Chapter 3

693 Words
Chapter 3 Levi's POV; "Yang nga pinto na yan na may pangalan lahat yan kwarto ni Young Master...bago ako umalis bibigay ko sayo ang susi ng mga yan."ani ni butler Roger habang nililibot niya ako sa mansyon. "Dito muna tayo sa kwarto ni Sunny."dagdag ni Butler Roger bago bago pihitin ang pinto na kulay dilaw ang pinto. "Si Sunny yung batang alter ni Mr.Griffin diba?"tanong ko ng makapasok kami sa loob. As usual puro stufftoys ang laman ng kwarto at drawings. "Mahilig mag drawing si Sunny at maglaro...may pag spoild din kaya pag lumabas siya kailangan mong samahan at kung anong sabihin niya gawin mo...para hindi magwala o umiyak."ani ni butler ng madampot ko ang isang sketch pad na may drawing ng isang batang babae at lalaki na magkahawak ang kamay. "Cute."komento ng makita ang drawing niya sa babae nakangiti ito habang yung lalaki...walang mukha. Hindi yata niya tapos. Kaya ang ginawa ko binuklat ko yung sketch pad lahat ng drawing ng batang babae nakangiti at yung drawing ng batang lalaki palaging walang mukha. "Oo nga pala..wag mong palaging iiwang bukas ang mga kwarto specially pag lumabas si Swiss dahil baka may madampot siyang mga bagay na matalas o maari niyang magamit para saktan ang sarili niya."bilin ni Butler Roger bago ko ibaba ang sketch pad sa maliit na table at tingnan ang mga drawing na nakadikit sa pader. Lahat ito ganun yung drawing lang ng batang babae ang may mukha. "Dalasan mo din ang paglilinis dito pag tulog si young master...makalat si Sunny."bilin ni Butler Roger bago ako ayain palabas ng kwarto. "Mukhang mahilig sa sweets si Sunny."komento ko habang nilolock ni butler roger ang pinto. "Yeah kaya dapat laging may stock na candy sa kusina o sa kwarto niya dahil aawayin ka nun."pananakot ni Butler roger na kinakamot ko sa pisngi. Ilang hakbang lang tumapat kami sa kulay puti na pinto...ng may mabasa akong Swiss mukhang alam ko na kung anong klaseng kwarto meron ito. Pinihit lang bi butler Roger ang pinto at bumukas na yun...hindi na ako nagtaka ng makita ko dito si Mr.Griffin...pero napanganga ako dahil nakita kong mula sa sahig hanggang sa pader at bubong napapalibutan ng water bed. "Para maiwasan ang aksidente... tuwing nahihimatay si Young master dito namin siya nilalagay incase na si Swiss ang magising."explain ni butler Roger. Mkhang dinisenyo talaga ito para kay Swiss. "Si Swiss kanina...madalas ba siyang lumalabas?"tanong ko kay butler Roger paglabas namin ng kwarto. "Tuwing umaga lang lumalabas si Swiss...pag nagising si Young Master na iba ang alter...buong araw na yun na hindi lalabas si Swiss."sagot ni Butler Roger hanggang sa tumapat kami sa kulay berdeng pinto na may nakalagay na---. "Alcade?"tanong ko ng makita ang pangalan na yun. "Si Alcade ba yung takot sa lahat ng bagay?"ani ko ng makapasok kami sa loob. "Si Almide yung tinutukoy mo...si Alcade naman ang alter na lahat ng bagay gustong subukan...bihira lang lumabas si Alcade pero pag ito lumabas umaabot ng isang araw kaya...kailangan mo siyang sundan at sakyan lahat ng gusto niyang gawin...more on hiking ang trip ni Alcade...kaya pag lalabas kayo siguraduhin mong may magbabantay sainyo mula sa malayo at hindi malaman ni Young master dahil mag wawala yan...mas malaking problema."bilin ni butler Roger na kinatango ko. "Kaya ba nasa labas lahat ng bantay at tayo lang tao dito?"tanong ko na kinatingin ng butler. "Nagwawala si Young Master pag may umaaligid sakanya na nurse,doctor o gwardya...wala siyang tiwala kahit kanino kung hindi nila kilala...kaya bago ka dumating dito pinakita ko sa kanila yung fake documents na ginawa ko para pagkatiwalaan ka niya umabot yun ng isang buwan kaya ngayon lang kita tinawagan."sagot ni butler na kinatango ko...mas mahirap pa talaga ito sa inaasahan ko. "Mahilig siya sa libro at magazine?"ani ko ng makita kong mas mukha itong library kaysa kwarto may mga pic pa ng tourist spot ng ibat ibang bansa at mapa. "Lahat ng librong nakikita mo...sa ibat ibang lenggwahe nakasulat hilig niyang basahin yan at pag aralan para daw pag pumunta ulit siya sa ibang bansa hindi siya maliligaw at maeenjoy ang paglibot sa buong mundo."sagot ni butler na kinangiti ko. "Ang ganda ng pangarap niyang gawin."ani ko na kinatango ni butler Roger habang papalabas kami ng kwarto. Kung lahat ng alter Mr.Griffin magiging isa sa iisang katawan...I'm 100% sure na magiging unpredictable ang katauhan ni Mr.Griffin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD