Kabanata 1

2249 Words
Kabanata 1 "I'm so sorry but you can only live in few months." What? Am I hearing that, right? Pati ata pandinig ko ay nanghihina na rin dahil sa aking sakit. Bawat araw na ibinigay ng Diyos, mas lalo akong nanghihina. Hindi ko na malaman ang gagawin ko. He slowly shooked his head while looking at me in the eyes with pity. Hindi ko gustong kinaaawaan ako! I hate it. He was about to speak again when I stopped him by raising my cane with my shaky hands. Saglit siyang nanahimik sa aking ginawa ngunit hindi iyon napigilan, bahagya niya lamang iniayos ang salamin mula sa mata niya at iniharap sa akin ang screen. "Take a look at this, Miss." I whimpered when I tried standing up. Ipinatong ko ang aking kamay sa table upang suportahan ang tuhod kong nanghihina na. It just keeps wobbling! Ngumisi ako na tila ba biro ang lahat at pagak na natawa, siya nama'y nanatiling seryoso at nanatili ang atensyon ng resulta sa kanyang harapan. Kunot noo ko siyang tinignan, "That's bullshit. Stop fooling around. Binabayaran kita ng pagkarami-rami, naubos lahat ng pera ko tapos kamatayan lang din pala ang kahahantungan ko? Pagalingin mo ako, you have to heal me!" Napaatras siya mula sa kanyang kinauupuan nang ilapit ko ang tungkod sa kanya, "I... I-I don't know! Iyon ang lumabas sa resulta, Miss Fernan. Hindi ako Diyos, wala akong kakahayang patagalin pa ang buhay mo kung iyon ang nakatakda. Sa results na iyon ay lumalala ang sakit mo at hindi ako sigurado if—“ I cannot stand hearing this anymore. I just can't! "Nonsense!" hiyaw ko. Nang pumihit ako patalikod ay muntik pa akong masubsob kaya't humigpit ang hawak ko sa tungkod at kahit na hirap ang pagkilos ay sinikap kong makalabas ng silid na 'yon. I am so done knowing that there's no way that I can live anymore. It is true that he's not some kind of a God to cure me, pero hindi rin siya Diyos para sabihin nalang kung kailan ako magtatagal. Please, hindi ako maaaring mamatay ng ganito na lamang. I gotta live. # Nang makauwi ako ay bumungad naman sa akin ang manager kong humihithit sa kanyang sigarilyo. "You need to stop what you're doing, Victoria. Once is enough, masasayang lang ang pera mo sa kada ospital na pinupuntahan mo. Sa lugar na ito ay naglabas ka ng malaking halaga para lang siguraduhing wala kang sakit pero... wala talaga, bakit hindi ka nalang tumigil at tanggapin ang katotohanan?" Ani ng manager kong prenteng naka-upo sa sofa habang nanunuod ng telebisyon. "Saan ka ba nag-aalala? Sa pera ko o sa akin?" Balewalang sabi ko pero sa loob loob ko ay gusto ko nang humiyaw, magwala at kwestyunin kung bakit tila ba wala lang sa kanya ang nangyayari sa akin. Am I not worthy enough to live?! "Sa'yo syempre, pero nasasayang lang kasi ang mga pera na ipinundar mo. Paulit-ulit lang naman ang resulta." I stood up languidly and faced her. "Ano bang pakialam mo sa akin at sa pera ko? Manager lang naman kita. At may karapatan ako kung uubusin ko lahat ng pera ko tutal mamamatay na rin naman ako, 'di ba?" Umirap siya at tinapon na ang stick ng sigarilyong hawak niya. "Sige, gawin mo ang kung anong gusto mo, mahal na prinsesa. Sawang sawa na ako sa paulit-ulit na paalala sayo. Wala ka ng pag-asa.” Tumayo siya, kinuha ang bag at taas noong umalis nang walang lingon lingon man lang sa akin. How dare that old hag! 'Ni hindi man lang siya nagpakita ng pag-aalala sa akin! She stood up as my manager as well as my guardian for years! Pero bakit biglang gan'to?! Wala ba siyang pakialam sa akin? Pera na lamang ba ang importante sa kanya and now that I am sick, I am useful for her. May kumawalang ungol sa akin nang bigla akong mapa-upo ako sa sahig, namamanhid ang aking mga paa at hindi ko na ito maigalaw. I can't feel my legs! Inabot ko ang tungkod at inalalayan ang aking sarili na makatayo. Sometimes I envy those people who has illnessess who still had a will to live. Gusng pa nilang mabuhay dahil may maiiwan silang importante para sa kanila. Their loved ones. Dahil may rason upang mabuhay... Then how about me? Isa akong ampon at wala akong kinagisnang magulang—iniwanan nila ako sa ampunan. Para sa mga batang iniwan at walang silbi. Walang nagmamahal sa akin simula't sapul. No one sees my worth. They said, "Every storm in your life is followed by a rainbow." Pero bakit ganito? Sinalanta na ako ng bagyo. Nagkanda-letse letse na ang lahat. Nasira ang buong buhay ko at malapit ng magunaw ang mundo ko, ngunit nasaan na ang bahaghari? Sisilip ba siya kung kailan kadiliman na ang haharapin ko, o hindi niya sisiputin ang desperadong naghahanap ng pag-asa? Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang balita sa telebisyon. Nakapaksil doon ang mga litrato ko noon na naka-postura at ngayong mukhang wala nang lakas pa. What the hell?! Anong nangyayari? Paano? Hindi magawang i-proseso ng aking utak ang naririnig na sinasabi ng isang reporter. Napatulala na lamang ako at ilang segundo pa'y iba na ang binabanggit nito. Paano nila nalamang may sakit ako? Sino ang nagsabi sa kanila? Sinisigurado ko na sa pag-alis ko sa ospital ay binabayaran ko talaga ang bawat doctor na nakakaalam ng sakit ko para lang itago ang iniliihim ko sa media, sa mga taong nakakakilala sa akin! Nanginginig ako sa sari-saring pakiramdam. Galit... pagkamuhi, o pagkabigo? Hindi ko na alam. Nag-iinit ang gilid ng mata ko, may nagbabadyang lumabas dito. 'Victoria Fernan the Top 4 sexiest model is dying?' Nanlaki ang aking mata nang makita ko ang manager ko na namumula ang mata at namamaga dahil sa umiiyak siya. What's going on? Nagngalit ang bagang ko at mariing kinuyom ang kamao. Siya ang nagsiwalat sa buong bansa ang kalagayan ko! "Anong pong masasabi mo bilang manager ni Miss Fernan?" Madaming nakalahad na mikropono na nakatapat sa kanya, naghihintay ako ng sagot ngunit nagulat nalang ako nang dumilim ang buong paligid. Kinapa ko ang tungkod ko pero imbes na mahawakan o ito ay iba ang nasa kamay ko ngayon. It's slimy and... just slimy. Nilingon ko ito at nagulat ako nang may makita akong dalawang puting liwanag na nanggagaling doon. Sa gulat ko ay napatili ako at marahas na lumayo mula roon. What was that thing?! It moved! Mariin akong napalunok. Curiosity kicked in. Mukhang malaki ito nang nadampi ang kamay ko sa nakakadiring bagay na iyon. It's weird. Inilibot ko ang buong paningin sa paligid ngunit wala akong maaninaw na kahit ano. It was pitch black inside my unit. Bumuntong hininga ako. Baka naman guni-guni lang ko lang, 'di ba? Sumuko ako sa paghahanap ko ng aking tungkod at nagtiis na lamang na mangapa papunta sa kama. Kailangan ko nang magpahinga, hindi dapat ako nakukunsumi sa mga bagay-bagay, baka mas lalong lumala ang sakit ko at bigla nalang ako bumulagta rito. Wala pa namang aantabay at mag-aalaga sa akin. I'm all alone. Kahit na ilang oras na ako nakapagpahinga, ilang saglit palang ay pagod na ulit ako. Hindi ko ito ginusto, at kahit kailan... hindi ko ito magugustuhan. I am so weak. Wala na akong lakas upang manlaban sa mga taong iyon kung sakali mang dumugin nila ako. I don't care anymore kung anuman ang isipin o sabihin pa nila. This is the end of my career. Hinang hina ako, kahit ipaglaban ko man at itanggi na wala akong sakit– sooner or later, they'll find out. Ipinikit ko ang aking mata. Mas mabuting ilayo ko na muna ang aking sarili sa mga sitwasyong mas makakapagpalala pa ng karamdaman ko. I need peace. Wala pang ilang minuto nang hatakin ako ng antok. Dala ng pagod; mapa-pisikal man at emosyonal. # Ano ang alingasngas na iyon? Naalimpungatan ako, may naririnig akong ingay. Masakit sa tenga at parang nakakadiri pakinggan. Kinapa ko ang phone ko sa ilalim ng aking unan at tinignan kung anong oras na. Alas kwatro pa lamang ng umaga. Nakasindi na rin ang mga ilaw. Napabayaang naka-on ang mga ito dahil hindi ko nagawang pindutin ang switch dahil sa madilim at wala akong makita. Luminga ako sa buong kwarto ko. Parang malapit lang sa akin ang ingay ngunit hindi ko matukoy kung saan nanggagaling ang nakakadiring tunog na iyon. It is so disturbing. Ipinikit ko ang mata ko at pinalangin sa sana hindi ako nilooban ng magnanakaw. Hindi maaari. Ngunit panigurado kong walang magtatangka kasi mahigpit ang mga staff dito sa condominium na tinutuluyan ko. Their securities are strict. No one is allowed to go through if the visitor is uninvited. Duungaw ako mula sa kama para hagilapin ang tungkod na kanina ko pa hinahanap. Agad naman akong nakahinga ng maluwag nang makita kong nasa ilalim lang pala ito ng kama. I don't know how it went there. Akmang kukunin ko na iyon ngunit napahinto ako nang parang may humihigit doon paloob. Hindi kaya... Dumapa ako sa kama at tumingin sa ilalim ng kama ng pasikreto. Pagkataas ko palang ng makapal na tela ay nasilaw ako sa sobrang liwanag. Puti ang liwanag na nanggagaling doon kaya't sobrang sakit sa mata. Saglit pa akong nabulag dahil doon. Ano 'yon?! May alien ba sa ilalim ng kama ko? Who am I kidding here? That's impossible! Napailing ako sa naisip ko at muli ay sinubukan kong tignan ang bagay na nasa ilalim ng kama ko nang masanay ang aking mata. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang kahapon pang nagparamdam sa akin. I felt something slimy last night. It's a slime but I never thought that this would be a big slimy monster! Napasinghap ako sa pagkagulat. Mukha siyang nabulahaw mula sa aking ingay na ginawa. Napatingin siya sa akin at nang magtama ang paningin namin ay napatili ako. Tila nalunod ako at nawala sa sarili. Ang liwanag na nakita ko kagabi ay ang kanyang mata! Oh my gosh, nababaliw na ba ako?! # Hinihingal akong napabalikwas ng bangon at nilibot ang aking paningin. Muling nanlaki ang mata ko nang makita ko itong nakatunghay sa akin. At hindi lang siya nag-iisa! Marami sila at napapalibutan ako. I thought it was all just a dream! Isang bangungot! Hindi ko magawang maghumiyaw at humingi ng tulong.Ang tanging nagawa ko lang ay titigan sila at pinipilit na ipirmi ang aking sarili mula sa pagkakahiga. "A-Anong kailangan niyo sa akin?" Tapang-tapangang tanong ko. Naghanap ako ng armas kung sakali mang lumapit sila sa akin ay may panangga ako. Ang una ko nakita ay ang lamp sa side table ko. Maagap ko itong kinuha at tinapat sa kanila. Nagkatinginan sila at rinig na rinig ko ang nakakadiring bagay na tumutunog sa tuwing gumagalaw sila. Nakakadiri!Parang plema lang na pinagsama sa isang garapon at nilaro laro. Ugh! Yuck! Kadiri! Bigla akong naduwal sa iniisip ko. Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang suminghap nang makita kong ang mga kadiring uhog na iyon ay nagsama at biglang nag-anyong tao. Walanghiya, nababaliw na ba ako?! Siguro ay nananaginip lang ako. Mamamatay na ba ako kaya sinusundo na ako nito? Siya ba si kamatayan?! I never expected that death looks like this. It's disgusting! Unti-unting lumiwanag ang kaanyuan niya sa aking paningin, malaki ang pangangatawan niya at halos hindi na niya ako makita dahil natatakpan ng taba ang bawat sulok ng katawan niya. "Ikaw..." I shivered when I heard their voices as they speak. Tila ito ay pinagsama-samang boses ng babae at lalaki. "Ikaw ang kailangan namin." Kinilabutan ako sa narinig ko. Naging matinis ang kanyang boses at masakit sa tainga. Mabilis akong tumayo mula sa kama nang humakbang siya papalapit sa akin. “’Wag kang l-la... lalapit sa akin!” hiyaw ko at pinagbabato siya ng unan sa isang malayang kamay ko. Napahinga naman ako ng maluwag nang huminto siya ngunit ngayon ay nakatitig siya sa akin ng matiim. Pinasadahan pa niya ako ng tingin at tila sinusuri ang buong katawan ko. "Malubha ang kalagayan mo at hindi mo malalaman kung kailan ka talaga mawawala sa mundong ito." Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Paano niya nalaman na may sakit ako at malapit nang mamatay? Isa ba siya ng mga adik na fans ko?! "Gusto mo bang gumaling?" Dagdag niya pa na ikinatirik ng kilay ko. "B-Bakit?! May kakayahan ka bang pagalingin ako?" Marahan siyang tumango. "Oh really? Ang sinabi ng doktor ko sa akin ay hindi na maaaring agapan ang sakit ko. Ako ba'y pinagloloko mo? Alam mo, tatawag na ako ng pulis ngayon para ipakulong kayo nang mga alagad mong plema! This is trespassing!" Mabilis kong hinagilap ang phone ko sa ilalim ng unan na hindi ko pa naibabato sa kanya at tinignan siya ng nanghahamon. Nanatiling walang reaksiyon ang kanyang mukha. Itinaas niya kanyang kamay papunta sa akin, napangiwi ako at tumili nang makita ko ang kamay niyang naging plema at mabilis itong bumulusok sa akin! Pinanindigan ako ng balahibo nang maramdaman ko ang malapot at malagkit na nakakadiring bagay na dumikit sa kamay ko. "Oh my gosh! Kadiri!" hindi makagulapay kong hiyaw at pilit na inilalayo ang sarili roon. "Walang magagawa ang mga polisya. Sumama ka nalang sa akin at hindi kita sasaktan." Huli na nang malaman kong wala na sa akin ang phone na hawak ko—nasa kanya na. Bigla ako nitong pinuluputan ng nakakadiri mga sipon. Nangingilid ang luha sa mata ko. Nasusuka ako at nahihilo. Pwe! Nakakadiri talaga...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD