"Sino 'yong tumawag, honeybun?" tanong ni Seb nang makitang ibinaba na niya ang hawak na cellphone sa ibabaw ng mesa. Naramdaman niyang nanikip ang kanyang dibdib, nahirapan siyang huminga. "Hindi sumagot, eh," tugon niya. Mataman niyang tinitigan si Seb kung may mababakas ba siyang kasinungalingan sa mukha nito, kung totoo ba ang lahat ng mga sinabi nito sa kanya o isa lang din siya sa mga babaeng balak din nitong lokohin. Tumango-tango lang ito sa naging sagot niya, pagkatapos ay ipinagpatuloy nito ang pagsubo sa kanya. Pagkatapos ay pinainom siya nito ng kanyang gamot at pinalitan ng damit. Inayos nito ang kanyang higaan para maging komportable siya. "Can I sleep here?" tanong nito sa kanya. Tumango lang siya bilang tugon. Napangiti ito, parang

