Pansin ng batang si Li Xiaolong ang mga masasamang tingin ng mga nilalang mula sa malayo. Pagak na lamang na natuwa ang loob ng batang si Li Xiaolong dahil alam niya kung anong mga klaseng estudyante ang nakatingin sa kaniya. Walang iba kundi ang mga repeaters. Isa ito sa dapat niyang paghandaan lalo na at tanyag ang kaniyang sarili sa lahat kaya siya ang magiging pangunahing target ng mga ito kung sakaling makapasok na sila sa loob ng portal. Maya-maya pa ay bigla na lamang humawi ang mga estudyanteng nakatumpok sa gitna kanina at nakita nilang lahat ang paglitaw ng naglalakad na isang ginang na kung hindi nagkakamali si Li Xiaolong ay isang guro ito sa Cosmic Dragon Institute. "Si Mistress Nüying nga ito. Hindi ko aakalaing ang terror na guro pa ang magiging guro namin sa pagtraining

