bc

He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)

book_age16+
1.7K
FOLLOW
6.7K
READ
others
others
drama
comedy
humorous
straight
bold
witty
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, napilitan si Felix na pamahalaan ang kompaniya ng kaniyang ama matapos ang 10 taong pamamalagi sa Canada. Mahal niya ang kaniyang mga magulang ngunit gusto niyang gumawa ng sariling pangalan sa industriya. Gusto niyang makilala bilang siya at hindi bilang anak ng isang business tycoon. Noon pa man, lagi na silang nagtatalo ng ama dahil dito, kaya mas pinili niyang lumayo upang hindi na lumala pa ang lamat na namumuo sa pagitan nilang dalawa. Ngunit ngayon, wala na siyang ibang pagpipilian. Nasa ospital ang kaniyang ama at hindi maaaring mabakante ang pwesto nito.

Malaki ang utang na loob ni Kyra sa mag-asawang Legazpi. Ang mga ito ang nagpaaral sa kaniya. Kaya naman desidido siyang matulungan ang mga ito na mapatino at mapanatili sa bansa ang nag-iisang anak ng mga ito, na sa larawan niya pa lang nakikita ngunit nagawa nang mapabilis ang t***k ng kaniyang puso noon pa man. Kaya naman pursigido siyang matulungan ang mga ito kahit nangangahulugan itong katakot takot na pangbubwisit nito sa kaniya araw-araw.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 (First Impression Last)
              Hindi ko napigilan ang pagkurba ng isang matamis na ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang napakagwapong mukha ni John Felix Legazpi. Nag-iisang anak ito ng mag-asawang Feliz at Alexander Legazpi na nagpaaral sa akin mula pa High School. Nakita ng mga ito kaming maglola nang minsang magkaroon ng outreach program ang kompaniya ng mga ito sa liblib na probinsiya namin sa Bicol. Napag-alaman kong naging matalik na kaibigan ng mga ito ang aking yumaong ina noon at si nanay ang naging tulay sap ag-iibigan ng mag-asawa. Kaya naman walang pagdadalawang isip na tinulungan kami ng mga ito at dinala sa Maynila.             Mabait ang mag-asawa sa kabila ng kayamanan ng mga ito, very down to earth. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila. Sa katunayan, parang anak ang turing ng mga ito sa akin. Kung minsan ngaý ako na ang nahihiya. Noon pa man ay crush na crush ko na si Felix. Bakit hindi? Napakagwapo nito. Sa katunayan, malaki ang pagkakahawig nito sa Hollywood actor na si Channing Tatum. Tanging sa mga nakasabit na larawan ko lang nakikita ang binata. Nakakalungkot dahil sa tuwing umuuwi ito sa bansa ay lagi akong abala sa pag-aaral kaya naman kahit minsan, hindi ko ito nasilayan ng personal. “Ikaw ah, nagpapacute ka naman sa akin. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo na kailangang gawin yan dahil sayong sayo na ako.” Kinikilig na pagkausap ko sa picture frame na hawak ko. Oo, may larawan ito sa silid niya. Nang minsang dumalaw ako sa mansion, kinunan ko ng larawan ang lararawan nitong nakasabit doon at nagprint ng para sa kwarto ko. Ganun kalaki ang pagkakagusto ko sa binata. “Ehem, naku, ang aga naman yata niyan apo.” Narinig kong pukaw ni Lola Aida sa gitna ng pagpapantasya ko sa aking Prince charming. Oo, alam ng lola ko ang kabaliwan ko at tanggap nito iyon. Noon pa man, likas na sa akin ang pagiging pilya.   “Lola siya kasi, ang aga aga ang lapad ng ngiti sa akin.”   “Oo na, naku, ka aga-aga eh kumekerengkeng ka na naman diyan. Maligo ka na at maaga pa ang pasok mo sa opisina.” Napapangiting pakli nito bago inabot sa akin ang hawak nitong tuwalya.   “Oo na po Lola, ito na po oh, tatayo na.” Ibinalik ko muna sa bedside table ang picture frame ng binata saka tumayo na mula sa pagkakasalampak sa aking kama. Tinggal ko muna ang makakapal na salamin sa aking mata at inalis sa pagkakapusod ang aking mahabang buhok.   Madaming nagsasabi na maganda naman daw ako, kaso hindi agad napapansin dahil may pagkamanang ako pumorma. Well, alam ko sa sarili ko na maganda talaga ako noh, hindi ko na kailangan ng validation mula sa ibang tao. Naniniwala ako na kung tunay ang pag-ibig ng isang lalaki para sa akin, makikita niya ang tunay kong ganda ko sa likod ng aking ayos at porma. Pero sa loob ng 24 years of my existence, mukhang wala pang nakakakita noon. Pero kiber lang, hindi naman sila ang inaasahan kong tunay kong pag-ibig. Ang tunay kong pag-ibig ay magigi ko nang boss. At pursigido akong ipakita dito ang gandang matagal ko nang itinatago. Gandang hindi mo inakala! Lahat ng mataý nakatuon sa akin mula nang pumasok ako sa building ng office. Hindi ko naman sila masisisi, ito ang kauna-unhaang pagkakataon na pinahiran ko ang aking mukha ng make-up. Sinuot ko rin ang pinakamagandang dress na nasa loob ng aking cabinet na minana ko pa sa aking loloa Aida. Nakasuot ako ng sapatos na may mataas na takong na lumilikha ng tunog sa bawat paghakbang. Para iyong musika sa aking tenga na nagsasabi na ang ganda ganda ko. Mas lalong lumakas ang self-confidence ko, taas noo kong nilampasan ang bawat mapanuring matang nakasunod sa akin. Yes, boys and girls, I’m this pretty! Nang marating ko ang palapag ng executive office, gusto kong matawa sa itsura ni Melissa ng makita ako nito. Literal na jaw dropped ito nang masilayan ang aking itsura nang pumasok ako roon.  Natatawa akong lumapit dito saka sinara ang bibig nitong nakabukas pa rin.   “Alam kong sobrang ganda ko today, no need to be this OA!” Natatawang saad ko saka pakunwaring nag hair flip kahit na nakapusod naman ang aking mahabang buhok. Lalong nanlaki ang mata nito sa sinabi ko na at hindi makapaniwala. Seriously, ganito siya kagulat sa kagandahan ko? C’mon!   “Are you serious?!” “Serious about what?” Hindi mo talaga alam? May salamin ba sa inyo? O baka may lagnat ka.” Lumapit pa ito sa akin upang damhin ang noo ko kung may lagnat nga baa ko. “Ano ka ba? I’m fine really. Kita mo toh oh?” Flinex ko pa ang braso ko na tila may bicep doon na lilitaw. Umiling-iling ito. “Kaibigan mo ako, kaya ako na ang magsasabi saýo. M-mukha kang Christmas tree friend! Saan mo ba nakuha itong damit mo? Pula na nga, polka dots pa! Daig mo pang sasalubong sa bagong taon! Diyos ko!”   “Anong problema dito? Ang ganda kaya. Tsaka colorful, pang pagaan ng atmosphere!”   Sinipat sipat ko ang damit ko, at wala akong makitang problema doon. Pulido ang pagkakatahi nood at matingkad pa ang kulay.   “Correction, makulay ang damit mo, pero hindi maganda girl! Kung mantel siguro yan, baka oo, pero damit? Seriously girl! At tsaka, anong nilagay mo sa mukha mo? Buhay pa ba ang nag make-up sayo? Mukha kang grade 1 na sasali sa street presentation!”   “Hoy, grabe ka na ah! Lola ko nag lagay ng make-up sa akin!”   “That explains why! Baka maganda ang ganyan kapulang blush on noong 1980s pero hello, it’s 2021 na. At anong nilagay sa kilay mo? Uling? Girl, hindi maganda promise!”   Nalilito ako sa sinasabi nito. Sinipat ko pa ang aking itsura bago umalis sa bahay. Sure naman ako na maganda ako. Maluha luha pa nga si lola ng makita ang itsura ko matapos niya akong ayusan. Anong sinasabi nito?   “Lahat ng nadaanan ko nakasunod ang mata sa akin? So paano mo maiexplain iyon aber? Lahat sila, jaw dropped, kahit nga ikaw eh!”   “Sino naman ang hindi matitigilan at mapapasunod ang tingin sayo? Eh mukha kang dadalo sa Halloween party? Utang na loob Kyra, makinig ka sa akin bago pa dumating ang boss natin.”   “Hindi ba talaga ako maganda?”   “Hindi, kaya maghilamos ka na!”   Hindi nga ata talaga kaaya-aya ang itsura ko ngayon! Biglang baha ng realization sa akin. Hindi ako pwedeng makita ni Felix na ganito! Not on our first meeting!   Patakbo kong tinungo ang CR hindi alintana ang takong na suot ko ngunit agad din akong napatakbo pabalik nang makita kong pasalubong sa akin ang mga executives ng kompaniya. Patay!   “Itago mo ako! Dali!”   Agad akong nagtago sa ilalim ng aking mesa. Hirap na hirap akong gawin iyon, bukod sa hindi naman kalakihan ang space doon, nakakasagal din ang suot kong bistida at mataas na takong. Hindi ko alintana iyon, ang mahalaga ay makatago ako sa mga ito. Hindi ako nila pwedeng makita ng ganito! Dignidad please! “Anong ginagawa mo diyan?” Litong lito na tanong ni Melissa habang nakatunghay sa pinagtataguan ko.   “Ano ba, wag mo na akong tingnan. Sabihin mo wala ako dito!”   “Ano? Bakit?”   “Ms. Melissa Salve, anong ginagawa mo diyan?”   Narinig kong tanong ng Vice-president ng kompaniya na si Mr. Chua! Patay! Biglang tumayo ng tuwid si Melissa. Lalong nagrambulan ang daga sa dibdib ko. Please Lord, iligtas mo po ako, promise magpapamisa ako ng isang taon, iligtas mol ang ako sa kahihiyan.   “G-good moring sir!” Kandabulol bulol na bati ni Melissa sa mga dumating.   “Good morning Ms. Salve, I can see that Ms. Mendoza is not yet here.”   “Uhm, ano po sir…”   Nararamdaman ko ang pagkataranta ni Melissa. Si Melissa ang tipo ng tao na hirap na hirap magsinungaling. Ayokong makita nila ako ng ganito, pero ayoko ding siya ang sasalo sa kabaliwan ko. Labag man sa loob ko, pikit matang itinaas ko ang aking kanang kamay.   “I’m here sir!” Bahala na si Batman! “What are you doing there Ms. Mendoza?” “Nalaglag po yung ballpen ko pinulot ko lang.” Sa biglang tayo ko, tumama ang ulo ko sa mesa kung saan ako nakakubli. Anak ng pateng naman talaga! Hinimas ko ang nasaktan kong ulo ngunit nanatiling nakayuko. Alam kong naguguluhan na din ang mga ito sa inaakto ko. Well ako din naman! Normally ay assertive ako, pero alam kong hindi iyon ang nakikita ng mga ito ngayon. Please Lord, ayokong ganito ang maging first meeting ng Prince charming ko!   “Are you okay Ms. Mendoza?”   “Yes sir!” paniniguro ko dito ngunit nanatili akong nakatagilid sa mga ito habang nakayuko, kunwariý inaayos ang mga papeles sa mesa ko. Nag thumbs up pa ako upang makumbinse ang mga ito. Maniwala na kayo please!   “Anyway, this is Mr. John Felix Legazpi, the new CEO of this company. I hope you’ll help him with all his needs.”   “We will do our best sir!”   “We have to attend a meeting we’ll leave you now Mr. Legazpi.” Paalam nito sa bago naming boss.   Akala ko ay papasok na din ito sa pribado nitong opisina pagkaalis ng mga kasama nito ngunit hindi. Nanatili itong nakatayo sa aming harap. Kapag sinuswerte ka nga naman talaga! Tagaktak na ang pawis na namumuo sa aking noo.   “You might already know me, but I still want to introduce myself, I’m Mr. John Felix Legazpi, your new boss.”   Narinig kong turan ng isang baritong boses. s**t, boses pa lang yummy na! Lalong nanghina ang tuhod ko.   Nasilip kong nilahad nito ang malaking kamay nito kay Melissa na agad namang tinanggap nito.   “Welcome, Mr. Legazpi!” Abot tenga naman ang ngiti ng bruha habang nakikipagkamay sa bago naming boss! Hey, that's mine! Kung nasa maayos lang akong disposisyon ay nasiko ko na si Melissa!   “I hope you’re also glad to see me, Ms. Mendoza.” nagulat ako nang sa akin naman ito bumaling. Sa wakas, nagkalakas loob na akong silipin ang mukha nito. Literal na napanganga ako sa itsura nito. Muntik ko nang matawag ang lahat ng Santo pagkakita ko sa napakagwapo nitong mukha. Halleluiah! Totoo ba ito? Sa TV ko lang nasisilayan ang ganitong mukha noon.   "Ms. Mendoza, are you with us?" kumunot ang noo nito na tila naguguluhan na sa reaksiyon ko.   “O-of course sir.” agad kong sagot. Self, makisama ka naman please!   “I think if you are, you will look at me. It's a form of respect you know.”   Ramdam ko ang disgusto sa boses nito. This is so bad! Wala na akong kawala, paalam dignidad. Bakit ba kasi wala akong maayos na fashion sense? Dahan dahan akong humarap dito saka inabot ang kamay nitong nakalahad.   “W-welcome sir.”   Ito naman ang natulala nang masilayan ang aking itsura. At alam na alam ko na hindi iyon pagkabighani. Agad na nawalan ng kulay ang mukha nito. Lupa, lamunin mo na lang ako! Now na please!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.7K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook