Sumusobra ka na Little Devil! Ang yabang-yabang mo!" Malakas na wika ng isang repeater habang madilim ang tinging ipinupukol nito kay Li Xiaolong. Halatang nayayabangan siya sa inaasta ngayon ni Little Devil. Para kasing pinapamukha sa kanila na siya na ang pinakamagaling at pinakamalakas sa lahat ng baguhang estudyante. "Basura? Mukhang nilipad ata ng hangin ang utak mo dahil hindi isang trial ang reyalidad Little Devil. Ngayon pang nandito ka sa harap namin? Tingin mo ba ay makakaalis ka ng buhay sa mga kamay namin?!" Sambit ng isang repeater habang kitang-kita na namumula ang mukha nito sa labis na inis habang nakatingin kay Li Xiaolong. Hindi kasi niya maaatim na hamakin lamang sila ng sinuman lalo na ng baguhang estudyante. Pero nag-iingat pa rin sila sa maaaring gawin ng pesteng L

