Kabanata 2

1402 Words
Kabanata 2 "Kailan ba natin gagawin ang seremonya? Hindi na ako makapaghintay na maging ganap na tao muli... kahit isang siglo man ang itagal ng bisa." "Nakalimutan mo na ba? Tuwing bilog ang buwan natin ginagawa ito." "Pero, sigurado ka bang siya ang babaeng tinutukoy mo? Iba ang kanyang mukha sa nakitang propesiya." "Hindi... hindi ako maaaring magkamali. Alam kong siya ang babaeng iyon at wala nang iba pa. Kung hindi naman... lagot ako." Nanatili lamang ako ditong nakahiga at pinapakinggan ang usapan nila. Gising na gising na ang buong diwa ko pero ayaw ko pang imulat ang mata ko, baka makakita na naman ako ng kakaibang mga nilalang. I am still hoping that this is all just a dream. "Oh siya, umalis na tayo't kumain na. Siguro ay mga ilang oras pa siyang makakatulog dahil sa kalagayan niya ngayon." Napahinga ako ng maluwag nang marinig kong sumarado ang pinto. Anong ibig sabihin nila tungkol doon sa napapagaling? May pag-asa pa ba akong bumalik sa dati kong kasiglahan? It's a win-win situation for us, right? I can help then switch back to there real form again then I could go back from my old self! Kinagat ko ang aking dila nang makaramdam ng mainit na hininga sa tapat ng aking mukha. Hala! Ang lapit sa akin nito at sigurado akong living booger din siya kagaya ng mga naririto sa silid kanina. Suminghap ako at pinigil ang hininga upang hindi maamoy ang mabahong nilalang na 'yon. Ngunit hindi nakatakas sa aking ilong ang paglanghap ng nakakabaliw na amoy. Infairness, mabango ang hininga niya... "Anong pangalan mo, babae?" Napatili ako at bumalikwas ng bangon. Sabay kaming dumaing ng sakit nang magtama ang aming noo. Gulat ko siyang tinignan. Ang unang pinansin ko sa kanya ay hindi siya isa sa mga nakakadiri at malagkit na bagay. Isa siyang tao. Pinantaasan niya lang ako ng kilay at humalukipkip, "Sasabihin mo ba sa akin ang pangalan mo o hindi?" Mataray niyang tanong sa akin. Kung makapagtaray, dinaig pa ako sa taas ng kilay. Tinitigan ko siyang mabuti at kinilatis ang kilos at kanyang itsura. Lalaking lalaki naman. Makalaglag panga ang kanyang kaanyuan at maging ang kanyang katawan na halatang batak sa pagtatrabaho. Idagdag pa ang kayumanggi niyang kompleksiyon na nagpapakita ng pagkamakisig niya. "Hoy! Minamanyak mo ba ako?" Inis niyang sabi at pumitik sa harapan ko. Bigla naman akong napataas ng tingin, ngayon ko lang namalayan na tinitignan ko na pala siya ulo hanggang paa. Napatikhim ako at umirap, "Asa naman. Bakit naman ako mangmamayak ng..." Saglit akong nag-alinlangan sa sasabihin ngunit itinaas ko ang noo ko, pinili kong ngumisi at ipinagpatuloy ang dapat na sabihin, "Bakla?" Nanlalaki ang mata niya at hindi makapaniwala sa aking sinabi. Pinasadahan niya ang kanyang buhok, mariing kinagat ang labi na para bang nagpipigil ng galit. Pa-inosente ko siyang tinignan. Lumapit siya sa akin hanggang sa mabundol ng ilong ko ang kanyang tiyan. Ang tiyan niyang matigas at naglalaman ng abs. "Huh, bakla pala." Parang hinahamon niyang sabi niya akin. Tumingala ako at nakipaglabanan sa kanya ng tinginan. "Yes, you're a gay. Gay as in bakla, beki, baklush." "Tignan natin," mahinang sabi niya pero narinig ko pa rin. Nagulat ako nang ibinaba niya ang kanyang kamay, akala ko ay sasaktan niya ako pero itinaas niya ang kanyang damit. Napasinghap ako sa aking nakita. Halos lumuwa ang mata ko. Isa... Dalawa... Anim! Kahit na alam kong mayroon siya at nagulat pa rin ako! Mariin akong lumunok. Parang gusto kong sampalin ang aking sarili. Hindi dapat ako nag-aattract sa lalaking kagaya niya! Siguradong may lahing plemang kulangot rin siya. Hindi ako magpapaloko sa makalaglag panga niyang pisikal na itsura. Pero, omhayghad! Yummy... "Nakikita mo ito?" Hinawakan niya ang batok ko at inilapit sa kanyang masarap at namimintog na abs. "A-Ano ba!" Nanginginig na sinampal ko ang kanyang kamay at tinaliman ng tingin. "Hindi naman porke't sinabing lalaki ay may abs na. May mga bakla din naman na mas maganda ang katawan sayo! Kita mo 'yang braso mo? Walang muscles! Kita mo 'yang dibdib mo? Flat! Abs lang meron ka at hindi ang makisig na katawan kaya h'wag kang feeling, lalaki!" Napabuga siya sa hangin sa sinabi ko, na tila ba hindi makapaniwala sa akin. Taas noong pinagmasdan ko siya ngunit mukhang saglit lang tumalab ang pang-iinis ko sa kanya. Kumurba ang kanyang labi ng isang ngisi at umiling. "Nararapat lang talaga sayong maialay." Umalis na siya, naiwan naman ako ditong nakatulala at iniisip ang kanyang sinabi. Anong ibig sabihin niya? Ang tanging nagawa ko lang ay magkibit balikat at muling nagbalik sa aking sarili. Saglit akong nabulag sa katawan niya kaya’t napalayo ang pag-aalala ko sa nangyayari sa akin ngayon. Nagsimulang bumalik ang takot na nararamdaman ko. Anong kailangan nila sa akin? May ginawa ba akong masama kaya ako kinuha ng mga alien na nagpapanggap bilang tao ang mga 'to? Pinilit kong abutin ang tungkod sa abot ng aking makakaya, ngunit hindi ko magawa sapagkat nanginginig ang kamay ko at sa sobrang hina ay hindi ko na maigalaw ng maayos. How can I escape in this place if I'm weak and nearly dying? Wala akong ibang nagawa nang mga araw na dumaan ng nandito ako. Bilang na ang mga araw na nalalabi para sa akin, at sa tuwing ipipikit ko ang aking mata ay nakikita ko ang aking sarili na hindi gumagalaw at wala ng buhay—isang malamig na bangkay. Ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa mga naiisip ko. Sa tuwing iidlip naman ako ay may napapanaginipan akong halimaw na nakatitig sa akin habang nakahubad na nakatali ang magkabilang kamay. Lahat ng sticky eewy creatures ay nakatingin sa amin at pinapanuod ang pangyayari, nagdidiwang at may inaasahang mangyari. Kakaibang panaginip na para bang... parang bang totoo ito. Hindi maalis alis sa utak ko ang imahe ng halimaw na iyon. Ang nakakatakot na nilalang... Those sharp red eyes, sharp teeth and big hairy body kept haunting me. "Magandang gabi, binibini. Ito na ang pagkain mo, siguraduhin mong kainin mo 'yan dahil may darating para makita ka." Masungit na sabi sa akin ng matandang matabang mabaho. Umalis na siya, tinitigan ko naman ang tray ng pagkain. Mabuti nalang at pagkain ng tao ang pinapakain nila sa akin at hindi ang pagkain ng mga sticky slimy eewy. Gross! My stomach grumbled in hunger. Well... sino pala ang darating? Masyado naman atang pa-importante para paliguan ako ng tatlong babae matapos kumain. Sinigurado nilang mabango ako at malinis bago umahon sa tubig. "Ano ba!" Angil ko nang tulungan pa nila akong bihisan, "Hindi ako baldado!" Hindi sila sumagot pero ipinagpatuloy ang ginagawa nila. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang hayaan sila at maghintay na matapos. Such a baby. Pinagsuot nila ako ng dress na strapless na may zipper sa harapan all the way down to the hem of it, kahit may kalumaan na at amoy baul ay nagawa kong pagtiisan, mabuti nalang at maganda ang taste nila sa ganitong bagay. Akala ko ay hahayaan nalang akong hindi pagdamitin ng mga ito at palabasin ng hubo't hubad. "Mamayang hating gabi ay maghanda ka na, may kakaharapin kang importanteng tao. Sa mga oras na daraan ay magliwaliw ka nalang muna, may ipapadala ako dito para samahang kang maglibot sa buong lugar namin. H'wag mong subukang tumakas kung hindi... kamatayan ang kaparusahan." Napairap naman ako, "Mamamatay na nga ako, pagbabantaan mo pa ako n'yan." "Hindi ka mamamatay, binibini. Tuwing sasapit ang bilog na buwan ay may babae kaming inaalay sa kanyang upang maipagaling." Natulig ata ang tainga ko. Namali lang ba ako ng rinig? H'wag naman sana. "Sigurado ka?" Pagsisigurado ko sa kanya at tinignan ng magpag-usisa. Nagkibit balikat siya, "Kung ayaw mong maniwala ay wala na akong magagawa sa bagay na 'yan." Nang umalis siya ay naiwan ako ditong nag-iisip. Sino naman kaya ang magpapagaling sa akin? May sayang bumalot sa dibdib ko. Hindi naman palang masama na ma-abduct ng mga sticky slimy creatures na 'to. Pagagalingin nila ako... Gagaling na ako! Bigla akong napasimangot nang pumasok ang machong bakla sa silid na tinutuluyan ko. "Bago ka magsalita ay uunahan na kita." Pagpipigil niya sa akin nang ibuka ko ang bibig ko para singhalan siya. "I'm Dash, ako ang maglilibot sayo sa paligid kaya manahimik ka at sundan mo ako." "BILIS!" Hiyaw niya, napatalon ako at matalim na tinignan ang likod niya. Bwisit na lalaki 'to! Padabog akong naglakad at sinundan siya. Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD