Marcus POV
Natulala kami pareho, nagkatitigan kami mata sa mata..bumaba ang tingin nya sa mga labi ko..napalunok naman ako..ang lakas ng kabog ng dibdib ko..at doon ko na sya tinulak
"Uhmm C-cr mu-muna a-ako"pautal utal kong sabi sakanya sabay tayo sa kinauupuan ko at naglakad na patungo kay prof
Nagpaalam na ako kay prof at pumayag sya..Lumabas na ako at nagtungo sa Cr..Pagkadating ko don ay saka ko lang tinignan ang sarili ko sa salamin..Tang*na bakit ang pula ko!?..Bakit sa tuwing nagkatitigan kami iba ang kabog ng dibdib ko!? Bakit nauutal ako kanina!? Bakitttt!?
Yun ang mga tanong na hinding hindi ko alam ang sagot! Tang*na bakit ba ako nagkakaganito!?
"Tandaan mo Marcus kaaway mo si Jake..malaki ang galit mo sakanya dahil inagaw nya sayo si Kim...At si Kim ang mahal mo at ang tanging nakakapagtibok ng puso mo" bulong kong paalala sa aking sarili...naghilamos na ako at saka pinakawalan ang malalim na buntong hininga...At pagkatapos non ay lumabas na ako at tinungo ang classroom namin...pagkadating ko doon ay nakaupo na ang mga kaklase ko sa kanya kanya nilang respective chairs..kaya't umupo narin ako sa aking upuan..
"Ok class that's for today, I hope na mapadali ninyong matapos ang project na iyan at sana ay magtulungan kayo para mas lalong mapadali..Ok?"saad ni sir
"Yes sir!"sabay sabay naming saad
"Very good, So do you have any question's regarding sa project?"
"Wala napo sir"sabay uli naming saad
"Ok then Class Dismissed!"saad ni sir..saka sya naglakad na para umalis
Nagpatuloy ang araw na iyon na palagi kong pinapa-alala sa sarili ko na si Kim lang ang mamahalin ko at ang papakasalan ko...Active parin naman ako sa klase kahit may iniisip ako.. Hanggang sa nag uwian na...Inayos ko na ang mga gamit ko at saka ko sinukbit ang bag ko sa aking balikat...Tumayo na ako at aalis na sana ngunit may humawak sa balikat ko lumingon ako at si Jake pala ang nakahawak sa balikat ko
"Marcus paano natin gagawin ang project?"tanong nya..Nilibot ko ang mga mata ko sa classroom..kami nalang palang dalawa ang natira..
"Kung gusto mong maka-ambag..don't disturb me habang ginagawa ko ang proyekto natin..wag ka munang lumapit o di kaya ay mang badtrip saakin"saad ko sakanya
"Yun lang?"tanong nya..tumango ako
"Oo tutal wala ka naman talagang maiaambag eh...kaya yun nalang...Understand?"saad ko...bumuntong hininga sya
"Ok sige kung yan gusto mo"sagot nya sakin
Tumango nalang ako at saka akong naglakad patungo sa labas...Paglabas ko ay saka ko pinakawalan ang buntong hininga ko...Naglakad na ako patungo sa parking area ng eskwelahan at pagdating ko doon ay nakita ko si Kim na nakasandal sa sasakyan ni Jake...nakaramdam ako ng selos..sumakay nalang ako sa sasakyan ko ngunit hindi ko pa iyon pina andar...nakatingin lang ako kay Kim..nagseselpon sya hanggang sa natigil sya sa pagseselpon..dumating na pala si Jake..nakita kong humalik sa pisngi si Kim kay Jake at ganon din ang ginawa ni Jake...doon nagsimulang kumulo ang dugo ko dahil sa selos na nararamdaman ko...Pina andar ko nalang ang kotse ko saka ko ito minaneho palabas sa gate ng parking area..pagkalabas ko sa gate ay saka ko ito pinatakbo ng mabilis..nakarating kaagad ako sa bahay..hindi muna ako lumabas..hinampas hampas ko ang manibela ng kotse ko
"Tang*na bakit si Jake pa!? Bakit sya pa!? Pwede namang ako nalang Kim! Sana ako nalang!"saad ko habang nilalabas ko ang frustrasyon na nasa aking dibdib
Pagkatapos kong mailabas lahat ay saka na ako bumaba sa sasakyan ko at pumasok na sa bahay namin. Naabutan ko doon ang isa naming maid na naglilinis
"Good Afternoon po sir"bati nito saakin
"Good afternoon din...Uhmm nasaan po sina Mom at Dad?"tanong ko rito
"Yung daddy nyo po nasa trabaho pa po, yung mommy nyo naman po ay lumabas po kasama mga kaibigan nya"sagot naman nya
Tumango lang ako rito at saka ko tinungo ang aking kwarto sa itaas...Pagkarating ko sa aking kwarto ay inilapag ko na ang bag ko saka ako nagbihis ng pambahay at pagkatapos non ay humiga ako sa aking kama...Napapikit ako at bigla nalang lumabas ang mukha ni pesteng Jake kaya't napamulat kaagad ako...Tang*na ano yun!?...Pilit kong winawaglit sa aking isipan si Jake pati narin ang nangyari kanina...Napag isip isipan ko kanina na mas mabuting layuan ko na si Jake para mawaglit na sa isip ko yung nangyari kanina..kaya ko nga hindi nalang sya patutulungin sa proyekto namin eh...Palagi ko ring isinisiksik sa utak ko na si Kim lang ang mahal ko...HAAYSS! ANO BA TONG NANGYAYARI SAAKIN!?
Napasabunot nalang ako sa aking buhok at pinakawalan ko ang aking buntong hininga...Hanggang sa bumigat ang talukap ng aking mata at diko na namalayan na nakatulog na pala ako..