Nagtago na lamang si Li Xiaolong sa pinakamataas na puno. Wala siyang balak na pumagitna sa labanan ng mga estudyante ng Cosmic Dragon Institute at ng Meckon Demons. Ni wala sa bokabularyo niya ang mangialam sa gustong mangyari ng mga hangal at tusong mga repeaters na animo'y hindi niya kakikitaan ng kabutihan sa puso ng mga ito. Literal na walang puso ang mga ito dahil di man lang nakaramdam ng pagkaawa o bahid ng konsensya ang mga ito sa mga bagong dating na mga mag-aaral ng Cosmic Dragon Institute. Ganito talaga ang senaryo sa kahit saang lugar at hindi na ito bago Kay Li Xiaolong. Namuhay at namulat siya sa mahirap na angkang ginigipit ng malalakas na pwersa lalo na ng mga karatig-angkan ng mga ito. Ang buhay sa mundong ito ay masasabing hindi makatarungan ngunit kailangang pilitin

