c5

1581 Words
"Mama! Papa!" Nagulat siya nang ang mga magulang nila ni Troy ang dumating. "'Andito na po kayo?" "Naku anak, wala pa... Prank lang 'to, mamaya magtatanggal kami ng maskara at makikita n'yo ang totoo naming mga mukha!" Tugon ni Diana na mahigpit siyang niyakap. "I missed you, anak!" "Akala ko po sa birthday ko kayo babalik?" Hindi siya ready, darating pa naman si Brian any minute. "Naubusan na kasi kami ng pupuntahan. Hindi pala masaya kapag hindi kayo kasama ni Troy," si Beth. "Naku, let's go inside, marami kaming pasalubong sa inyo." Hindi pa man sila nakakaabot sa pinto ay dumating naman sina Brian at Eunice. Pakiramdam niya lalamunin siya ng lupa sa pagiging unprepared lalo nang sinundan agad ni Troy ang pagdating ng dalawa. Parang bigla siyang na-tense. "Brian!" Si Diana na nakilala ang kapitbahay "Nakabalik ka na pala, hijo. It's good to see you! And you are with? -" "Eunice, Tita. Bestfriend ko." "Oh, I thought, asawa mo. Mabuti at napasyal ka. Antagal mong 'di umuwi ng Pinas," sabi naman ni Beth. "Actually Tita -" tumingin ito sa kanya sa nagtatanong na mga mata. "I'm here because -" "Ahm, Ma, Pa, Tita, Tito, at Therese - si Brian, boyfriend ko na po," alanganing pakilala niya. "Ilang araw na." Una napa-ah ang mga matatanda then later on when they realized what she just said, nagtinginan ang mga ito sabay bulalas ng mga ito ng "what?!" And as though she saw their hopes crashed to the ground. Gusto ni Nika na bumuka ang lupa at lamunin na siya. Ang awkward ng pakiramdam niya. Bakit gano'n? Bakit naman kasi biglaan ang pagdating ng mga ito? She wasn't ready at all! "Let's talk about it inside," anang papa niya na naunang nakabawi. Nagsisunuran naman sila. Huling pumasok si Troy. Hindi naman siya makatingin nang diretso rito. She felt guilty. "So how did this happen? Umalis kami last week na wala ka pang boyfriend," umpisa ng papa niya. Si Brian ang sumagot. She felt relieved na maayos itong nagpaliwanag pati ng intensyon nito sa kanya. She felt proud and loved too. Kahit na halata naman ang disapproval ng parents niya for obvious reason ay 'di naman binastos ng mga ito ang boyfriend niya. Her father said na kung talagang gusto niya si Brian ay wala namang magagawa ang mga ito. "Thank you, Tito. I will take care of your daughter," 'di rin naman ito nagtagal at si Eunice. "Anak," umpisa ni Diana pagkabalik niya matapos ihatid sa labas ang dalawa. "Prank ba 'to?' "Mama naman... Ito na 'yon, magkakaasawa na rin ang unica hija n'yo," nakalabi pa niyang sagot. "Boyfriend pa lang, Nika. Masyado kang advance. Bata pa ang relasyon n'yo para isipin mong siya na ang mapapangasawa mo," parang gusto siyang kutusan ng ina. "Mama, hindi naman nasusukat sa tagal ng pagsasama 'yan," nakalabing aniya. "Nika, wag padalos-dalos, ha?" ang papa niya. "Opo, 'Pa." Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niyang malungkot na umalis si Troy sa common area nila. Kanina habang naroroon si Brian, sinikap ni Therese na kunin ang atensyon nito. Alam niyang nasasaktan ito but he stayed strong. Siguro para hindi mag-alala ang mga magulang nito. "Anong sabi ni Troy?" Curious na tanong ni Diana. "Ma, syempre hindi siya sang-ayon." Tinatanong pa ba 'yon? Eh, mas OA nga ang naging reaksyon nito. "Anak naman kasi. Hindi ka ba talaga interesado kay Troy? Ano pa bang hahanapin mo sa kanya?" Hirit pa ng ina. "Mas matanda po ako sa kanya." "Sus naman, 'nak, age doesn't matter. Isa pa hindi siya sobrang bata para sa'yo. Hindi naman iyong tipong lola ka na at siya ay pa-adulthood pa lang. Saka ito ha, kapag si Troy ang napangasawa mo, mapapanatag kami ng Papa mo. He is a good person. More than anyone else dapat ikaw ang nakaaalam no'n." She just sighed. Wala namang makakaintindi sa kanya kung sasabihin niyang kapatid ang tingin niya kay Troy. Eh noon pa man pinagtutulakan na siya sa kinakapatid. Kaya rin siguro imbes na tumigil si Troy, mas na-encouraged ito sa nararamdaman nito sa kanya. May suporta kasi ito ng mga magulang nila. "Sige, anak. Tutal eh buhay mo naman 'yan. Kung kanino ka magiging masaya, susuportahan ka namin," Diana hugged her. "Pero kung alam namin na ito ang magiging resulta ng pag-iwan namin sa inyo ni Troy, 'di na sana kami umalis." "Mama!" ----- "Tingin ko hindi sila boto kay Brian," ani Therese nang maiwan na silang dalawa. "Obvious naman, 'di ba? Pero sa umpisa lang 'yan, syempre nag-eexpect kasi sila na kami ni Troy ang magkakatuluyan, 'di ba? But if they'll get to know Brian more, I'm sure makukuha ko rin ang approval nila." Hindi niya alam kung sino ang kinukumbinsi niya sa sinabi niya. Sarili ba niya o si Therese? "Hmn, okay. Pero ako, NiTro pa rin... Solid." Nagtaas pa ito ng kamao. "Therese naman... " "Opinyon ko lang 'yon. Hindi ka ba nabo-bother na laging kasama ni Brian 'yong Eunice na 'yon? Maganda siya girl. Parang supermodel." "What are you trying to say?" "What I mean is, sila lang dalawa sa kabilang bahay at hindi santo ang boy-" "Wag ko raw aalalahanin 'yon sabi ni Brian," she cut her. Ayaw niyang magkaroon ng dahilan para magduda kay Brian. Hindi iyon healthy. "Okay." Therese shrugged at tumayo na. "Aalis na ako at susundo pa ako sa school." "Sige, salamat sa pagbisita. Ingat ka." ----- Kinabukasan ay sinundo siya ni Brian sa opisina. Lalabas umano sila dahil dumating na galing sa bakasyon ang pamilya nito. "You will love them, Nika. They are very excited to see you." Ngumiti lang siya. Syempre kilala niya ang pamilya nito. Did he forget that they were neighbors? Mas matagal pa nga niyang nakasama ang pamilya nito dahil 'di naman siya umalis ng Pilipinas. Pero kahit magkapitbahay sila, hindi naman close ang mga pamilya nila. Mataas kasi ang bakod ng mga ito. "I already told my mom na puntahan 'yong mga magulang mo para isama sa pupuntahan natin. This night is going to be special, babe." "Really? I'm so excited," malakas ang pakiramdam ni Nika that tonight's gonna be life changing. "Me too. I can't wait." Sa isang eksklusibong resort sa bayan nila sila tumuloy. Inabutan nga niya ang mga magulang niya roon. They were chatting with Brian's family including Eunice. "Everyone," anunsyo ni Brian pagdating nila. "Mom, dad, sis, this is Nika... Well, you already know her, but tonight, I want you to know her not as our beautiful neighbor, but as my future wife." Kinabig muna siya nito para halikan sa noo bago lumuhod sa harapan niya at tanungin siya ng "Will you marry me, Nika?" He was holding a ring on one hand. Syempre naman nabigla siya dahil one week pa lang na sila. Pero ito na 'yon eh, it is her prayer being answered in front of her. Paano siya tatanggi? Tuwa lang niya at 'di niya nakuhang sumagot agad. "Nika?" Untag tuloy ni Brian na nag-alalang tatanggi siya. "Yes," sagot niyang ngumiti nang maluwag. "I will marry you, Brian!" "Yes!!!" He slipped the ring into her ring finger and hugged her very tight. "Thank you!" Nagpalakpakan at kinongratulate sila ng mga kasama nila. But Nika's parents were obviously a little bit disappointed but they were polite enough not to show their feelings to Brian's family. "Who would have thought? Magiging magbalae tayo!" Anang pasosyal na mama ni Brian sa mama niya. "Oo nga... This is quite real fast!" "Doon din naman papunta 'yon. Bakit patatagalin pa? Nika is very lucky to marry my son." "He is blessed my daughter agreed to marry him." Bago pa makatensyon, namagitan na silang dalawa. "The wedding's gonna be on Nika's birthday," dagdag anunsyo ni Brian at maging siya ay nagulat doon. Gano'n kabilis? "Pero ilang araw na lang 'yon," aniya. "Don't worry, Dad's got a connection sa city hall. Siya na ang bahala." He kissed her cheek. "Nika is my only daughter," anang papa niya. "I oppose that civil wedding you have in your mind." "Papa," aniya. "It's okay... Mas praktikal po iyon." Though hindi naman talaga niya gusto ang civil wedding, mas okay na rin 'yon kaysa tumanda siyang dalaga. "Tito, pakakasalan ko rin po si Nika sa simbahan after the civil wedding," paliwanag ni Brian at natuwa na rin siya roon. "Mabuti na iyong malinaw..." And just like that, she got engaged. Dininig ang panalangin niyang makapag-asawa bago siya mag-thirty even if she's actually thirty on her wedding day since it's her birthday. ----- "Make sure hindi ka nabibigla lang," mariing wika ng papa ni Nika nang makauwi sila. "Papa, I'm old enough," giit niya. Shouldn't they just be happy for her? "Anak, hindi naman iyon eh. Matagal ka na naming pinag-aasawa. Pero sana hindi sa lalaking isang linggo mo pa lang karelasyon." Sabad ni Diana. Disappointed din ito. "At kanino, ma? Kay Troy? Please just support me!" "We will always support you," niyakap siya ng mga ito. "But you are our only daughter, you must understand, we are worried about you." Bakit pakiramdam niya binigyan niya ng sama ng loob ang mga magulang niya? How would she explain to them that she felt like it was her last chance? Na kapag hindi siya sumampa sa barko ay maiiwanan na siya dahil huling byahe na iyon? May makakaintindi ba sa pag-aalala niyang baka hindi na siya makapag-asawa pa kapag tinanggihan niya si Brian? Her prayer was being answered. It was exactly how she wanted it. Tatanggi ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD