Jake's POV
Napamulat sya! Nagkatitigan nanaman kami...At ayon nanaman yung kakaibang kabog sa aking dibdib...Ako ang unang umiwas ng tingin...tsaka ako bumangon at umupo sa may edge ng kama
"Bumangon ka na para maka uwi na tayo" saad ko tsaka ako tumayo na...bumangon na rin sya at tumayo na
"Alas singko na pala" saad nga tsaka sya humikab...
Kinuha na naming pareho ang aming mga bag at saka namin pinuntahan ang pintuan...Sinubukan namin itong buksan at sa wakas nabuksan na rin ito
"Hayss sa wakas" sabay naming saad
Lumabas na kami roon at saka tinungo ang parking area ng school... Kinuha ko na ang susi sa kotse ko at saka ko tinungo ang kotse ko... ganoon rin ang ginawa nya... Lumingon ako sa kanya nakatingin na pala sya saakin
"Uhmm Yung deal natin 'wag mong kakalimutan ha" saad nya... Tumango lang ako at saka ko sya nginitian... sumakay na ako sa kotse ko at nakita kong ganon rin ang ginawa nya...
Parehas na kaming nagmaneho... ako ang naunang nakalabas... Nagmaneho lang ako ng patuloy at nakasunod parin sya saakin... Hanggang sa lumiko na sya at nagkahiwalay na kami ng daan... Hindi nagtagal ay nakauwi narin ako sa condo ko...Ipinark ko na ang kotse ko... tsaka ako pumasok at saka sumakay sa elevator... Kinuha ko na ang susi ng condo ko at bumukas na rin ang pintuan ng elevator... lumabas na ako sa elevator at saka tinungo ang aking room... binuksan ko ito at saka pumasok na roon... mabilis akong naligo at saka nagluto ng pagkain at kumain... Ichinarge ko rin ang cellphone ko... Nang matapos ko na lahat ng gawain ko ay saka ako lumabas ng room ko at sumakay na sa elevator at pagbukas non ay saka ko tinungo ang kotse ko sa parking area... binuksan ko ang kotse ko at pumasok na roon... Inilagay ko ang bag ko sa shotgun seat... biglang tumunog ang cp ko... Tinignan ko ito at tumatawag roon si Kim... kinuha ko ang airpods ko at saka nilagay ito sa tenga ko at saka ko sinagot ang tawag ni Kim
"Oh ano?" tanong ko rito
"Ay ang bad! Wala man lang Hello o di kaya ay Good morning!" saad nito... hayss ang kulit talaga kung hindi ko lang to bestfriend baka napatay ko na to
"Kim please! Spill the tea!" saad ko habang may kaunting inis sa boses ko... nagsimula ko na ring imaneho ang kotse ko
"Ok po! Pick me here in our house pleaseee" pakiusap nito habang nagpapa awa ang boses
"Why? May driver naman kayo ah!" saad ko rito
"Pleasee maya ko na ikwekwento sayo" saad nito hang nag papa awa
"Aishh Fine!" saad ko at saka ako nagmaneho papunta sa kanila... narinig ko naman syang napapalakpak
"Thank you! Mahal na mahal mo talaga ako kaya di mo ako matiis eh!" saad nito
"Pasalamat ka, Bestfriend kita!" saad ko...napahagikhik naman ito... "Aishh I hate you!" saad ko
"I love you too! Mwah! Bye see you!" saad nito bako pinatay ang tawag
"Aishh ang babae talagang iyon!" inis kong saad
Nakarating na ako sa kanila... Inilagay ko yung bag ko sa back seat... At mabilis naman syang sumakay sa kotse ko... Humalik sya sa pisngi ko
"Aishh nakakainis ka talaga!" inis kong saad rito
"Salamat ng marami gwapo kong bestfriend!" saad nito habang ngumiti ngiti pa... Napabuntong hininga nalang ako habang napapailing... Nagmaneho na rin ako...
"So spill the tea now Kim" saad ko... tsaka nya kinwento lahat... Parehas lang sila ng sitwasyon ni Marcus pinipilit sa mga ayaw nila... Si Kim kasi gusto nyang mag artista pero ang gusto ng mga magulang nya ay ang maging isa syang business woman para daw sya ang magtaguyod sa company nila... Kahit na ayaw ni Kim ay wala naman syang magagawa roon... Mabuti nalang talaga napaka supoortive ng parents ko... Nagkwekwento lang si Kim habang nagmamaneho ako... Hanggang sa nakarating na kami sa school... Ipinark ko na ang kotse ko at saka bumaba na kaming dalawa... Papalakad na kami ng mahagilap ko si Marcus na nakatingin sa amin ng may galit... Siguro nagseselos to haha... Kaya naman ay inakbayan ko si Kim saka kami naglakad na... Marami nanaman mga babaeng hindi magkamayaw sa kakasigaw... Hayss nakakabingi... Hindi ba sila nauubusan ng tinig!... Nakakainis! Inihatid ko si Kim sa room nila saka ako nagtungo sa classroom ko... Naupo na ako sa aking upuan... May naramdaman akong mga matang parang matatalim na nakatingin sa akin... Lumingon ako at nakita kong si Marcus pala ang nakatingin sa akin ng sobrang sama... Kinunutan ko sya ng noo... Pinakita nya sa akin ang gitnang daliri nya at saka sya umiwas ng tingin... I just smirked... Tumingin na rin ako sa harap at sakto namang umabot na ang prof namin...Umupo na ito sa kanyang desk
"Good Morning class" bati nito
"Good morning too sir" saad naman namin
"Ok, I will check your attendance so please say present if I call your name understand?" saad nito
"Yes Sir!" sagot namin ng sabay... Nagsimula na itong mag attendance... Nilalaro ko lang ang ballpen ko
"Mr. Monteverde" tawag nito
"Present sir!" saad ko saka ko itinaas ang kamay ko... Nagpatuloy lang sya sa pag check ng attendance... At ako naman ay pinagpatuloy lang ang paglalaro sa ballpen ko... Hanggang sa natapos na sya sa pag check ng attendance at saka naman sya nag discuss... Patuloy ko paring nilalaro ang ballpen ko... Hanggang sa natapos na sya... Ganoon lang ang nangyayari at ginagawa ko sa buong klase... Hanggang sa nag lunch time na... Papunta na kami ng mga kaibigan ko sa cafeteria ng makasalubong ko si Kim
"Sabay na tayo!" saad nito habang malaki ang ngiti... Tumango lang ako rito... Bumati sya sa mga kaibigan ko at ganoon rin ang ginawa ng mga kaibigan ko sa kanya... Nakarating na kami sa cafeteria at ang lakas nanaman ng sigawan... Nahagilap ng mata ko si Marcus na nakatingin nanaman sa akin ng masama... Kaya naman ay hinigpitan ko ang akbay ko kay Kim... Umorder na kami saka kumain na... Papalabas na kami ng cafeteria ng nakaramdam ako na naiihi na ako
"Una na kayo! Mag C-cr muna ako!" saad ko sa kanila at saka ako naglakad papuntang cr... Pagkatapos kong umihi ay saka ako naghugas ng kama... Habang naghuhugas ng kamay ko ay may biglang humablot saakin sa likuran at saka ako kinwelyohan!