Nang mga sumunod na araw ay naging extra sweet at maalaga si Seb. Naging makulit na rin ito. Hindi niya alam kung matutuwa ba o maiinis sa mga pangungulit nito. Dahil sa totoo lang, may mga pagkakataon na naiinis na siya sa kakulitan nito lalo na kung oras ng trabaho niya tapos kinukulit siya nito. Katulad na lang ngayon, panay ang kulit nitong kumain na siya pero mas gusto niyang tapusin muna ang ginagawang design bago kumain. Mawawala na kasi 'yong momentum ng paggawa niya once na tumigil siya. But Seb keeps on nagging at her and it kinda irritates her. Sa sobrang inis niya, padaskol niyang dinampot ang ginawang design ng isang bag saka nilamukos iyon at inihagis sa basurahan. Pagkatapos ay nilampasan niya si Seb na maang na nakatingin sa kanya. "So, that's it? You're walking past a

