"Nurse Mel, kailangan ka sa Emergency Room. May pasyenteng hinahanap ka," sabi ni Nurse Glowyn. Kalalabas niya lang no'n sa kwarto ng isang pasyente nang humahangos itong lumapit sa kanya. Syempre, dahil partikular na hinahanap siya sa Emergency Room, she concluded na kakilala niya ang pasyente. Kaya naman abot-abot ang kabang hindi na siya nagtanong pa kung sino ang pasyente at dagling tinakbo na ang direksyon ng ER. Muntik pa niyang mabangga si Dr. Za Li na papalabas ng ER noon. "Nurse Mel, the patient is looking for you. Ayaw niyang magpalapit kahit na kanino," sabi ng Doktora. Doon siya napakunot-noo. May kakilala ba siyang gano'n ka-OA? Kaya nga ER, emergency ang sitwasyon. Why would someone insist for her presence if it's emergency? "Puntahan mo na. He's got an open wound on h
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


