Hindi namalayan ng dalaga na kanina pa pala niya kinukuskos ang bahaging iyon ng kanyang braso. Kung hindi pa niya naramdamang humapdi iyon, hindi pa siya titigil. "Nakakainis ka talaga!" sambit ng dalaga sa kanyang sarili. Inis niyang inabot ang tuwalyang saka ipinulupot iyon sa kanyang katawan. Nagulat pa siya nang makitang naghihintay sa loob ng kwarto si Seb. Hindi niya ito pinansin ngunit nang ma-realize na wala pala siyang susuutin, binalingan niya ito. "Walang akong damit na isusuot," pairap niyang sambit. Nakita niyang ngumisi ito bago tumayo upang ikuha siya ng maisusuot. Ipinahiram nito ang isang t-shirt nito saka isang boxer. "Doon ka na sa labas," taboy niya rito. "Magbibihis ako." "Nakita ko na lahat 'yan kaya hindi mo na kailangang

