c4

1660 Words
Ilang araw niyang hindi nakita si Troy after that phone call. Hindi niya alam kung umuuwi ba ito ng bahay o hindi, ni hindi ito nagtetext kung nasaan ito. She wanted to say sorry pero mabuti na rin 'yon na ito mismo ang sumuko sa kanya. "Hello?" She ran to the telephone nang tumunog iyon. "Hello, anak!" si Diana ang nasa kabilang linya. "Kumusta na kayo ni Troy? Are you guys doing well?" "Of course, Ma," she lied. Ang totoo, hindi niya nga alam kung nasaan si Troy. "Very good!" Sumingit si Beth. "Anyway, just a couple more days and we're back! Shall we talk about the wedding then?" "Tita, hindi po -" "Don't worry, anak. Malapit na kami umuwi," si Diana na ulit. "I missed you!" "Miss you too, Ma." What will her family say kapag nalaman ng mga ito na nagkatampuhan sila ni Troy dahil boyfriend na niya si Brian? Siguradong hindi magiging masaya ang mga ito. But she was hoping na maintindihan nila siya.  Nahulog siya sa malalim na pag-iisip at nagulat nang tumunog ang doorbell. Sunod-sunod iyon kaya naman halos magtumakbo siya papunta sa gate. "Eunice!" Ito ang nakita niya sa labas ng gate na tila takot na takot. "Nika, come quick. Nasa ospital si Brian!" "Ha? Bakit?" Bigla siyang kinabahan. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya sa labis na kabang umatake sa dibdib niya. "Binangga ang kotse niya!" Deklara nito na parang nanginginig pa. "What?" Nagmamadali siyang gumayak para puntahan ang kasintahan. Hindi na nga siya nakapagsuklay sa nerbiyos.  Kabago-bago ng relasyon nila ni Brian eh, mawawala na ba ito agad sa kanya? Huwag naman sana! 'Please, please, don't die...' piping hiling niya habang papunta sila ni Eunice kay Brian. Nagtricycle lang sila dahil malapit lang naman ang ospital na kinaroroonan nito at dahil pareho naman sila ng babae na walang sasakyan. Pagdating sa ospital ay nalaman niyang minor lang naman ang pinsala ni Brian. Over acting lang pala si Eunice. Akala niya tuloy mamamatay na ang binata. Gayunpaman ay alalang-alala pa rin siya dahil may mga plaster ito sa mukha at sa iba't ibang parte ng katawan nito.  Nakahinga siya nang maluwag.  "Babe, are you okay?" Masuyo niyang tanong kay Brian na mukhang hinang-hina rin ang itsura. But the Doctor assured them na wala itong malalang pinsala sa katawan. "I am now," ngumiti ito sa paraang nakakatunaw ng puso. "Kasi 'andito ka na." "Tinakot mo ako," umupo siya para yakapin ito. "Ano bang nangyari?" "Hindi ko alam, napagtrip-an yata ako," ikinwento nito kung paanong hinabol daw ito ng isa pang kotse at 'di tinigilan hanggang sa 'di siya maaksidente. "Sigurado akong may kinalaman si Troy dito, babe," galit nitong pagtatapos sa kwento nito. "Si Troy?" 'Di siya makapaniwala. While it's true that she hadn't seen him in a while, kilala niya si Troy. He wouldn't do such a thing. Pero hindi niya pwedeng kontrahin si Brian. Galit ang nakikita niya sa mga mata nito. "Siya lang naman ang galit sa akin dahil feeling niya inaagaw kita sa kanya. Poor man, you were never his in the first place."  "I'll talk to him. I'm sorry, Brian," sabi na lang niya. "It's okay. It's not your fault, Nika." Kailangan na nga niyang makausap si Troy. Kung totoong may kinalaman ito sa aksidente ni Brian, then hindi na ito ang Troy na kilala niya. But could Troy really do that? Labis na tumatanggi ang puso niya sa akusasyon ni Brian. Yet, hindi rin naman niya iyon pwedeng balewalain.  Paano kasi kung tama ito? "I love you, babe," Brian said kissing her hand. She just smiled. Mahal niya ito, syempre. Pero maaga pa para sabihin iyon. Naiuwi rin kaagad si Brian. Gustong-gusto niyang manatili sa tabi nito pero 'andoon naman si Eunice. Kaya uunahin na lang muna niyang kausapin si Troy. Tinatawagan niya ito pero nakapatay ang cellphone nito. Nag-aalala na siya. Hindi ugali ng binata na hindi nagcha-charge ng cellphone. Pagdating niya sa bahay, bukas lahat ng ilaw. Troy must have been home. Binilisan niya ang lakad. "Troy?" She called as soon as she got inside. Nakita niya ito sa kusina, preparing some fancy dinner. "Troy!" She was both relieved and surprised to see him. "Let's celebrate, Nika!" He was smiling like hindi sila nag-away noong huling usap nila. Bagamat medyo haggard dahil sa unshaved beard, maliwanag ang aura nito like he was so excited about something. "What's there to celebrate about?" Kunot noong tanong niya. A bit suspicious, remembering Brian's accusation, 'yong tagumpay ba nitong masaktan si Brian ang icecelebrate nila? "Sasabihin ko sa'yo kapag tapos na. But for now, it's almost 100% done kaya pwede na tayong magcelebrate," ipinanghila siya nito ng upuan, put napkin on her lap at pinagsilbihan siya. "What is it, Troy?" Gusto niyang magtampo, gagawin ba nito lahat para masira ang relasyon nila ng boyfriend niya? "It's a surprise. Hindi na surprise kapag sinabi ko sa'yo." Naiinis na siya. Ikakasurprise ba niya kapag nagtagumpay itong saktan si Brian? "I'm not into this, Troy!" Tumayo siya bigla. "Ano bang problema mo?" Alam niyang medyo naiinis na din ito sa inakto niya. "Since you arrived parang may gusto kang sabihin na 'di mo masabi-sabi." "Brian had an accident," nagpipigil na aniya. "I know. I heard about it," sagot nito. "Troy, tell me you have nothing to do about it," mariin niyang sabi. "Are you kidding me?" Tuluyan na rin itong tumayo. "Is that what he told you?" "No," napaiyak na siya. She did not want to accuse Troy pero sobra namang magresort na ito sa sakitan para lang hiwalayan niya si Brian. "Galit ka sa kanya, 'di ba?" "Are you saying na ako ang gumawa sa kanya no'n?" Halatang nasaktan ito sa akusayon niya. "Galit ako sa kanya dahil niloloko ka niya. But I won't go that low para ipakita sa kanya na hindi ko siya gusto. Why don't you ask your boyfriend kung ano talaga ang nangyari? Ang hirap sa'yo andali mong magtiwala sa iba," he added while not trying to hide that he was hurt. "Ako Nika, mahal na mahal kita, but you never trusted me like that!" "Troy, not now please! Just stop this. Hayaan mo na akong maging masaya!" "Wala akong ginagawang masama, Nika!" Giit ni Troy. " Tanungin mo si Brian kung ano talaga ang nangyari!" "Bakit, alam mo ba kung ano ang totoong nangyari?" She somehow felt the urge to know the real story. Ayaw niyang tanggapin na sinaktan ni Troy ang boyfriend niya pero ayaw niya ring isipin na niloloko siya ni Brian. "I'd rather you find it out yourself," sabi nito while walking out of the dining room. "Ayokong isipin mo na sinisiraan ko siya. But I want you to know that he isn't as perfect as you think he is. Inuulit ko, matagal na nawala si Brian." Gusto niyang mag-sorry. Pero alam niyang nasaktan na niya ito. She looked at the dinner that he prepared. He obviously anticipated a wonderful night but she ruined it. "Troy!" Hinabol niya ang binata. "I'm sorry!" Huminto naman ito, hinarap siya at bigla siyang niyakap. "I'm sorry, Troy," umiyak siya sa mga bisig nito. "I don't know what to think anymore. Sorry." "I love you, Nika. Please give me a chance," napakahigpit ng yakap nito. "Mabibigay ko rin naman sa 'yo lahat ng kayang ibigay ng Brian na 'yon. Hihigitan ko pa. I won't hurt you. I will never let you cry! Magiging masaya ka sa piling ko." "Troy, you know I can't. We can't be lovers." "Why not?" he was hurting, alam niya sa mga bahagyang pag-alog ng balikat nito that he was crying. "Hindi mo maiintindihan. We just can't." "Make me understand. Kasi ang sakit sakit na, kaya mong magtiwala sa iba pero sa akin hindi!" "Troy - " "It's okay," bumitaw na ito at tinalikuran siya kaagad. Ayaw ipakita ni Troy ang mga luha nito sa kanya. "I promised myself that I won't force you to love me." "I'm sorry." "Don't be. I am not giving up on you yet," he forced a smile when he looked at her. "I love you, Nika. I will always love you." Hindi rin naman niya maintindihan bakit ayaw niya itong papasukin sa puso niya. Troy is a good person bukod pa sa taglay nitong kagwapuhan. But she just could not see him as someone na mamahalin niya kasi lagi niyang nakikita 'yong batang Troy na itinuring niyang kapatid. And maybe he would forever remain that way in her eyes. ----- "Malapit na ang birthday mo," binisita siya ni Therese dahil nangako siyang ipapakilala niya rito si Brian. "Oo nga eh." "Eh bakit ka malungkot? Hindi pa nagpo-propose si Brian?" Taas kilay na tanong nito. "Alam mo, si Troy na lang, pakakasalan ka no'n, agad-agad." "Therese, I'm hurting Troy. Ayoko siyang saktan," malungkot na amin niya. "Hindi madali, 'di ba? Kasi alam mo sa sarili mo na buong buhay no'ng tao ikaw lang ang nakikita niya. Tapos dahil bumalik 'yang first love mo eh, go ka naman kaagad-agad. 'Di ka man lang bumusina para nakatabi 'yong tao." "Para rin naman sa kanya 'to, 'di ba? Ayokong forever siyang umasa." "Forever nga ba siyang aasa? Friend, kahit kaunti ba, wala kang maramdaman para kay Troy?" Nananantiyang tanong ni Therese. "Ano ka ba naman, kaibigan ba kita o presidente ng fans club namin ni Troy?" Idinaan niya sa biro ang sagot but deep inside, pinag-iisipan niya ang tanong nito. Twenty-five years. Gano'n katagal na niyang kilala si Troy. At siguro kung may isang bagay siyang hindi kakayanin, 'yon ay ang mabuhay na wala ito. But feeling something romantic for Troy wasn't really a thing she ever considered before. Kahit kailan hindi niya ito nakita nang higit pa sa isang nakababatang kapatid kahit na simula ng malaman ni Troy ang salitang pagmamahal ay wala na itong ibang pinag-alayan no'n kundi siya. "Pwedeng both?" Therese grinned. "Sira ka talaga eh," pareho silang napatingin sa labas nang may magdoorbell. "'Andito na siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD