Jake's POV
Dumating na ang prof namin kaya naman ay dali dali kong inilayo ang mukha ko kay Marcus... Umalis na rin sya at nagtungo sa kanyang upuan
"Class I want to remind you all about your project dahil ipeperform nyo na iyon sa Wednesday next week since the exam will be held on Thursday and Friday... So I hope na natapos na kayo roon" saad ni sir... "So sino ba sainyo ang nakatapos na?" tanong pa nito... Nagsitaasan naman ng kamay ng halos lahat ng kaklase ko
"Ok very good! I hope na yung ibang hindi pa nakatapos ay makatapos na" saad ni sir... "Ok by the way magkakaroon tayo ngayon ng quiz kaya I hope na nakapag study kayo ngayon" saad pa ni sir
Nagsimula na kaming mag quiz... Nahihirapan ako sa mga tanong kaya naman ay pinpilit kong isipin ang mga naituro saakin ni Marcus... Hanggang nakasagot rin ako kaya naman ay pinagbutihan ko pa iyon... Natapos na ang quiz at nag check na kami ng mga quiz papers qt pagkatapos ay ibinigay namin iyon kay sir upang kanyang basahin
"Ok so ang nakakuha ng perfect score ay walang iba kundi si Mr. Dela Fuente, so let's give him a round of applause" saad ni sir... pumalakpak naman kami... "Ok yung mga nakapasa sa quiz ay ang mga usual parin" saad nito habang tinitignan ang mga quiz papers ang ibig sabihin nya sa usual ay yung mga honor students na laging mataas ang marka sa klase... "Wait, may isang unexpected na nakapasa" saad ni sir na halatang gulat
"Sino po iyon sir?" tanong ng isa naming kaklase
Congratulations Mr. Monteverde you've past the quiz! Let's applaud for him" saad nito saka pumalakpak... Ganon rin ang ginawa ng mga kaklase ko at ngumiti lang naman ako... sinulyapan ko si Marcus at nakita kong nakatingin din ito saakin kaya naman ay nginitian ko ito at ngumiti din sya pabalik tapos nagtumbs up pa...
Hanggang sa nagpaalam na si sir at dumating na rin ang next teacher namin at nagpa quiz naman ito... Ganoon lang ang nangyari sa bawat klase kaya lahat ng mga teachers namin ay nagpapa quiz at every quizzes ay nakapasa ako... Hanggang sa nag lunchtime na... Isinilid ko na ang mga gamit ko sa bag ko nang may maramdaman akong tumabi saakin kaya naman ay nilingon ko ito... si Marcus lang pala
"Galing mo ah... bawat quiz nakapasa ka" saad nito na nakangiti
"Galing kasi ng tumuro sakin eh" saad ko rin na nakangiti
"Syempre naman ako pa!" pagmamalaki nitong saad... napailing naman ako na napatawa
"Sabay na tayo punta sa cafeteria" pag aaya ko
" Wag na baka kasama mo mga kabarkada mo" pagtanggi nito
"Hindi, tsaka ok lang naman sakanila yun eh" saad ko... "tsaka kasama ko si Kim, ayaw mo ba? Kung ayaw mo edi hindi na kita pipilitin basta wag ka lang magsisi" pangungumbinsi ko
"Aishh sige na nga!" saad nito... napangiti naman ako ng malaki dahil nadali ko sya... basta talaga usapang Kim, makukuha sya kaagad
"Tara na!" saad ko sabay hila na sakanya
Magkasama kaming patungo sa cafeteria at nakaakbay din ako sa kanya... Nakarinig kami ng bulong bulongan sa mga estudyante sa bawat pagdaan namin kagaya ng...
"Hala ang dalawang magkaaway nagkabati na!?" saad nung babaeng mukhang coloring book
"Halaka oo nga teh!" saad naman nung bakla
"Siguro kinaibigan lang ni DemMarcus si Papa Jake para makakuha ng atensyon natin!" saad naman nung babaeng parang clown
"Hoi hindi ganyan si Marcus my bebe loves ko no! Baka yang Papa Jake mo ang kumaibigan sa bebe loves ko para makakopya sya sa klase!" pagprotesta naman nung babaeng parang coloring book... at yun na nga nag away sila ng nag away
Mabilis kaming lumayo doon ni Marcus at habang papunta kami sa cafeteria ay nakasalubong namin si Kim
"Guyssss!" tumatakbo ito papalapit saamin
"Oh ano?" saad ko na parang hindi interesado sakanya
"Ang bad nito! Parang di ako bestfriend! Wala man lang hello? diretso tanong kaagad!" singhal nito na parang nagtatampo
"OA mo!" pang aasar ko parin
"Bahala ka nga jan!" Naka cross arm ito saka hinarap si Marcus... "Hi Marcus!" pagbati nito sakanya
"Hello Kim" bati ni Marcus pagbalik... Nag ngitian pa sila na para silang mga sira ulo na takas sa mental
"Para kayong mga sira! Tara na nga!" saad ko saka naglakad na
"Gago!" saad ni Kim sabay batok saakin ng napakalakas tapos tumakbo
"KIM BUMALIK KA RITO!" Sigaw ko at lumingon naman ito ngunit binelatan lang ako... kaya naman ay mabilis akong tumakbo... nakasunod lang saamin si Marcus na natatawa
Hanggang sa nakarating na kami sa cafeteria... at mabilis kong hinanap si Kim at ng makita ko sya ay mabilis ko itong kiniliti... Tawa sya ng tawa ngunit patuloy ko lang itong kiniliti
"T-tama n-na" nahihirapan nitong sambit dahil sa pagtawa nya kaya naman ay tinigilan ko na ito
"Subukan mong ulitin pa iyon at hindi lang iyan ang gagawin ko" saad ko... napatango tango lang ito dahil sa humihinga parin ito ng malalim
Liningon ko naman si Marcus ngunit umiwas naman sya ng tingin... Siguro nagseselos nanaman ito... Kaya naman ay tumayo na ako
"Ako na ang mag oorder ano ba gusto nyo?" tanong ko sakanila
"Yung usual sakin" saad ni Kim
"Sakin yung beef steak tsaka adobo" saad ni Marcus
"Yung drinks ay pareho lang tayo?" tanong ko pa... tumango tango naman silang dalawa
Umalis na ako roon at saka tinungo ang counter... Pumila naman ako... May mga estudyanteng pinapauna ako pero tinanggihan ko lang ito kahit naman noon ay palagi talaga akong nauuna... gusto ko lang kasing magkausap muna yung dalawa mukha kasing nagselos yung isa eh... Hindi naman nagtagal ay naka order na ako... pagbalik ko nagtatawanan na sila
"Oh ito na mga order nyo sir at ma'am" saad ko na parang isang waiter
"Salamat waiter, pakikiha nalang din ng tubig yung malinis ah" saad pa ni Kim na nakisabay talaga sakin
"Utusan mo ako?" tanong tapos tinuro ko pa sarili ko
"Yes! Ngayon subuan mo ako!" may demand nitong sabi... kaya naksabay nalang ako sa trip nitong bestfriend kong takas mental... sumandok na ako sa kanyang pagkain saka tinapat sa bibig nya
"Say ah, padating na ang airplane" saad ko saka iwinasiwas pa ang kutsara na parang ginawa kong eroplano... bumuka naman ang bibig nya kaya mabilis ko itong ipinasok lang kaya naman ay nabulunan sya
"G-gago!" nauubo pa nyang saad kaya naman ay tawa ako ng tawa
Kulitan lang kami ng kulitan ni Kim... sinasali namin si Marcus sa usapan ngunit tumano tango o di kaya ay ngumi ngiti lang ito tapos tatamik nanaman... Hanggang sa natapos na kami kumain at umalis na sa cafeteria... Naglakad na kami hanggang nagpaalam na si Kim at humiwalay na ito ng daan...
"Brad, kanina ka pa tahimik ah may problema ba?" tanong ko at napailing naman ito... "Nagseselos ka kanina samin ni Kim noh?" tanong ko pa
"Hindi ah!" mabilis nitong pagtanggi napatawa naman ako halata lang kasi sya eh
"Halata ka brad" saad ko na natatawa pa... Napasimangot naman sya... "Alam mo wag ako ang pagselosan mo! Natural lang naman na clingy kami ni Kim sa isa't isa dahil ganoon na kami simula pagkabata namin kaya hindi na namin maiwasan na maging ganon" pagpaliwanag ko pa sakanya... napayuko naman sya
"Hindi ko lang maiwasan eh" pabulong nitong saad na sakto lang na marinig ko... Inakbayan ko ito
"Alam mo brad, wag ako pagselosan mo kundi iyon" saad ko saka ko tinuro ang isang lalaki
"Sino naman yon?" tanong nito
"Sya si Daniel Mondragon ang patay na patay kay Kim at ang hanggang ngayon hindi parin sumusukong ligawan at kulitin si Kim" saad ko na nagpatulala sa kanya... at hanggang sa nabalik sya sa kanyang sarili at sinabi ang katagang...
"Akin lang si Kim!"