"So ang sinasabi mo sa akin, nagkakaganyan ka dahil sinabi ni Troy na hindi ka na niya mahal?" Hindi makapaniwala na ulit ni Therese. "Ano ba? Hinaan mo nga boses mo!" Yamot na saway niya sa kaibigan. "At nagseselos ka kay Melissa dahil siya na ang bagong pag-ibig ni Troy?" Malakas na naman ang boses na sabi ni Therese, nananadya na. "Sige lakasan mo pa, Theresa!" She crossed her arms. "Ipagsigawan mo just how devastated I am that Troy no longer loves me!" "Oh my gosh! Are you devastated?!" Namilog ang mga mata ng kaibigan niya. Asar na pinabayaan niya ito nang magtatalon itong parang bata sa kama niya. 'Abnormal talaga, tsk!' "Nika, Nika, Nika!" Kulang na lang ay magtitili ang kaibigan niya sa labis na tuwa. "What's wrong with you? I'm serious, Therese!" Pikon niyang angil. "Nik

