Jake's POV
Ang hirap namang suyuin ni Marcus... hayss paano ako neto makakapag-aral ng maayos? Tatawagan ko nalang, baka sakaling sasagot yun at mapatawad na ako...
Kinuha ko ang cellphone ko at inopen ko ito... Hinanap ko sa contacts ko ang pangalan ni Marcus at hanggang sa makita ko ito... agad agad ko itong i dinial kaso walang sumagot kaya dinial ko uli kaso wala parin kaya naman ay nag text ako rito... pagkaraan ng ilang minuto wala parin akong natanggap na reply sa text nya kaya naman ay tinawagan ko uli ngunit hindi pa rin ito sumasagot... Tinext ko uli ito nh paulit ulit ngunit hindi parin ito rumereply... tinawagan ko rin ito ng paulit ulit kaso wala namang sumasagot... Hayss galit nga sya...Napabuntong hininga nalang ako saka humiga sa kama ko... Iniisip ko ang mga paraan para makausap ko si Marcus at para matulungan nya akong mag study... Nang biglang may pumasok na ideya sa isip ko! Pupuntahan ko na lang sya! Tama!... Nag text ako uli sa kanya na kung hindi nya sasagutin ang tawag ko ay pupuntahan ko na sya sa kanila... Tinawagan ko uli sya kaso nga lang hindi parin sinasagot kaya naman ay nagdesisyon na akong puntahan sya... Dali dali akong nagbihis at saka tinungo ang elevator... pagkarating ko sa basement ng condo ay saka ko mabilis na tinungo ang kotse ko... pagkarating ko sa kotse ko ay dali dali ko itong pinaandar at tinungo ang daan patungo sa bahay nina Marcus...
Ilang minuto ang inabot bago ko marating ang bahay nila... Ipinarada ko ang kotse ko sa di kalayuan ss kanilang bahay... pagkatapos ko itong iparada ay mabilis. kong tinungo ang bahay nila... May guard na nakabantay sa gate nila
"Ano po ang maitutulong ko po sir?" tanong nito
"Ahmm kaibigan po ako ni Marcus, sabi nya po papupuntahin nya po ako dito dahil may gagawin kaming mga projects" pagdadahilan ko rito
"Ah ganon po ba sir, sige po pasok po kayo" pagpapatuloy nito saakin at binuksan din nya ang gate
Pumasok na ako at naglakad patungo sa mismong bahay nina Marcus, malaki ito at maganda, may garden din sila at napakaganda at napakaayos tignan... May garage din sila at may tatlong kotse roon at kabilang na roon ang laging dala dala ni Marcus na kotse... Pagdating ko sa harap ng pinto nila ay agad ko itong kinatok... kinatok ko ito ng tatlong beses... at may nagbukas rito na sa tingin ko ay maid nila
"Ano po ang kailangan nyo sir?" tanong nito saakin
"Uhmm nandyan po ba si Marcus?" tanong ko pabalik rito
"Nasa kwarto nya po, at sa tingin ko po ay naliligo ito, bakit po sir? May kailangan po ba kayo sa kanya?" tugon nito
"Pinapunta nya kasi ako rito para magawa namin yung projects namin" pagsisinungaling ko
"Ah ganon po ba, tatawagin ko lang po si sir" saad nito saakin at akmang aalis na pero pinigilan ko ito
"Ah wag na po, ako nalang po yung pupunta sa kanya, maaari po ba?" pagpapaalam ko rito
"Ah sige po sir, tuloy po kayo" pagpapatuloy nito saakin
Pumasok naman ako at sandaling inilibot ang aking mata sa kabuuan ng bahay nila, napakaganda talaga, ang daming mamahaling gamit mayroon ding mga antique, at napaka elegante ng dating... Ganito rin naman saaming bahay ngunit hindi masyadong magarbo kagaya nito... simple lang kasi ang saamin dahil yun kasi ang gusto ng parents ko, simple at komportable kami...
"Uhmm sir doon po sa taas ang kwarto ni sir Marcus, sa ikalawang kwarto po sa right side" pagtuturo saakin nito sa direksyon patungo sa kwarto ni Marcus
"Ah sige po salamat" saad ko rito saka ko tinungo ang kwarto ni Marcus
Nang makarating ako sa pinto nya ay kakatukin ko na sana ito ngunit may narinig ako... kaya dahan dahan kong pinihit ang pinto upang makinig
"Tsk pakialam ko naman!" saad ni Marcus na hawak ang kanyang cellphone
"Talaga wala kang pake?" tanong ko rito habang nakasandal na sa pintuan ng kwarto nya... Lumingon naman ito saakin at saka nanlaki ang mga mata... "Hi Marcus" saad ko tsaka nag wave rito... masama naman ako nitong tinignan
"Anong ginagawa mo rito!?" singhal na tanong nito saakin
"Ay ang sungit wala man lang bang 'hello' dyan o di kaya ay 'halika tuloy ka at umupo ka'?" tanong na may halong pang aasar ko rito na halatang lalo lang nitong ikinagalit
"Ano ang ginagawa mo dito!?" tanong nito uli ngunit may diin sa bawat word na sinasambit nya
"Chill! Andito ako para magpaturo sayo para bukas sa exam... Hindi mo kasi sinasagot mga tawag ko eh kaya nagpunta nalang ako rito" casual ko ritong saad
"Sino nagpapasok sayo?" tanong nya pa
"Maid nyo" maikli ko namang sagot
"Aishh!" naiirita nitong saad na nakasabunot pa sa buhok nya
Bigla naman itong lumapit saakin kaya ako umatras ngunit dinaanan lang ako nito at saka bumaba... Hayss akala ko pa naman susuntukin ako non, kung nagkataon sayang ang aking kagwapuhan... Bumaba ito kaya naman ay pumasok na ako sa kwarto nya at umupo... inilibot ko ang mga mata ko sa kanyang kwarto... may taste din pala sya pagdating sa pag desenyo sa kwarto... napakasimple lang nito tignan ngunit kakaiba ang aura nito... habang inililibot ko ang mga mata ko sa kanyang kwarto ay may naramdaman naman akong presensya kaya nilingon ko ito
"Ang ganda pala ng kwarto mo, simple pero maganda" compliment ko sa kwarto nya
"Kailangan mo nang umalis bago dumating yung parents ko" pag iiba nito sa usapan
"Pero kailangan mo pa akong turuan" saad ko sakanya
"Bukas nalang, kailangan mo nang umalis" saad naman nya
"Pero bukas na yung exam" pagmamatigas ko rito
"Please umalis ka na" pag mamakaawa nito saakin
"Sige na nga" pagsuko ko rito
Tumayo na ako at saka kami lumabas pareho sa kanyang kwarto... Ngunit hindi pa kami nakababa ay nakarinig ako ng busina ng kotse... napatigil kaming pareho at parehong nanlaki ang mata namin... kaya mabilis nya akong hinatak pabalik sa kwarto nya... Umupo kami... Hindi nagatagal ay narinig namin ang boses ng parents nya... Hanggang sa may kumatok
"Marcus anak, pwede ba akong pumasok?" tanong ng boses na alam kong mommy nya
Parehong nanlaki ang mata namin ni Marcus
"Magtago ka!" pabulong lang nitong saad
"Ha? saan?" tanong ko naman pabulong lang din
"Kahit saan! Basta magtago ka!" natataranta nitong sabi
Narinig naman namin na kumatok uli ang mom nya
"Marcus? Can I come in? Anak importante lang please" saad nito
"Wait a minute mom, Im still changing clothes" pagdadahilan ni Marcus... pinadilatan nya ako ng mata... "Ano pa ginagawa mo!? magtago ka na!" saad nito ng pabulong ngunit may diin sa pagkasabi
Kaya mabilis akong naghanap ng matataguan at hanggang sa may nakita akong cabinet nya na kasya sa isang tao... Mabilis akong nagtungo roon at doon nagtago... Pagkatago ko roon ay ang sya namang pag bukas ng pintuan ni Marcus para sa mommy nya
"What is it mom?" dinig kong tanong nito sa mom nya
"Me and your Dad will be leaving next week because of some business matters" saad naman ng mom nya
"Ba't pa kayo nagpapaalam? Eh sanay naman na ako dyan" sagot naman ni Marcus
"We will leave you here for 5 months anak, and we will surely miss you" saad ng mom nya
"Sure kayo na mamimiss nyo ako?" tanong ni Marcus na tumawa pa ng sarcastic
"Marcus please!" pagpapakiusap ng mom nya
"And then? ano ba talaga ang pino point mo? diretsuhin mo nalang ako" saad ni Marcus na may irita sa boses
"I want us na mag bonding, gusto ko na kahit sa kaunting panahon ay makasama ka uli naming kumain sa hapag kainan, at makapanood ng mga favorite shows nating tatlo ng Dad mo... kagaya ng lagi nating ginagawa noon" saad ng mom nya
"Tskk and you think na mauulit pa iyon? That's past mom! And that will never happen again! Kung noon pa sana ninyo ako niyaya ng ganyan edi siguro papayag ako dahil noon ko pa ito pinangarap eh! Yung makasama kayo ng buo, yung hindi kayo focus sa trabaho nyo at yung mas focus kayo saakin! Oo kaya ko pang sumabay sainyo sa hapag ngunit ang makabonding kayo ay hindi ko na kaya! total naman eh palagi nyo namang topic eh yung letse nyong business at yung kagustuhan nyong makapag aral ako sa states! Ayoko na mom! Ayoko ng umasa na sasaya pa sa pamilyang ito! Sorry but I won't join your so called bonding time" mahabang litaniya ni Marcus na halatang umiiyak na dahil sa garalgak nitong boses
"I-I'm s-so s-sorry" saad ng mom nya na halatang umiiyak rin... at may narinig akong pag-open ng pinto at ang pagsara nito... indekasyon na lumabas na ang mom nya...
Sinilip ko ito at nakumpirma ko nga na umalis na ang mom nya... nilapitan ko sya at humihikbi ito... Without any hesitation ay niyakap ko sya... Yumakap naman sya pabalik at saka humahagulgul sa balikat ko... ramdam kong basa na ng luha ang aking suot na t-shirt... hinapuhap ko naman ang kanyang likod
"Shh, everything will be ok"