Naging usap-usapan ang kuhang litrato ni Mrs. Martha Galindo palabas ng NAIA kasama ang isang lalake. Kaliwa't kanan ang tawag sa kanila upang hingin ang kanilang panig sa diumano'y pangangaliwa ng asawa ng senador. Maski sa labas ng bahay ng mga Galindo, may media na nag-aabang. Sumasakit na ang ulo ni Keith sa kaiisip kung ano ang gagawin matigil lang ang issue na ipinupukol sa kanyang daddy. All her life, naging masunurin siya sa ama dahil sa takot na makagawa ng mga bagay na makasisira sa pangalan nito. Matagal nilang iningatan ang reputasyon ng ama ngunit sa isang iglap lamang ay masisira ito dahil sa isang eskandalo na mismong ang kanyang ina ang may kagagawan. May mga nakaraang issue naman na kahit walang kinalaman ang kanyang ama ay pilit itong idinadawit ng iba lalo na ang ilan

