Chapter 5

513 Words
Chapter 5 Levi's POV; "Kuha mo ako ng candy yaya."utos ni Mr.Griffin habang nakadapa sa sahig at parang batang nagkukulay gamit ang krayola. "Teka kukuha na ako."ani ko bago tumakbo sa kusina para kumuha ng candy na nasa drawer. Nang may madampot akong garapon napakunot ang noo ko ng may mabasa akong monday. "Yaya yung candy ko!"sigaw ni Mr.Griffin sa sala... dahil sa pagkataranta ko napatakbo ako palabas at binaba yung garapon sa harap ni Mr.Griffin na kinaangat niya ng tingin sakin. "Yan na yung Can---." "Aaaaahhhhh!hindi ito ang candy ko!"tili niya na kinalaki ng mata ko bago niya ako batuhin ng mga laruan niya na kinangiwi ko ng may tumamang stuff toy sa mukha ko. "Stupid!stup--." "Ms.Monteveros!"biglang sulpot ni Butler Roger habang may hawak na isa pang garapon at ipalit yun sa garapon na nasa harap ng bata. "Marshmallow."kumikinang ang matang sambit ni Mr.Griffin na kinatingin sakin ni Butler Roger. "May mga nakasulat na sa garapon Ms.Monteveros... kailangan mong tingnang mabuti...kung friday ngayon...friday ang hanapin mong garapon sa drawer dahil may schedule ang pagkain ni Sunny ng mga candy niya."ani ni Butler Roger na kinayuko ko. "Umakyat kana sa taas ako na muna bahala dito."utos ni Butler Roger na agad kong sinunod at tumaas ng kwarto "Mas mahirap pa talaga ito sa iniisip ko."bulong ko ng makita ko ang hiwa ko sa braso ng may ibato saking basag na laruan si Mr.Griffin. Nang makapasok ako sa kwarto ko pinatong ko na sa kama ko ang bag ko na may mga damit at ipasok sa isang drawer. "Buti na lang malambot ang kama at magara ang kwarto."komento ko ng makita ang kamang pang dalawang tao na. Nang maayos ko ang mga gamit ko at makaligo humiga na ako sa kama at tumingin sa kisame. "Makakaya ko ba ito?"bulong ko ng maalala ang mga sinabi ni Doctor Ramos. Flashback. "Mag iingat ka lang...dahil ang taong babantayan mo hindi basta may DID."ani ni Doctor Ramos. "Kaya kung ano mang malalaman mo o madidiscover mo mas mabuting itago mo...dahil pareho lang tayong mapapahamak."dagdag ni Doctor Ramos. "Kung anong kaya mong gawin...gawin mo hanggang sa makabalik si Roger."ani pa ni Doctor Ramos na kinatigil ko. "What do you mean Doc?...kaya niyo lang ba ako pinapapunta dun para lang bantayan at pansamantalang ihandle yung patient na may DID?"tanong ko na kinabuga ng hangin ni Doctor Ramos. "Honestly, oo Ms.Monteveros...ilang years ko ng hawak ang patient na yan...tumanda na lang ako pero kahit konti walang improvement...at hindi din basta alters ang mga yun dahil kumpara sa mga patients na nahawakan ko years ago..sila ang pinakabayolente kaya mag iingat ka."paalala ni Doc Ramos na kinalunok ko. "Kaya naiintindihan ko kung mag back out ka man... pero sana kung magbaback out ka gawin mo sa madaling panahon dahil mahihirapan ka pag nagtagal ka pa...lalo nat babae ka."dagdag ni Doctor Ramos na kahit hindi ko naintindihan tumango na lang ako. End of the flashback Makakaya ko ba talaga ito? Tanong ko bago iangat ang galos sa braso ko. 3rd Person's POV; "Bumalik na ako."bulong ng binata ng bumangon ito mula sa kamang punong puno ng stufftoys at tingnan ang sarili. "Mukha si Sunny ang huling gumamit ng katawan ko."bulong ng binata ng makita amg mga stuff toys at kulay dilaw na pantulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD