Ika-siyam na Kabanata

1074 Words
Marcus POV Nakakapikon na! Kanina pa sya ah! Kanina nakita ko silang magka akbay ni Kim na naglalakad sa hallway tapos ngayon naman magka akbay parin dito sa cafeteria! Nakakapikon na! Oo alam ko na bestfriend lang sila, pero tang*na! Nakakaselos parin... Akala ko ba tutulungan nya akong mapalapit kay Kim!? Tang*na lang! Nakakuyom parin ang mga kamao ko habang nakatingin ng masama kay Jake... Pagkatapos kong kumain ay saka ako dali-daling umalis roon... Nandito ako ngayon sa puno para abangan ang paglabas nila... Hindi nagtagal ay nakita ko silang lumabas, nagpaalam munsa si Jake at ang mga kaibigan nya at si Kim ay nagtungo na sa kani kanilang classroom... Sinundan ko si Jake, nakita ko syang pumasok sa cr kaya naman hindi muna ako pumasok nag abang lang ako sa labas... Nang masiguro kong wala ng ibang estudyanteng pumasok at nakita ko ring naghuhugas ng kamay si Jake ay saka na ako pumasok... Hinablot ko sya atsaka ko sya kinwelyohan... Nakita ko ang gulat sa kanyang mata "ANO BANG PROBLEMA MO!?" singhal nya sa akin habang pilit na tinatanggal ang pagkakakwelyo ko sa kanya "ANG PROBLEMA KO AY IKAW! NAKAKAPIKON KA NA! AKALA KO BA TUTULUNGAN MO AKO KAY KIM HA!?" singhal ko rin sa kanya "Pwede bang kumalma ka muna, tutulungan naman talaga kita eh kumukuha lang ako ng tyempo... saka isa pa may problemang kinakaharap ngayon si Kim kaya wag muna ngayon... pwedeng bukas o sa makalawa... Kaya chill lang muna... tsaka ikaw din naman di mo pa nga ako sinisimulang turuan eh" mahaba nyang sabi ngunit mahinahon na... binitawan ko ang kanyang kwelyo "Siguraduhin mo lang!" may pagbabanta sa aking boses tumango tango naman sya... "Saka nalang kita tuturuan kapag nakagawa ka na rin ng hakbang para mapalapit kami ni Kim" saad ko tumango lang uli sya... Umalis na ako roon Naglakad na ako patungo sa classroom namin... Pumasok na ako at saka ako naupo sa upuan ko... Pagka upo ko ay ang sya namang pagpasok ni Jake... Umupo na rin sya sa kanyang upuan... Hindi nagtagal ay pumasok na rin ang prof namin... Ginawa lang nya ang karaniwang ginagawa ng mga guro na nagtuturo... Ganoon lang ang ginagawa ng mga guro namin... hanggang sa mag uwian na... "Class Dismissed!" huling saad ng last subject teacher namin bago sya lumabas ng classroom... Inayos ko na ang mga gamit ko... At saka na ako tumayo... isinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat... Saka ako naglakad na para lumabas na sa classroom, pagkalabas ko ay saka ko naman tinungo ang parking area... Pagkarating ko roon ay nakita ko si Kim at Jake na nag uusap... Napa buntong hininga lang ako at saka ko tinungo ang aking kotse... bubuksan ko na sana iti ng may biglang tumawag sa akin... "Marcus!" nilingon ko ito... at si Jake lang pala ang tumawag sa akin... Kumaway pa ito saka lumapit sa akin kasama si Kim... biglang lumakas ang t***k ng aking dibdib... Napakaganda talaga nya lalo na kapag sa malapitan... "A-Ahmm a-ano iyon?" utal utal kong saad... Tang*na naman Marcus umayos ka! Nasa harapan mo yung long time crush mo! "Ahmm gusto kasi kitang ipakilala kay Kim" saad ni Jake "Ah ganon ba" napakamot pa ako sa aking batok "Ahmm Kim si Marcus, Marcus si Kim" pagpapakilala nya sa akin kay Kim "Nice to meet you Marcus!" saad ni Kim habang nakangiti ito ng malawak at saka nya inilahad ang kanyang kamay... Napatulala naman ako roon... parang tumigil ang ikot ng mundo ko... "Ah-Ahmm n-nice to m-meet y-you too" utal ko uling saad habang tinatanggap ang kanyang pakikipag kamay... Tang*na ang lambot ng kamay... Ang sarap laging hawakan kaya lang binawi nya na... "Jake diba sya yung lagi mong kaaway?" tanong nya habang nakatingin kay Jake... tumango tango naman si Jake... tumingin naman si Kim sa akin... "Eh bakit parang ayos na kayong dalawa? samantalang kahapon pa nag aaway kayo, at balita ko pa na detention kayong dalawa" mahaba nyang saad "Ah kahapon kasi napag desisyonan naming dalawa na i-settle na ang pag aaway namin, napag usapan na namin lahat kaya ngayon ay medyo ayos na kami! Diba Marcus?" saad ni Jake ... tumango tango naman ako bilang pag sang ayon sakanya "Ano ba kasi lagi ninyong pinag aawayan? Para pa kayong aso't pusa... Ano ba kasi ang dahilan ng pag aaway ninyo?" tanong uli nito "Mahabang kwento Kimmy kaya sa susunod ko nalang ipapaliwanag sayo... Ok ba 'yon?" saad ni Jake "Ok pero promise mo sa akin na sasabihin mo sakin next time ah!" saad ni Kim na parang bata "Opo!" Sagot ni Jake habang pinipisil nya ang ilong nito... "Aray! Wag mo ngang pisilin itong ilong ko!" saad nya habang napapanguso at hinampas ang kamay ni Jake "Haha sorry"saad ni Jake na natatawa pa... Nakakaselos naman sila... Ang sarap sigurong magkaroon ng bestfriend... Wala kasi ako non eh... Tumikhim ako... Napalingon silang dalawa sa akin "Uhmm mauna na ako sainyo may tatapusin pa kasi akong proyekto eh" pagpapa alam ko sa kanila "Ah sayang gusto ko pa namang makasama ka... magkakape muna sana tayo... pero mukhang importante project mo eh kaya sa susunod nalang" saad ni Kim "Ah sa susunod nalang wag kang mag alala" saad ko saka ko sila nginitian at tumalikod na para sumakay sa kotse ko... Pina andar ko na ito... Ibinaba ko muna ang bintana ko..." Sige una na ako sa inyo" saad ko saka kumaway "Take care!" saad ni Kim na kumaway pa "Ingat bro!" saad naman ni Jake... at saka na ako nagmaneho paalis Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa bahay... Wala akong na abutan roon maliban sa mga maids... Dumiretso nalang ako sa aking kwarto... Pagkarating ko roon ay saka ako nagbihis... Pagkatapos non ay saka ako nahiga sa aking kama... Wala naman talaga akong gagawing proyekto dahil natapos ko na ang proyekto namin ni Jake... Nagmadali lang ako kanina dahil hindi ko makayanan ang ka sweetan nina Jake at Kim kahit pa na alam kong magkaibigan lang sila... Kahit na magkaibigan sila may posibilidad paring maging sila kaya naman ay pagbubutihan kong makalapit kay Kim para ako ang maka angkin sa kanyang puso , ang maka hawak sa kanyang malalambot na kamay at ang maka halik sa kanyang mapupulang mga labi...Kaya dapat laban lang Marcus! Palagi kong sinasabi sa sarili ko na lalaban ako para sa pag-ibig ni Kim hanggang sa bumigat ang talukap ng aking mga mata at hanggang sa nakatulog ako
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD