Chapter 4

514 Words
Chapter 4 Levi's POV; "Almide?"ani ko ng mabasa ko yung pangalan sa itim na pinto. "Si Almide yung alter ni Mr Griffin na sobrang matatakutin diba?"tanong ko ng buksan na ni Butler Roger ang pinto. "Yeah at isa din si Almide sa reason bakit umabot ng isang buwan bago kita matawagan...walang tiwala si Almide kahit kanino...kahit saakin takot siya..ang maganda lang dito pag lumalabas si Almide nanatili lang siya sa kwartong ito."ani ni butler ng pagbukas niya ng pinto medyo napayuko ako dahil sa sobrang liwanag...walang laman ang kwarto maliban sa kama. "Panatilihin mo ding bukas ang ilaw sa buong mansyon pag gabi...kahit sa kwarto mo...dahil kahit nasa sinong Alter ang nasa katawan ngayon ni Young Master maliban kay Ryker...lalabas si Almide at malaking problema yun."dagdag ni butler Roger na kinatingin ko. "Mas delikado pag nasa labas kami at lumabas si Almide diba?base sa sa nabasa kong record...nagwawala si Almide nagiging bayolente din ito pag may lumalapi---" "Bibigyan kita mamaya ng injection at gamot na pampatulog...isa din sa reason bakit ikaw ang napili ni Lord Racer dahil sa black belter ka nung highschool mahahandle mo si Almide."putol ni ni butler Roger na kinakamot ko sa pisngi. "Pero hindi si Almide ang kailangan mong isipin ngayon...Ms.Monteveros."ani ni Butler Roger ng makalabas kami ng kwarto ni Almide at tumingin sa dulo ng hallway..kung nasaan ang pulang pintuan. Nang makalapit kami duon binuksan na yun ni butler Roger. "Bihira lumabas si Ryker...pero pag ito lumabas malaking gulo ang nangyayari at umaabot ng dalawa o tatlong araw bago ulit siya mawala...at yun naman yung reason bakit may mga bantay sa labas nitong mansyon."ani ni Butler Roger ng pagbukas ng pinto hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa sobrang dami ng painting sa loob ng kwarto. "Mahilig mag painting si Ryker?"tanong ko bago lapitan ang magagandang painting na nakasabit sa mga pader. Mas mukha pa itong art museum kaysa sa kwarto. "Pareho sila ni Young Master Trigger...kaya ang kwartong ito...kay Ryker at Young Master Trigger."sagot ni Butler Roger na kinatitigil ko. "Yung Trigger talaga ang patient ko diba...madalas ba siyang lumalab--." "Pag lumabas si Ryker...kasunod na si Young Master Trigger...pero depende yun sa mood ni Ryker."sagot ni butler Roger na kinatingin ko. "Nabanggit nga ni Doc.Ramos nung initerview niya yung dalawa sa Alter ni Mr.Griffin...tuwing gigising ang mga ito iba iba ang emosyon na nararamdaman nila...pero wala silang maalala kung bakit ganun ang pakiramdam nila."ani ko bago tingin ang painting na nasa ibabaw ng kama... mukha yung isang basement. "Sa tingin ko kumoconnect sila sa emosyon ng bawat isa ng hindi nila nalalaman...katulad ni Sunny...kinuwento niya kay Doc na naputol ang ulo ng hawak niyang barbie...nalungkot siya at natakot kaya lumabas si Swiss na lagi niyang iniisip na lahat yun kasalanan niya."ani ko na kinatango ni Butler Roger. "Yan din yung sinabi ni Doctor Ramos sakin."sagot ni Butler Roger bago kami lumabas ng kwarto. Kung oobserbahan ko ng mas mabuti ang mga alter ni Mr.Griffin malalaman ko ang reason kung bakit siya nagkakaganito. Katulad ng sinabi ni Doctor Ramos lahat ng sagot nasa Alters ng taong may DID. "Pero sana ganun lang kadali."bulong ko ng makita ko ang patient ko na nanakbo pababa hawak ang napakaraming laruan na kaliligpit ko lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD