Jake's POV
"YOU TWO! GO TO THE DEAN'S OFFICE NOW!" singhal ng prof saamin
Pareho kaming napa buntong hininga...Naglakad na kami patungo sa dean's office..Patuloy parin kaming sinesermonan ng professor na naunang naglakad sa amin...Nang makarating kami sa dean's office ay naabutan namin roon si dean na nagsusulat...
"Good Morning Dean"bati ng prof.
"Good morning Mr.Dean"sabay naming bati ni Marcus
"Good Morning din sa inyo..umupo kayo"bati nya..tsaka kami umupo..."Ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?"tanong pa nito
"Ito po kasing dalawang ito ay ang aga aga nag rarambolan nanaman po sa parking area ng school at nakaka abala po sila sa mga teachers at students"sagot naman ng professor na kasama namin...Napatingin naman sa amin si Dean
"Why are you two fighting again?"tanong ni Dean
"Well nagtatanong lang naman po kasi ako sakanya..tapos po bigla nalang po nya akong sininghalan"ako ang sumahot rito
"No sir, He is lying..The truth is ang aga aga po nyang binwiset ako..Hinahanap ko po kasi yung gamit ko po para po sa project namin tapos bigla nalang syang lumapit at saka ako binibwesit" sagot naman nya
"NAPAKASINUNGALING MO!" sighal ko sa kanya
"MAS SINUNGALING KA!" singhal naman nya pabalik...Napatayo ako at akmang susuntukin sya ngunit pinigilan kami ng professor..
"THAT'S ENOUGH!"singhal ni dean na nagpayuko sa akin..."Palagi nalang kayong nag-aaway! Wala bang panahon na magkasundo naman kayo!?"singhal pa ni dean..bumaling ang tingin nya sa akin.."Ikaw Mr.Moteverde! You always bring violence in this school! Wala kanang ginawang matino! If you are not our basketball's MVP and if your family didn't give money to this school! We should have kick you out of this school!"singhal nya sa akin..pabalik balik naman yung pinagsasabi ng tandang to eh! Nakakainis ako nalang palagi ang pinag iinitan!.."And You Mr.Dela Fuente! You are one of the cause of the success of this school! We know that your family has the biggest investments to this school kaya nga lag ka naming pinalalagpas sa ganitong sitwasyon, But this is too much! Sumusubra ka na! Hindi na namin pwedeng i-tolerate ito!"singhal nya kay Marcus na syang nagpagulat sa akin...Madalas kasi ako lang ang pinapagalitan at sya ay parang tinatratong prinsepe..Pero ngayon para yatang patas na kami.."The two of you will clean the library room for your detention! Pasalamat pa kayo kasi hindi ko pa ipinatatawag mga magulang ninyo! But if this will happen again I will make sure na mapapatawag ko ang mga magulang ninyo! Understood!?"singhal pa ni Dean
"Yes sir"sabay naming sagot rito
"Now this meeting is dismissed. You can go now to your classes..But make sure na bago kayo umuwi mamaya ay dapat na malinisan nyo ang library!" saad nya..Tumango nalang kami at nagpa alam na sa kanya saka kami nagtungo na sa aming classroom
Pagkarating namin doon ay ang saktong paglabas ng aming first subject teacher..Umupo na ako sa aking silya
"Bro! ano yung nangyari kanina?"tanong ni Troy..isa sa mga kaibigan ko
"Mahabang estorya..mamaya ko nalang ikwekwento sayo"saad ko saka nagpakawala ng buntong hininga...Nakita ko naman si Marcus na nakatingin sa akin habang salubong ang kilay..Umiwas ako ng tingin..Andon nanaman kasi yung kabog sa dibdib ko..Kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko at saka naglaro rito...
Hindi nagtagal ay dumating rin ang teacher namin...Kaya isinilid ko na sa bulsa ko ang aking cp..
"Good Morning class"bati nito sa amin
"Good Morning Maam"bati namin pabalik
"Our lesson for today is about LOVE"saad nito na nagpabuhay sa dugo ng iba kong kaklase na halatang may mga lovelife..."So can anyone tell me what is love?"tanong nito
"Maam!"sabay sabay na saad ng mga kaklase ko at saka nagta asan pa ng kamay
"Ms.Molina answer it"nakangiti nitong saad sa isa kong babaeng kaklase..tumayo ito
"Love is an emotion that keeps people committed and bond with each other" sagot nito saka ito umupo
"Very Good! Now can someone tell me when will you feel love?"saad ng teacher namin
"Maam!"halos sabay sabay uli na sigaw ng mga kaklase ko
"Ok you"turo nya sa isa kong kaklase
"When your hearts beat faster po if you see that person..If you felt butterflies in your stomach when you two touched..When you felt panic when he/she is near at you..When your eyes are brimming when you see her/him..when you can't live in a day without him/her..And many other things that can make you felt different when you're with that certain person" mahaba nitong litaniya...Napatingin ako kay Marcus at nagulat akong nakatingin rin ito sa akin..napakabilis ng t***k ng puso ko..kaya't umiwas ako ng tingin at goon rin ang ginawa nya...Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko na parang gusto ng kumawala nito sa aking dibdib..Di kaya ay love ito? HINDI! Wala lang ito! GALIT AKO SA KANYA AT MANANATILI IYON!