Makailang araw pagkalabas ni Keith mula sa ospital, dumating naman ang mga magulang ni Seb galing Canada Kaagad na nakausap ang magkabilang panig tungkol sa kanilang kasal. "Gusto ko silang maikasal sa lalong madaling panahon," naunan nang sabi ni Senador Ricardo. Napatuwid nang upo si Keith dahil sa narinig. "Dad! Hindi naman kailangan na agad-agad-" "No! Kinausap ko na ang aking kumpadre, ikakasal kayo sa ayaw at sa gusto ninyo!" "Tigilan mo ako, Keith! Hindi ako basta makakapayag na tumagal pa na hindi kayo naikakasal! Aba! Bakit sa akala niyong dalawa maloloko niyo?" Lumingon ito kay Seb, saka nagsalita ulit, "Baka mamaya, bigla na lang lumubo 'yang tiyan mo ng hindi pa kayo naikakasal!" "Wala naman kaming tutol diyan,

