di nakinig kay Troy ay dinaig pa ang asong pagod sa paghingal. Couldn't they figure out na uhaw na uhaw na siya? Wala man lang mag-ooffer ng tubig?
'Brian, pa-share!'
"Nika, there is a convenience store on the next block," ani Brian, so alam pala nitong tubig ang kailangan niya. 'Di ba pwedeng mag-volunteer na ibili siya? Pakiramdam kasi niya magco-collapse na siya sa dehydration.
"There is?" halos 'di na lumabas iyon sa bibig niya.
"Yeah," at binigyan pa siya nito ng directions.
Ayaw niyang pumunta pero kesa mamatay siyang walang ginagawa, eh 'di umpisahan na niyang maglakad. Kahit mukhang gagapangin na lang niya ata dahil napaupo na siya sa gutter. But she needed to drink kaya tumayo siya ulit. Pero hindi pa siya nakakaisang hakbang nang may humintong bisikleta sa tabi niya at inabutan siya ng bottled water.
"Oh," si Troy pala 'yon. Halos mayakap niya ito sa tuwa, agad niyang kinuha ang tubig at ininom iyon na para bang one year siyang 'di nakainom.
"Thank you, Troy!" She could almost see halo over his head. "You're my guardian angel!" Troy did not say anything though at umalis na rin matapos tapunan ng masamang tingin si Brian.
"Troy did not change a bit," si Brian na napapailing na lang.
"Pasensya na kayo sa kanya. He loves looking after my welfare," sabi niya, mukha namang hindi napikon si Brian kaya hinayaan na lang niya.
"You're so lucky you have him!" Parang namimilipit sa kilig si Eunice. "That boy is so handsome."
"Tsk, kaunti lang naman," nagpatiuna na si Brian sa pagtakbo.
"Hindi kaya! You know what, I think, he is more of a hunk than you are," Eunice teased her best friend at lalong dumilim ang mukha ni Brian. Huminto ito and suddenly grabbed Nika's hand and they both ran away. Nagtataka man ay kilig naman ang dalaga sa paghawak nito sa kamay niya. "Hoy!" humabol si Eunice. "I was just kidding!"
Hindi ito pinansin ni Brian. Pero huminto ito and held both her hands tapos tiningnan siya nang diretso sa mga mata niya.
"Nika," he started, pakiramdam naman niya bumilis ang kabog ng dibdib niya. Para pang may hipnotismo ang mga mata nito at hinihigop siya.
"Yes?" she asked. Si Eunice humihingal sa tabi nila, still explaining her side to Brian na hindi naman nakikinig sa babae.
"Will you be my girlfriend?" nagulat siya pero mas nagulat si Eunice dahil napa 'what?!!!' ito nang malakas.
"Are you serious?" Halos maihi na siya sa kilig. Mabilis siyang nakarecover sa pagkabigla sa tanong nito.
"Of course! So Nika, will you be my girlfriend?" ulit nito and even held her closer.
"Yeah--- I mean Yes!" tuwang tuwang tugon niya. Ngumiti ito at niyakap siya. She couldn't explain the feeling, it was just simply indescribable like finally this is it!
Iniisip lang niya 'yon noong isang araw that Brian will become her husband tapos ngayon boyfriend na niya? Agad-agad! Siya na talaga!
Laglag panga si Eunice.
---
"So gano'n-gano'n lang, magjowa na kayo?" kausap niya ulit si Therese para ibalita ang improving lovelife niya.
"Yes," kinikilig pa rin siya at deadma sa bitterness sa boses ng kaibigan.
"Nika, hindi ka naman bata. I believe you are an adult na marunong tumimbang ng tama at mali. Given that you knew Brian since childhood, pero napakabilis naman niyan. He only came like when? The other day lang!"
"Bakit ba ang bitter mo? Just be happy for me okay?" nakangiting nakatitig siya sa kisame. "I can feel it, Theresa, magiging asawa ko siya!"
"Alam na ni Troy?" Parang nakikita niya ang kaibigan na nakapameywang sa harapan niya.
"H-hindi pa," oo nga pala, what will Troy feel about her relationship with Brian?
"Hindi mo man lang iniisip 'yong tao. Nika, ito ha, si Troy mahal na mahal ka niyan. Si Brian pakiramdam ko nabibigla lang."
"Hindi naman siguro. Kilala ko na rin naman si Brian long enough para masabing hindi biglaan lang 'to" medyo nagdamdam siya sa sinabi ni Therese.
"Okay, bahala ka girl."
She sighed. Bakit 'di na lang ito maging masaya para sa kanya?
-----
"Nika, we're going to be late!" kinakatok na siya ni Troy sa silid niya, napagkasunduan na kasi nila noong sinundo siya nito noong isang araw na ihahatid at susunduin na lang siya nito sa opisina niya para makatipid siya ng pamasahe. But that was before Brian came into the picture, syempre dahil boyfriend na niya ito, ito na ang maghahatid at susundo sa kanya. But how would she tell Troy?
"Mauna ka na," sagot niya, bihis na siya pero 'di pa siya kumikilos.
"How many more minutes do you need?"
"Matatagalan pa ako. Sige na, mauna ka na."
"Okay," she heard him sighed bago nakarinig ng papalayong mga yabag.
"I'm sorry, Troy," bulong niya, nang masiguradong nakaalis na ito ay saka siya lumabas. Siya kasi ang dadaan kina Brian.
So after three minutes, nasa harapan na siya ng bahay ng kasintahan. Nagdoorbell siya at makalipas ang halos limang minuto ay binuksan ni Eunice ang gate. Nagulat siya sa ayos nito, she was still on her lingerie, sa likod nito ay nakasunod ang nagnenecktie pang si Brian.
"Good morning, babe!" bati nito pero bago ito nakalapit sa kanya, hinarang ito ni Eunice para tulungang ayusin ang necktie nito.
"Good morning," ganting bati niya na hindi maalis ang tingin sa halos magkadikit na mukha at katawan ng dalawa. Gano'n ba ang magbest friends lang? "Shall we go?"
"Yeah," nagpaalam muna ito sa babaeng kaibigan bago lumabas at pumunta sa kotse nito sa harapan ng gate. "I'm sorry to keep you waiting."
"It's okay," sagot niya at sumakay sa kotse nito, mainit roon sanhi ng pagkakakulob sa magdamag. Bigla tuloy niyang naalala ang kotse ni Troy na hindi siya pinapayagang sumakay hangga't hindi pa malamig sa loob.
"So, where is your office?" tanong nito habang binubuhay ang makina. Marumi rin sa loob ng kotse. May mga pinagbalatan ng kung anu-anong pagkain. May mga langgam pa nga sa dashboard.
"May thirty minutes pa naman, hindi pa ako late," aniya matapos ibigay ang direksyon dito. Lihim siyang nadidis-appoint pero mas lamang ang kalandian niya.
Katahimikan.
"Ahm, Brian," aniya, kanina pa siya binabagabag ng imahe ni Eunice na nakadamit pantulog.
"Hmn?"
"Si Eunice – " alanganing umpisa niya, baka isipin ni Brian eh kabago-bago nila selosa na siya.
"What about her?"
"Kasi... Kayong dalawa lang ngayon sa bahay n'yo at –"
"Nagseselos ka ba?" medyo irritable ang tinig nito pero halatang itinatago nito iyon.
"Ay naku, hindi!" todo deny siya. "Best friend mo siya, 'di ba? Ano, kasi, gusto ko din sana na magkakilala kami maigi," pagdadahilan niya na lang para pagtakpan ang selos na nararamdaman.
"Hayaan mo na 'yon. Aalis din siya sa bahay kapag natapos na ang vacation leave niya."
"Okay," hindi na siya nagsalita. Baka mainis pa ito sa kanya. 'Di rin naman nagtagal at nakarating na sila sa tapat ng building ng opisina niya. "Thank you sa paghatid," she smiled at him.
"Okay lang 'yon. Maliit na bagay. I will fetch you later," he moved to kiss her cheek at 'di na umibis ng sasakyan para ipagbukas siya.
Troy would never do that to her. Iikot pa ito para ipagbukas siya ng pinto kesehodang sobrang init o bumabagyo at mababasa ito.
"Okay," pagbaba pa lang niya ng kotse ni Brian, natanaw na niya sa 'di kalayuan ang kotse ni Troy. Nakababa ang bintana sa tapat nito pero hindi ito bumaba para puntahan siya. In fact umalis din ito pagkaalis ni Brian. Pero siguradong-sigurado siya na nakita sila nito. Kinabahan siya, ano na naman kaya ang iniisip ng kinakapatid niya? Binabantayan na naman ba siya nito?
Uneasy siya pagkadating sa opisina. Inaalala niya sina Troy at Brian. Ibinubukas pa lang niya ang computer nang i-text siya ni Brian.
"Troy is threatening me again."
"Where are you? Are you with him?"
"Yes."
Sisirain na naman ba ni Troy ang pagkakataon n'yang makapag-asawa? Hindi siya makapapayag. She dialed Troy's number. Di naman nagtagal at sumagot ito.
"Troy, ano na naman ba ito?" angal niya kaagad.
"Did he tell you?" sarcastic ito. "Parang babae, nagsusumbong."
"Troy, please. Give this one to me, hmn?" nakikiusap siya.
"Why didn't you tell me na kayo na pala agad? That man is not even in love with you!"
"Please, 'wag mo siyang huhusgahan!"
"You never listen to me, Nika. Believe me, I know his kind. Besides, he just came back! Anong gusto mong palabasin? That he's in love with you for so long?" Hindi ito makapaniwala, nilelecture-an na naman siya na para bang napakabata niya at walang muwang sa pag-ibig.
"Troy, matanda na ako. Alam ko kung kelan sincere ang tao o hindi."
"Susunduin kita mamaya," sa halip ay sagot nito. "Don't you dare turn me down kung ayaw mong basagin ko ang mukha ng Brian na 'yon!"
"Are you threatening me?" umiinit na ulo niya.
"No, I am protecting you!"
"Stop this, Troy! Brian will fetch me, don't bother to come here or I will never talk to you again!" she ended the call.
Malapit na siyang matuyuan ng dugo sa ginagawa ni Troy. Gusto niyang iuntog ito para ma-realize nito na hindi ito dapat nakikialam sa buhay niya.