Two weeks na mula nang mag-umpisa sa training si Casey. Ngayon ay ang araw na kailangan nilang i-demo ang mga napag-aralan nila mula kay Ivina. Medyo kinakabahan ako para kay Casey dahil pinagbantaan siya ni Ivina noong mapikon ito kay Casey nang una silang magkita. Isa pa, hanggang ngayon ay balot pa rin ng benda ang kamay niya. Hinawakan ko ito at tinignan. Nagulat man si Casey ay hindi niya ito hinila pabalik. Hinayaan niya lamang akong pag-aralan ang kanyang kamay. "Practical exam n'yo ngayon. Kaya mo ba?" Nasa boses ko ang concern ngunit hindi ko na inisip pa kung sakaling iba ang maging dating niyon kay Casey. Marahan niyang hinila ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko at narinig ko na naman ang pamosong reaksyon niya kapag may sinasabi o tinatanong ako sa kanya. "Tss." Tinali

