Marcus POV
"WALA!"
"IKAW!"
Sabay naming sabi ni Jake na nag palaki sa mga mata naming pareho... Nagkatitigan kami kaya pinandilatan oo sya ng mata... Ibunyag ba naman ang sekreto ko!
"A-ah e-eh a-ahmm ang ibig kong sabihin ay ikaw Kim ay wag ka nalang magtanong! Napaka chismosa mo rin!" pagpapalusot ni Jake na halatang kinakabahan
"Eh sa gusto ko lang naman malaman eh! May masama ba dun!?" sabi ni Kim na napapanguso pa
"Wala lang talaga to Kim actually ibibigay ko talaga to sa Mom ko, may nagawa kasi akong kasalanan kaya ito yung way ko para mag sorry sa kanya" pagpapalusot ko
"Ah ganon ba, ang sweet mo naman pala sa mom mo" saad ni Kim na ngumiti pa
"Syempre naman mahal na mahal ko yun eh" saad ko na napangiti rin
Nagpatuloy na ito sa pagkain... At ibinaling ko ang mga mata ko kay Jake... paglingon ko ay nakatingin na pala ito sa akin kaya naman ay pinanadilatan uli ito ng mata... Nag-peace sign naman ito saakin at tsaka pinagpatuloy ang pagkain... kaya naman ay pinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko
Hindi nagtagal ay natapos na din kami sa pagkain... at gaya ng nakagawian na namin sabay na kaming tatlong lumabas sa cafeteria at naglakad na patungo sa rooms namin...
"Bye guys!" pagpapaalam ni Kim dahil maghihiwalay na kami ng daan... Nag-wave pa ito... nag-wave na lang din kami ni Jake
Pagkawala ni Kim ay saka ko tinignan si Jake ng masama
"Oh ano?" tanong nito
"Muntik mo nang ibunyag ang sekreto ko! Tan*ina ka!" galit kong saad dito
"Sorry na, nadulas bibig ko eh" saad nito na napapakamot pa sa kanyang batok
"Sa susunod kapag ginawa mo uli 'yon, malilintikan ka na talaga sakin!" saad ko na rito
"Opo Mr. Dela Fuente" saad nifo na kunwaring may galang sa boses nito... Kaya naman ay inunahan ko na sya sa paglakad... "Oy hintay!" saad nito habang binibilisan din ang paglakad
Hanggang sa nakarating na kami sa classroom namin... Umupo na kami sa kanya kanya naming upuan... Hindi nagtagal ay dumating na din ang teacher namin... Kung ano ang ginawa nang mga teacher namin kanina ay ganoon lang sin ang ginawa ng teacher namin ngayon... Nag review lang sya samin at nag-dicuss ng kaunti tsaka nag remind sa amin para sa darating na exam tapos ay nagpaalam na ito... ganoon lang ang nangyari sa buong subject ngayong hapon... Hanggang sa nag uwian na... Isinilid ko na ang mga gamit ko sa bag ko at pagkatapos non ay saka ako tumayo... nakita ko si Jake na nakasandal sa pintuan kaya nilapitan ko ito
"Ang tagal mo" reklamo nito... nilagpasan ko na ito at lumabas na sa classroom tsaka mabilis na naglakad
"Woi ang sungit mo! Nag sorry na nga ako kanina eh" saad nito na nasa tabi ko na dahil sa tumakbo ito... hindi ko ito inimikan at patuloy lang na naglakad ng mabilis
Patuloy lang ito sa pangungulit sa akin at patuloy ko lang din syang hindi iniimikan... Hanggang sa nakarating na kami sa parking area ng school
"Marcus! Jake!" pagtawag ng kung sino... paglingon ko ay si Kim lang pala... lumapit ito sa amin
"Oh bakit andito ka pa? Hindi pa ba dumadating driver mo?" tanong ni Jake
"Eh yun na nga eh, pwede bang sumabay na lang ako sayo pleaseee" saad nito na nag puppy eyes pa
"Aishh pasalamat ka at pangit ka at dahil may awa ako sa mga pangit pasasabayin kita" saad ni Jake
"Edi thank you!" sarcastic na saad ni Kim na napapanguso pa
"Tara na nga!" saad ni Jake
"Bye Marcus!" pagpapaalam ni Kim
Nag-wave lang ako at saka ko tinungo ang kotse ko... pumasok na ako rito saka ko ito pinaandar... At ako ay umalis na roon... Nakita ko rin ang kotse ni Jake na umalis na... Nakasunod lang ako sa kanila... Hindi nagtagal ay naghiwalay na kami ng daan
Hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa bahay... ipinark ko na ang kotse ko sa garahe namin saka ako pumasok sa bahay... as usual wala na naman ang parents ko kaya naman ay umakyat nalang ako patungo sa kwarto ko... Pagkapasok ko ay inilagay ko na ang bag ko saka ako pumasok sa banyo para mag quick shower... hindi nagtagal ay natapos na ako sa pag sho-shower... Kumuha ako ng damit sa closet ko tsaka nagbihis... Kinuha ko ang phone ko at pagtingin ko ay ang daming missed calls ni Jake at may mga text pa... binasa ko naman ito
5:30 p.m.
From: Jake the Demon?
"Marcus sagutin mo tawag ko"
5:35 p.m.
From:Jake the Demon?
"Woi sorry talaga kanina! pakisagot sa tawag please"
Napairap naman ako sa message nya at saka ko binuksan ang last nyang message
5:37 p.m.
From: Jake the Demon?
"Sige ka pag hindi ko sinagot tawag ko pupuntahan kita sa inyo"
"Tskk pakialam ko naman!" saad ko sa sarili ko
"Talaga wala kang pake?" saad ng kung sino kaya naman ay nilingon ko ito... at nakatayo ito sa pintuan... at iyo ay si JAKE! Napalaki naman ang mga mata ko... "Hi Marcus!" saad pa nito na nag-wave pa... at doon lang ako natauhan at saka ko ito tinignan ng masama
"Anong ginagawa mo rito!?" singhal na tanong ko sa kanya
"Ay ang sungit wala man lang bang 'hello' dyan o di kaya ay 'halika tuloy ka at umupo ka'?" tanong pa nito na lalong ikinagalit ko
"Ano ang ginagawa mo dito!?" tanong ko uli ngunit may diin sa bawat word na sinasambit ko
"Chill! Andito ako para magpaturo sayo para bukas sa exam... Hindi mo kasi sinasagot mga tawag ko eh kaya nagpunta nalang ako rito" casual nitong saad
"Sino nagpapasok sayo?" tanong ko pa
"Maid nyo" maikli nitong sagot
"Aishh!" naiirita kong saad na napapasabunot pa sa buhok ko... Lumabas ako ng kwarto ko saka ko tinungo ang kusina... naabutan ko na naroon ang lahat naming maids
"May kailangan po ba kayo?" tanong ng isang maid
"Wala naman, pero gusto ko na walang magsusumbong sa inyo na may kaibigan akong pumasok dito sa bahay, alam nyo namang ipinagbabawal iyon nina Dad diba? tapos pinapasok nyo pa" saad ko sa mga ito
"Sorry po sir, hindi na po mauulit" saad ng isa naming maid na sya siguro yung nag bukas ng pintuan para sa demonyitong iyo
"Ok lang, basta't wag kayo magsusumbong ok?" saad ko... tumango naman silang lahat
Nagbalik na ako sa kwarto ko at naabutan ko roon si Jake na nakaupo habang nakalibot ang nga mata sa kabuuan ng kwarto ko... napatingin naman ito saakin
"Ang ganda pala ng kwarto mo, simple pero maganda" compliment nito sa kwarto ko
"Kailangan mo nang umalis bago dumating yung parents ko" saad ko rito
"Pero kailangan mo pa akong turuan" saad nito
"Bukas nalang, kailangan mo nang umalis" saad ko pa
"Pero bukas na yung exam" pagmamatigas pa nito
"Please umalis ka na" pag mamakaawa ko rito
"Sige na nga" saad pa nito na napapakamot pa sa kanyang ulo
Tumayo na ito at saka kami lumabas pareho sa kwarto... Ngunit hindi pa kami nakababa ay narinig ko ang busina sa kotse ni dad... parehong nanlaki ang mata namin... kaya mabilis ko syang hinatak pabalik sa kwarto ko... Umupo kami... Hindi nagatagal ay narinig ko ang boses nina mom at dad... May narinig din akong mga yabag patungo sa kwarto ko...Hanggang sa may kumatok
"Marcus anak, pwede ba akong pumasok?" tanong ng boses na alam kong si mom
Parehong nanlaki ang mata namin ni Jake... s**t!