Binalot ng takot ang buo niyang sistema lalo nang mapansin na nakatali ang magakabila niyang kamay sa headboard ng kama. At ang mas ikinatakot niya, wala siyang makita dahil nakapiring ang kanyang mga mata tapos, ramdam niyang tanging ang kanyang pang-ibabang panloob na lang ang tangi niyang suot. Nagsimula siyang sumigaw, nanghihingi ng tulong. Ngunit mukhang walang nakakarinig sa kanya dahil wala siyang marinig sa kanyang paligid kundi ang kanyang boses. Natigil lang ang kanyang pagsigaw ng marinig niyang bumukas ang pinto, pagkatapos ay narinig niya ang marahas na pagsara noon. Nakiramdam siya sa paligid kahit pa natatakot siya ng sobra. Narinig niyang naglakad ang taong pumasok, huminto iyon sa paanan niya. "No!" natatakot niyang sigaw. Sinipa niya ang kamay na dumampi

