Marcus POV
Hindi ko nagustuhan ang iniasta ni Jake kanina naiinis ako, pero tahimik lang ako kanina dahil baka mas lumala pa yung galit nya at baka magkasakitan pa kami.... Pero inaamin ko rin na may kasalanan kami sa nangyari.... Alam kong na left out namin sya kanina, masyado kasing nasobrahan ang pagkwekwentuhan namin ni Kim kaya naman ay hindi na namin sya nabigyan ng pansin, pero kahit naman ganoon ang rason nya hindi parin tama na sigawan nya kami lalo na si Kim na bestfriend nya
Nandito kami ni Kim ngayon sa loob ng isang coffee shop dito sa loob ng mall... Pinapatahan ko sya dahil sobra yung iyak nya
"Kim tahan na" saad ko habang hinahaplos ang kanyang likuran... "Gusto mo ba ako nalang maghatid sayo pauwi?" suhestyon ko
"H-hindi na" humihikbi parin nyang saad
"Pero late na, ako napang maghahatid sayo" nag-aalala kong tugon sakanya... Tumigil na sya sa pag-iyak pero humihikbi parin... Pinunasan nya ang luha nya saka nya ako tinignan
"Masyadong strict si Dad, hindi yun papayag kapag may lalaking maghahatid o magsusundo sa akin, except kay Jake... Si Jake lang kasi ang pinapayagan nyang makapunta saamin at makalapit saakin dahil sya lang ang pinagkakatiwalaan ni Dad, alam kasi ni Dad na hindi nya ako pababayaan at bestfriend nya ako" pagpapaliwanag nya saakin
"Ah ganon ba" sabi ko saka tumango tango
"Alam mo, si Jake lang yung lalaking sobra akong nirerespeto... Sobrang gentle man nya pagdating saakin... Kung ituring nya ako ay para akong isang prinsesa... Minsan hindi nya pinapakita pero alam ko at nararamdaman ko iyon... Alam ko at nararamdaman ko rin na mahal na mahal nya ako bilang kaibigan... Hindi nga nya ako nasubokang pagalitan ng sobra at sigawan eh... Ngayon lang" pagkwento nya saakin... Kita ko ang lungkot sa kanyang mukha
"Sure ako na mapapatawad ka rin non, at sure ako na hindi ka matitiis non" pagpapagaan ko sa kanyang loob
"Alam ko naman eh, pero hindi ko parin gusto yung nasaktan ko yung kaisa isa kong bestfriend" malungkot nyang saad... "Kahit kailan hindi nya ako sinaktan physically or emotionally, pero heto ako sinaktan sya" dagdag pa nya
Patuloy ko lang syang dinadamayan hanggang sa napagdesisyonan na namin na umuwi
"Ayaw mo ba talagang ihatid kita? Gabi na ayaw kitang mapahamak" pag aalala ko sakanya
"Hindi na sobra sobra na yung nagawa mo, salamat nga pala sa pagpapagaan sa loob ko ha" pagpapasalamat nya saakin
"Walang anuman, basta ikaw" saad ko na may ngiti sa aking labi... Ngumiti lang naman sya pabalik... "Pero ayaw mo ba talagang sumabay nalang?" tanong ko ulit
"Kulit... Wag na nga! Ok lang ako, tsaka isa pa tinawagan ko na rin ang driver ko, maya-maya non darating na rin yon" saad nito
"Sige, pero sasamahan muna kita para masiguro ko... Ok ba?" suhestyon ko... Napatawa naman ito ng mahina tsaka napailing
"Oo na, sige na Mr. Kulit!" saad nya na tumatawa pa
Naghintay lang kami doon at nagkwekwentuhan... Hanggang sa dumating na ang sundo nya
"Sige na Marcus nandito na sundo ko, Bye! Ingat!" saad nito saka ito pumasok na sa kotse nya
"Sige Bye, Ingat ka din" saad ko saka kumaway at kumaway naman sya pabalik... Umalis na sila kaya naman ay umalis narin ako roon
Nakarating na ako sa bahay at dumiretso na ako sa kwarto ko... Naligo muna ako tsaka pagkatapos ay dumiretso sa kama ko at nahiga... Nakatitig ako a ceiling ng kwarto ko habang nakangiti... Hindi ko lang kasi mawaglit sa isipan ko yung pag bobonding namin ni Kim, sobrang saya at sobra rin yung kabog ng dibdib ko non... Kaya lang nasaktan naman namin si Jake... Hayss ano kaya ang gagawin ko para makahingi ng sorry sa lalaking yon... Aishh bahala na! Pero ang pagkakaibigan nila ang mas inaalala ko, nagkalamat yung pagkakaibigan nila dahil saakin... Pareho silang nasaktan... Hayss bukas ko nalang iisipin ang lahat ng ito... Kailangan ko pang magising ng umaga bukas dahil may klase pa ako... Kaya matutulog na ako
-------------------♡︎---------------------
Jake's POV
Alam kong parang bata yung iniasta ko kanina... pero kasi hindi ko mapigilan! Nakakapikon lang kasi eh! Kahit man kaunting atensyon hindi nila maibigay! Tang*na! Ganoon na ba talaga sila kahayok makilala ang isa't isa para makalimutang kasama nila ako! Aishh nakakainis! Nasigawan ko pa tuloy sila... Lalo na si Kim, sobrang sensitive pa naman non... Hayss kailangan ko rin sigurong humingi ng pasensya sa kanila lalo na kay Kim... Hayss makatulog na nga!
~Morning~
Kringgg kringgg~
"Aishhh ang ingay naman ng alarm clock nato!" saad ko saka pinatay ang alarm clock... Tumayo na rin ako kahit na gustong gusto ko pang matulog... Nagshower na ako at pagkatapos ay nagluto na ng makakain... Habang kumakain ako ay napag isip isipan kong patawarin nalang ang dalawa at humingi na rin ng paumanhin sa pagsigaw ko sakanila kahapon... Dali dali kong tinapos ang pagkain ko at saka ako nagprepare na... Nang ma prepare ko na ang sarili ko ay saka ko mabilis na tinungo ang elevator... Pagkabukas ng elevator ay mabilis akong sumakay at pinindot ang number ng floor patungong parking area... Pagkarating ko ay tinungo ko ang sasakyan ko tsaka ko ito pinaandar at nagtungo na sa school
Pagkarating ko sa parking area ng school ay nakita ko si Kim at Marcus na parang may inaabangan... Pagka park ko sa car ko ay bumaba na ako at saka naglakad na... Lumapit naman silang dalawa saakin kaya napahinto ako
"Sorry" sabay nilang sabi
"Ok lang" sagot ko
"Hindi kana galit saakin?" tanong ni Kim na parang bata... natawa naman ako ng bahagya
"Hindi na" sagot ko
"Talaga?" pagkumpirma pa nito... Tumango lang naman ako habang nakangiti
"Alam mo namang hindi kita matitiis diba? Ikaw pa malakas ka sakin eh" saad kong nakangiti
"Thank you" saad nito saka ako niyakap ng mahigpit... niyakap ko rin sya... Humiwalay na kami sa isa't isa... Napatingin ako kay Marcus
"Sorry" sabi nito
"Ok lang yon! basta ba turuan mo ako ngayon, may quiz pa naman tayo tapos di ako nakapag aral... Turuan mo lang ako tapos kwits na tayo" saad ko
"Sige ba! Walang problema" saad nya na nakangiti
"Kailan ka pa natutong mag aral?" tanong ni Kim na nang aasar
"Ikaw! Ang bad mo!" saad ko na nakakunot ang noo
"Hehe peace" saad nito saka napa peace sign...Nagsimula na kaming maglakad patungo sa kanya kanya naming room... Kasama parin namin si Kim
"Sorry talaga dun ah" saad nanaman ni Kim
"Oo nga Ok na, basta promise mo na di mo na gagawin yun... ok?" saad ko tumango naman sya at nag promise sign pa
Humiwalay na si Kim ng daan saamin... Nakarating na din kami ni Marcus sa room namin... umupo na ako sa upuan ko... Hanggang sa may naramdaman kong may umupo sa tabi ko, akala ko kaibigan ko lang pero nang ilapag nito sa lamesa ko ang mga libro lumingon ako rito at si Marcus lang pala... Nakangiti ito
"Sige na tuturuan na kita" sabi nito... tumango naman ako at tsaka ngumiti din... At tinuruan nya na ako... ngunit habang nagtuturo sya hindi ko maiwasang mailang lalo pa't sobrang lapit namin sa isa't isa... Panay din ang tingin ko sa labi nya... Hanggang sa
"Good morning class!"