Marcus POV
Nagising ako dahil sa katok sa pintuan sa aking kwarto... Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kanina sa kakaisip kay Kim...
"Sir Marcus kakain na daw po kayo" saad ng isa naming katulong
"Ok i'll be there in a minute" saad ko rito... narinig ko naman ang kanyang mga yabag papaalis... Kinuha ko ang phone ko tsaka chineck ko ang oras alas syete na pala ng gabi... halos dalawang oras din pala akong nakatulog... Tumayo na ako saka tinungo ang cr dito sa kwarto ko... umihi lang ako at tsaka naghilamos... Pagkatapos ay saka ako lumabas... Tinungo ko ang dining area at naabutan ko roon sina Mom, Dad at iba pang mga maids... Humalik ako sa pisngi ni Mom at nagmano naman ako kay Dad
"Take your sit na anak and eat your dinner" saad ni Mom na may ngiti sa labi... tumango lang ako atsaka ako umupo sa upuan ko... Nagsimula na akong magsandok ng kanin at ulam... Pagkatapos nun ay saka ako kumain...
"How's your school today?" tanong ni mom... Uminom muna ako ng juice
"Ok naman po mas hectic na po yung schedules lalo na sa mga teachers dahil malapit na po kasi yung exam" sagot ko rito saka ako sumubo ng pagkain
"Kailan nga ba iyong exam ninyo?" si Dad naman ang nagtanong
"Sa next week po" sagot ko
"You have to past that test son, alam kong mapapasa mo iyon pero gusto ko na ikaw ang pinakamataas sa klase ninyo and if possible make it perfect... Lalo na't I've found out na ang school na papasukan mo this college ay mataas at magagaling ang mga estudyante... Hindi sila tumatanggap ng mga bobo... kaya you better do your best" saad nito na nagpahinto sa akin sa pagkain... Uminom ako sa aking juice at saka ako tumayo
"Busog na po ako, I'll take a rest now" pagpapa alam ko sa kanila... At saka ako naglakad patungo sa aking kwarto... Nang makarating ako roon ay saka ko ni lock ang pintuan at saka ako humiga sa aking kama... Doon ko na pinakawalan ang frustrasyon na nabuo sa aking dibdib kanina... Tang*na lang kasi! Kung bakit kasi ayaw nya akong suportahan sa kagustuhan ko! I have already done my best but I think my best wasn't enough! Nakakainis yung pagtrato nya sa akin ng ganito! Para nya akong hindi tunay na anak! All I want is to live my life to the fullest, na gusto kong matupad yung mga pangarap ko... May balak naman talaga akong tuparin ang pagiging isang doktor pero gusto ko ring maranasan ang kumanta at ang makilala ng lahat ang tinatago kong talento! Aishh Nakakainis!
Nilabas ko lang ng nilabas ang frustrasyon ko habang nakasabunot ako sa aking buhok... Hanggang sa nakatulog uli ako
~Kinabukasan~
Nagising na ako dahil sa alarm clock ko... Pinatay ko ito saka ko tinignan ang oras, alas kwatro na ng umaga at malapit na mag alas singko... Bumangon na ako tsaka ko tinungo ang banyo para maligo na... Pagkatapos kong maligo ay saka ako nagbihis... Pagkatapos ay inayos ko na ang mga kagamitan ko... Pagkatapos ko sa lahat ng kailangan kong gawin ay saka ko kinuha ang phone ko at tinignan ang oras 05:36 na pala kaya naman isinilid ko na sa bulsa ko ang phone ko tsaka ako bumaba na... Dahan dahan lang akong bumaba... May mga maids akong naabutan nag good morning lang sila sa akin at tinanguan ko lang naman sila... Dumiretso ako sa kung saan naka park ang kotse ko at dali dali akong pumasok rito at saka dali dali ring pina andar ito... Mabilis ang pagpapatakbo ko rito... Nag decide ako na pumunta muna sa isang coffee shop dahil hindi pa ako nakakakain... Ipinarada ko ang kotse ko sa parking area ng coffee shop... Pagkatapos non ay saka ako pumasok sa coffee shop at nag order... Umupo ang sa malapit sa may bintana... Hindi nagtagal ay dumating din ang coffee at cake na inorder ko... Nagsimula na akong kumain... Sinadya ko talagang maging maaga sa pag alis sa bahay dahil ayaw kong marinig na naman ang mga salita ni Dad dahil baka hindi ko rin mapigilan ang sarili ko at baka masagot ko sya... Binilisan ko na ang pagkain at saka pagkatapos kong kumain ay umalis na ako roon... Nag drive na ako papunta sa school... Nang makarating ako roon ay isang kotse lang ang naabutan ko sa parking lot... Tinignan ko ang relo ko at alas 06:00 palang naman kaya hindi imposibleng ganito ang bubungad sa akin... Ipinark ko na ang kotse ko... Limabas na ako roon at pagkababa ko ay nakita ko ang nakatalikod na pamilyar na pigura habang nag sisigarilyo... Itinapon nya na ang sigarilyo nya at tinapak tapakas iyon saka nya pinulot para ilagay sa may basurahan...Tumikhim ako para makuha ang atensyon nya... Humarap naman sya at tama nga ang hinala ko dahil ang taong ito ay si Jake
"Uyy Marcus ikaw pala" saad nya... lumapit naman ako sa kanya
"Himala yata ang aga aga mo!" natatawa ko pang saad... Hindi lang kasi ako makapaniwala na ang aga aga nya... Kadalasan kasi palagi syang late sa klase... Kaya naman nakakapagtaka lang
"Bakit hindi na ba ako pwedeng maging maagang pumasok ngayon?" tanong nya
"Hindi naman sa ganon pero hindi lang kadi ako sanay" saad ko naman napatango naman sya
"Ang boring lang kasi sa condo eh, wala naman akong makausap doon, kaya nga minsan sa naglalakwatsa nalang ako pag gabi para maalis ang boring na paligid eh, kaso nga lang hindi ako nakapaglakwatsa kagabi dahil sa masakit kong ulo, kaya naman heto ako ngayon maagang nakapasok" saad nya napatango lang naman ako... "Ikaw ba bakit sobrang aga mo?" tanong nya
"Ah may kaunti lang problema sa bahay" maikli kong sagot rito... tumango tango naman sya...
Kinuha ko ang bag ko atsaka binuksan ang compartment ng kotse ko at tsaka ako umupo roon
"Jake halika rito" pagtawag ko rito... Lumapit naman ito ng nakakunot ang noo
"Bakit?" tanong nito
"Umupo ka" pag papaupo ko sa kanya... Umupo naman sya
"Bakit ba?" tanong nya uli... Kinuha ko ang mga libro ko
"Sisimulan na kitang turuan dahil next week na at malapit na ang exam" saad ko
"Uhmm oo nga pala yung project natin kamusta?" tanong nya habang napapakamot sa kanyang batok
"Tapos ko na iyong gawin basta tulungan mo lang akong i present iyon" saad ko
"Ah sige walang problema tutal yun lang naman ang maitutulong ko eh" saad nya napapakamot sa kanyang batok... palihim naman akong napatawa dahil roon
"Sige na magsimula na tayo" saad ko
Sinimulan ko na syang turuan... Nakikinig naman syang mabuti... Hanggang sa dumami at dumami na ang mga estudyante