Mabilis ang pagdaan ng mga araw. Tuluyan nang gumaling ang kanang kamay ni Casey dahil talagang binantayan ko ang panggagamot dito araw-araw kahi madalas ay kinaiinisan niya ang ginagawa ko. Nailalabas at nagagamit na rin ni Casey ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban at pagpapaputok ng iba't ibang klase ng baril. Magaling ang kaliwa niyang kamay sa pagbaril at mas lalong bihasa sa pagpapaputok ang kanan niya nang maghilom ang mga sugat nito. Pati ang paggamit ng mga nakamamatay na sandata gaya ng patalim at espada ay napag-aralan na rin niya. Magaling na talaga siya sa lahat. Magaling na magaling. Hindi ko inakalang aabutin lamang siya ng dalawang buwan sa pagti-training. She is surpsingly amazing. Nag-oopen up na rin siya at natuto nang ngumiti pero madalas pa rin siyang nakaismid. Ga

