"Manang Flor, si Sebastian ho?" tanong ni Keith pagkababa ng kitchen. Wala na kasi siyang katabi nang magising kanina. Buong akala niya nasa baba lang ito pero hindi niya ito makita saan mang sulok ng mansyon. "Naku! Maagang umalis, hija..." tugon nito. "May kailangan ka ba? Ihanhanda ko na ba ang breakfast mo?" "Hindi na ho, Manang. Wala pa ho kasi akong gana. Ang daddy ho pala?" "Kaalis lang din." "Sige po, " tugon niya. Hindi naman niya mapigilang hindi mag-isip at mag-alala. Umalis ang asawa niya nang hindi man lang nagpapaalam samantalang ang kanyang daddy, maaga ring umalis na alam naman niyang hindi naman ito umaalis nang gano'n kaaga. She decided to go dancing kasi matagal na rin magmula noong huli niyang nagamit an

