Jake's POV
"MARCUS!" pagtawag ko rito natulala kasi sya, iwinagaywag ko pa ang kamay ko sa harap nya... "Hoi! Marcus!" pagtawag ko uli rito na may kasamang pagyugyug sa balikat nito... Nabalik naman ito sa kanyang wisyo... "Anyare sayo?" tanong ko
"Uh-uhmm w-wala" nauutal nitong saad na nagpakunot sa noo ko, tapos ay tumayo ito... "U-una na ako" saad nito saka mabilis na tumakbo... Naiwan naman ako sa room ng may pagtataka at nakakunot ang noo... Iwinaglit ko nalang ito saka ako naglakad narin palabas at tinungo ang parking area kung nasaan ang kotse ko... pagkarating ko roon ay nakita ko si Kim at Marcus na nag uusap at tumatawa pa sila... Kita ko din sa mga mukha ni Marcus na nahihiya ito ngunit kita ko rin ang saya nito... Nakaramdam ako bigla ng sakit sa aking puso... Hindi ko alam kung bakit kaya naman ay iwinaglit ko nalang ito... Lumapit ako sa kanila
"Oy guys!" pagkuha ko sa atensyon nilang dalawa... lumingon naman sila at ngumiti sa akin si Kim
"Bestfriend ikaw pala! Halika!" saad ni Kim
"Ano ginagawa nyong dalawa?" tanong ko sa kanila
"Nagtatamabay kasi ako sa kotse mo, tapos nakita ko si Marcus kaya naman ay nilapitan ko sya at ayon nag usap kami... Ang saya nya pala kausap may kalokohan ding nalalaman" saad nito saka ang laki pa ng ngiti sa labi
"Edi kong ganoon bakit hindi nalang tayo pumunta sa coffee shop or sa mall? Para naman makilala ninyo ng lubusan ang isa't isa at para narin makilala ko ng lubusan si Marcus" suhestyon ko sa kanila
"Oo nga! Tama ka bestfriend! So ano game ka ba Marcus?" sabi ni Kim na halatang excited
"Sige game ako" pagsang-ayon ni Marcus
"Ok good!" sabay naming bigkas ni Kim tapos nag apir pa kami... Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan at si Kim ay kay Marcus sumabay sabi kasi nya na gusto nyang makilala pa si Marcus kaya naman ay gusto nya na mag uusap sila habang nasa biyahe kaya naman ay sumang ayon na ako... Nauna ako sa kanila at nasa likod lang sila kaya naman ay ako ang unang nakarating sa mall... Ipinark ko ang aking kotse tapos ay lumabas ako para hintayin sila... Hindi naman nagtagal ay dumating na sila at ipinark na ni Marcus ang kotse nya tapos ay bumaba na sila... pareho pa silang nagtatawanan habang papalapit saakin
"Tara na" saad ko sa kanila parehong tango lang ang isinagot nila tsaka nagbalik sa pag uusap... nakaramdam naman ako ng inis kaya naman ay nauna na akong pumasok sa kanila... Nang makapasok na kami ay nasa likuran ko parin sila nag uusap tapos ay naghahagik hikan
"Guys saan tayo una?" pagkuha ko sa atensyon nilang dalawa
"Ikaw bahala" saad ni Kim
"Kain muna tayo sa KFC" saad ko naman... parehong tango lang ang sagot nila saka nagpatuloy sa pag uusap... Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad nalang patungo sa KFC... Nakarating na kami
"Ako nalang ang pipila guys, ano ba gusto nyo?" tanong ko sa dalawang walang humpay na naghahagik hikan
"Uhmm ikaw nalang bahala" Si Kim ang sumagot
"Oo ikaw nalang ang bahala Jake" saad naman ni Marcus... tumango nalang ako at saka ako pumila... Nakita ko naman silang umupo na... Hindi natagalan ay nakuha ko na din ang order ko kaya naman ay nagpunta na ako sa kanila... Patuloy parin sila sa pagtawa at pag uusap... Inilagay ko na ang mga pagkain sa lamesa saka ako umupo sa bakanteng upuan...
"Kain na" maikli kong saad
"Ah salamat" saad nila ng sabay... tumango nalang ako... kumain na kami at kahit sa pagkain ay patuloy parin sila sa pag uusap... Hindi ako nakikinig sa kanila at patuloy lang ako sa pagkain ko
"Mukhang kilala nyo na ang isa't isa ah" saad ko habang kumakain... napalingon naman silang pareho saakin
"Ah oo nga eh! Sobrang gaan kausap kasi itong si Marcus!" saad ni Kim habang ang laki ng ngiti
"Kita ko nga eh" saad ko naman ngumiti lang uli sila saakin saka sila nagpatuloy sa pag uusap... Hindi ko nalang din sila ginulo at nagpatuloy nalang sa pagkain
Hindi nagtagal ay natapos na kami sa pagkain kaya naman ay naglalakad na kami
"Saan tayo next?" tanong ko
"Games tayo!" suhestyon ni Marcus na nagpangiti kay Kim
"Sige magandang ideya yan! Mag eenjoy tayo jan!" saad ni Kim na napapalakpak pa... tumango nalang ako bilang pag sang-ayon... Naglakad na kami patungo sa games center ng mall... Ako naman ngayon ang nasa likuran nila habang sila ay masang nag uusap sa harapan ko... Hanep parang hangin lang ako ah!... Hanggang sa nakarating kami sa game section... Naglaro na kami at tulad kanina parang sila lang dalawa ang magkasama... Kaya naman ay humiwalay ako sa kanila at nagtungo ako sa may basketball game area... Naglaro ako roon hanggang sa tinamad na ako kaya naman ay binalikan ko na sila... Ngunit pagbalik ko roon ay wala na sila kaya naman ay hinanap ko sila sa iba't ibang game section ngunit hindi ko sila makita kaya naman ay lumabas na ako roon... Patuloy ko pa rin silang hinahanap hanggang sa makita kong nakaupo sila sa isang bench tapos ay kumakain ng ice cream habang naghahagikhikan... Mabilis akong nagtungo sa kanila na may galit ang mukha ko
"Tang*na nyo!" singhal ko sa kanila na nagkuha sa atensyon nilang pareho... "Pinag alala nyo ako tapos heto lang pala kayo kumakain ng ice cream tapos nagtatawanan pa!" natulala naman silang pareho tapos ay parehong napayuko
"Sorry" sabay nilang bigkas
"Sorry!? tang*na! Kanina pa kayo eh! Nang makarating tayo dito sa mall parang kayo lang dalawa ang magkasama! Nung tinatanong kayo palagi nalang 'ikaw bahala' ang sagot ninyo! Hindi nyo nga ako sinubukang kausapin o isali sa usapan niyo eh! Sobrang left out ako! Ngunit pinalagpas ko lang iyon kasi nga you want to get to know each other! Pero ito, tang*na! Iniwan nyo ako para lang maka pag ice cream kayo tapos pinag alala nyo pa ako! Tang*na naman! Parang di nyo ako kaibigan ah! Tang*na nyo pareho!" singhal ko sa kanilang dalawa... Nakayuko lang ang ulo nilang pareho... Nagsimula na akong maglakad
"S-saan ka p-punta?" boses ni Kim iyon... lumingon naman ako na may galit parin sa aking mga mata
"Uuwi na ako! Nawalan na ako ng gana!" saad ko saka patuloy na naglakad at iniwan sila
Nakarating na ako sa parking lot at pumasok na ako sa aking kotse akmang papa andarin ko ito ng may kumatok sa bintana ko... Si Kim iyon... ibinaba ko naman ang bintana ko
"Anong kailangan mo" cold ang tono ng pagsalita ko
"Uh-uhmm w-wala kasi akong masakyan pauwi eh" saad nya
"Edi sumabay ka kay Marcus tutal naman diba parang kayo lang ang magkasama" saad ko na cold ang boses... napayuko naman sya
"P-pero a-alam mo n-naman d-diba na strict si D-dad" saad nya na nanginginig ang boses nya
"Hindi ko na iyon problema" cold ko paring sabi saka ko isinara ang bintana at nag drive na... Tinignan ko naman sila sa rear view mirror ko at nakita ko si Kim na umiiyak tapos ay nakayakap pa si Marcus dito... Binilisan ko naman ang pagpapatakbo sa kotse ko at hanggang sa mawala na sila sa paningin ko