Lumabas ako sa kuwarto ng gabing iyon. Pupunta ako sa baba ng building ng organisasyon para mag-swimming. May Olympic-size pool kasi sa likurang bahagi ng gusali ng Phoenix. Gusto kong mag-relax para mawala ang stress ko sa maghapong pag-iisip at pagpaplano tungkol sa tatlong buwan na training ni Casey. Nanakit kasi ang ulo ko hindi sa kung paano ko siya sisimulang i-train kundi sa kung paano ko siya mapapasunod sa mga trainings na kailangan niyang pagdaanan.
Sumakay ako sa elevator para bumaba sa ground floor. Nasa ikawalong palapag ang mga kuwarto ng mga lalaking recruits at members. Nasa ikasiyam naman ang para sa mga babae. Malaki at malawak ang aming building kaya tig-iisa ng kuwarto ang isang daang recruits at members ng Phoenix dito sa Chicago chapter. Para lang kaming nakatira sa hotel. Nasa ground floor ang reception area. Sa susunod na palapag ay ang mga opisina na siyang front namin sa gobyerno. Sumunod ay ang mga opisina ng mga group leaders gaya ni Amanda at training areas na kakailanganin ng mga assassins. Mayroon din kaming apat na laboratories at sariling ospital sa mga sumunod na palapag kung saan nagti-training din ang iba naming recruits. Bukod kasi sa pakikipaglaban gamit ang mga sandata gaya ng iba't ibang uri ng mga baril at patalim, sinasanay rin ang mga recruits ng first aid at basic operations na kaya nilang gawin. May mga binabayaran ang organisasyon na mga top-notched surgeons para sa training na ito. May sariling helipad din ang aming building na kayang pagkasiyahin ang sampung choppers.
Napasulyap ako sa aking wristwatch. Alas dos na ng madaling araw. 'Yung mga nasa reception na lang ang gising natitiyak ko. Tumungo na ako agad papuntang pool area nang makarating ako sa ground floor.
Nang makarating doon ay agad akong naghubad ng aking relo at lahat ng aking kasuotan maging ang aking panloob. Mas kumportable kasi ako kung wala akong kahit anong suot kapag lumalangoy. Wala naman akong dapat ipag-alala dahil ako na lang naman ang naririto.
Agad akong nag-dive sa tubig. Malamig ang tubig ng pool ngunit binalewala ko iyon. Na-relax ang isipan ko sa ginawa kong pabalik-balik na paglalangoy.
Tatlumpong minuto na ako sa tubig nang may maramdaman akong nanunuod sa akin habang nagpapahinga ako sa gilid ng pool. Inilibot ko ang aking paningin. A spark from a lighted cigarette flickered in the darkness. Nasa smoking area ang nagmamasid sa akin. Dali-dali akong umahon at isinuot ang mga hinubad kong damit. Alam kong hindi kalaban iyong taong nagmamasid dahil walang kalaban ang makakapasok rito na hindi bibigyan ng alarma ng mga naka-assign na taga-bantay. Ngunit kahit lalake o babae man ang naroroon at nagmamasid sa akin ay kailangan kong malaman kung sino iyon.
Nang maisuot ko na ang aking mga damit ay naglakad ako papunta ng smoking area habang pinupunasan ang basang buhok ko. Walang masyadong ilaw na bukas doon ngunit dahil sa reflection ng tubig mula sa pool ay unti-unti kong nakikita ang hubog ng katawan ng babaeng naninigarilyo roon. Umakyat ang aking tingin sa kanyang kulot na buhok.
Kulot? Hindi kaya...?
Nang makarating ako sa smoking area at agad na lumapit ako sa switch ng ilaw at pinindot iyon.
"Cassandra?"
Idinikdik niya ang baga ng sigarilyo sa lamesa at basta na lang itinapon ang upos nito sa kung saan. Iniangat niya ang kanyang ulo at nilingon ako. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa aking katawan. Bumakat ang muscles at abs ko sa aking manipis na tshirt kaya nakaramdam ako ng hindi maintindihang hiya. Damn, sinabi ko kanina na hindi ako dapat makaramdam ng hiya sa aking katawan kahit na kanino ngunit bakit nakakaramdam ako ng hiya kay Cassandra ngayon? Bakit kahit may tuwalyang nakatakip sa aking katawan ay tila nakikita niya ang balat ko?
"Madaling-araw na, ba't gising ka pa, Cassandra?" I tried not to snap at her.
I don't want to be at her bad side especially that she will begin her trainings with me tomorrow. Besides, what I was really planning was to be at her good side so that it wouldn't be hard for us during the training.
Saka lang niya inialis ang kanyang mga mata sa aking katawan at sinalubong ang aking mga mata nang marinig niya ang boses ko.
"Can't sleep," malamig niyang sagot sa akin.
Ibinaling niya ang kanyang ulo at itinuon sa pool ang kanyang paningin.
"Call me Casey, Yvon or whatever you want. Huwag mo lang akong tatawaging Cassandra."
Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa pool nang sabihin niya iyon sa akin.
"But Cassandra is a beautiful name," sabi ko habang patuloy siyang pinagmamasdan.
Umismid siya sa sinabi kong iyon. Nag-cross arms siya kaya napansin ko ulit ang kamay niyang nakabenda.
"What happened to your hand?" I asked her habang tinitignan ito.
Para akong nagsalita sa hangin dahil hindi siya sumasagot.
Wanting to piss her off dahil minsan ay iyon lang ang tanging paraan para sumagot siya, I started chanting her name.
"Cassandra, Cassandra, Cassandra."
I don't know why pero gusto ko siyang asarin. Ewan ko ba pero ginigising ng attitude niya ang mapang-inis na genes ko. Or I just wanted to have some revenger at her for making me feel uncomfortable a while ago.
"Ano ba?! I told you not to use that name on me! Asshole!"
Nanlalaki ang kanyang mga mata na asar na tumitig sa akin.
Asar na asar na siya, I could tell. Hindi ko napigilang mapahalakhak sa itsura niya. She's so cute kasi when she's pissed off.
"Are you now going to tell me ba't nakabenda 'yang kamay mo o uulit-ulitin kong isisigaw ang pangalan mo, Cassandra?" tumawa ulit ako na may halong pang-aasar then started shouting her name on top of my lungs.
"Fine!" pikon na talaga siya and I liked it. As if I won in a silent war happening between us.
"Stop laughing," muling utos niya.
Sumeryoso na ako. I tried to control the unplanned emotions that I was feeling at that moment dahil gusto ko talagang malaman kung napano ba talaga ang kamay niya.
Bumuntong-hininga muna siya at tinitigan ang kanyang kamay. Lumingon siya sa akin at sinabing,
"Isinuntok ko siya sa salamin ng banyo ko."
Hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya though I tried. Inubo ako sa pagpipigil kong matawa.
"Asshole."
She rolled her eyes at me.
"Alam na alam mo talaga iyong mga hindi kayang magreklamo sa pananakit mo, ano?" natatawa ko pa ring tanong.
"Would you rather have Amanda's face destroy my hand?" she sarcastically asked.
I laughed again. Masyado namang minamaliit ni Casey ang kapatid niya. Hindi na nito alam na Isa sa mgmagagaling na assassins ng organisasyon ang ate niya? Kaya nga ito ang napiling leader ng grupo namin dahil sa galing, lakas at abilidad nito kahit na ito ay isang babae.
"As what your sister had said, naririto ka na. Learn how to adapt here, Cassandra. Besides, your sister just wants what's best of you. Trust her," I tried convincing her but she just rolled her eyes at me again.
"Does she really want what's best for me if she wants me to kill people, Terrence?"
Hindi ko alam kung dahil sa tanong niya o dahil sa pagtawag niya sa aking pangalan ang rason kung bakit ako natigilan. Before I could talk again, she added,
"She wants me to be trained on how to kill yet forgot to teach me how to survive first," may halong pagdaramdam niyang saad na hindi nakaligtas sa pandinig ko.
"You're wrong, Cassandra. Your training won't just be centered at killing criminals. We will also train you how to save other people's lives... The innocents' lives," nagmamadali kong sagot sa kanya ngunit umiling siya sa akin.
"I was talking about the times when I was left all alone, Terrence. The times she has chosen to leave me alone."
Muli na naman akong natigilan sa sinabi niyang iyon.
"What do you mean she has chosen to leave you alone? Hindi ba at iyon naman ang gusto mo? Ang laging mapag-isa noon, Cassandra? Your sister tried to reach out to you when..."
"When I already learned how to survive on my own, Terrence."
Tuluyan na akong napipilan sa huling sinabi niya.
Bakit tila magkaiba ang bersiyon ng mga kuwento nila? Magkaiba naman dapat talaga pero bakit tila may bumubulong sa akin na ang bersiyon ni Cassandra ang dapat kong paniwalaan?
I've known Amanda for years but listening to Cassandra at this moment, why is it that it was her who's telling the truth and that Amanda lied? Damn, why am I doubting her now?
Sino ba talaga sa kanila ang nagsasabi ng totoo?
...
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit malayo ang agwat namin sa isa't isa? Ten years, Terrence. Ten years. Siya ang namulatan kong magulang. My parents? They were both busy making themselves rich. They come home just to fight, you know. Showing me who's stronger, who's more powerful and who's more manipulative between the both of them. Amanda was at the boarding school during those times. She was not a witness to those events."
I sat down beside her and just listened to her.
"When I was in first grade, my classmate took my pencil and started to bully me when I tried to get it back. I remembered how my dad slapped my mom hard and took something from her. I thought that if I did that, I will get what's mine back... And I did. I slapped the hell of that day boy."
Napangiti siya sa alaalang iyon at nangislap ang kanyang mga mata. Ngunit nakaramdam ako ng pagkabahala nang unti-unting mawala ang kislap ng mga iyon.
"My parents were called the next day and the principal told them what I did. And when we got home, my dad slapped me like the way he slapped my mom. My mom just watched as I fell on the floor crying. They started comparing me to my sister. They started telling me how to be like her - perfect and doesn't give them any problem. I started hating them that day, Terrence, and that started me becoming violent against others until they've decided to just make me stay at our house and have my teachers come to teach me."
Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy.
"When junior high came, I decided that enough is enough. I enrolled my self in a public school. Wala na silang magawa noon dahil malaki na ako. No slapping could've stopped me. I tried to make amends by becoming the top student of my class. But they never came to award me my medals. So I thought it was just useless to give them honor, you know. I wouldn't still be like my sister."
"Pero may magandang dulot din ang pag-aaral ko. I've met friends, my gang. I found a family who took care of each other, who were there for each other. They gave me the kind of family I was longing for. People judge them and discriminates them but what people didn't know was that, those people accepted and loved me as if the are family," patuloy niya dahil hindi mo magawang makapagsalita. I was busy absorbing every part of her story.
"I was already happy, Terrence. I was already contented with my life. I have a job, I have a family to whom I come home to. But then, they have to destroy it all because of Amanda's whims."
"They? Your parents?"
She nodded as an answer.
"Alam mong ayoko rito pero kailangan kong sundin ang parents ko nang pagbantaan nilang ipapahuli ang mga taong itinuring kong pamilya dahil sila ang nagturing sa akin bilang kapamilya nila. Ayokong i-manipulate nila ang buhay ko pero they didn't give me any damn choice. Nagawa nila akong pasukuin sa labang nagsimula na mula nang magkaisip ako. Would you believe na nagawa pa nilang utusan akong patunayan ko raw ang pagiging anak ko sa kanila? I didn't actually care kahit mawala sila dahil matagal naman na silang wala sa buhay ko. But they already got some of my friends imprisoned nang makipagmatigasan ako sa kanila. And the only thing that would take them out of jail is for me to be here," ngitngit niyang pagkukuwento.
"I made my own life happy, Terrence. Wala silang naiambag na kasiyahang iyon. Ang utang ko lang sa kanila ay noong buhayin nila ako sa mundong ito at ang pera nilang bumuhay sa akin noong hindi ko pa kayang buhayin ang sarili ko."
"I can't believe that such parents exist, Cassandra."
"Why would I lie?"
"To get sympathy," mahina kong sagot.
I regretted what I've said when I saw pain passed by her eyes.
"I'm sorry, Cassandra." I apologized because the guilt was eating my heart.
"Alam mo bang simula pagkabata ko'y hindi nila ako nasabihang mahal nila ako? Walang okasyon na nakasama ko sila at kung meron man, those were just for shows, for business purposes. Ni walang graduation ko ang pinuntahan nila. Kahit kailan ay hindi ko naramdamang may pamilya ako. Kung may mga panahon na nagkakausap kami? Meron naman. And it's just for them to tell me how different I am to the daughter that they adore. Lagi nila akong ikinukumpara kay Mandy. Lagi nilang sinasabi na gayahin ko si Mandy sa ganito o sa ganiyan. Wala na silang ibang alam sabihin kundi sana raw ay katulad ako ni Mandy. But I'm not Mandy. I'm not my sister. Sana hindi na lang nila ako binuhay kung hindi naman nila ako kayang mabalin gaya ng pagmamahal na meron sila para kay Amanda."
Matagal ang katahimikang bumalot sa amin. Napatingin na rin ako sa pool dahil naaapektuhan niya na ako sa mga sinasabi niya. My heart breaks for her. Hindi ko kayang patuloy na pagmasdan ang mukha niyang puno ng pait. Gusto ko siyang ikulong ng yakap at sabihing pwede siyang umiyak sa balikat ko pero wala akong lakas ng loob na gawin 'yun. Besides, kahit anong lungkot ang nakikita ko sa mukha niya kanina, she didn't let any of her tears fall.
"Sorry. Maybe I just want to have someone to listen to me. Nawalan na kasi ako niyon when my parents forced me to come here," I heard her whisper.
Mas matagal na katahimikan ang namayani sa aming dalawa pagkatapos niyang mag-apologize. May tanong na pabalik-balik sa aking isipan at alam kong kailangan ko ang sagot ni Casey. Nilngon ko siya. Wala na ang mga bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. Wala na rin akong mabasang anuman. Blangko na ang kanyang mukha.
"Cassandra, are you adopted?" mahina kong tanong ngunit alam kong narinig niya iyon.
Pumikit siya nang mariin sa tanong ko. Nang magmulat siya ng mga mata ay ngumiti siya nang malungkot sa akin na pakiramdam ko'y may kumurot sa dibdib ko. Tumayo siya at naglakad palayo na hindi sinasagot ang tanong ko. Tumayo na rin ako at sumunod na lamang ako sa kanya. Malapit na kami sa pasukan ng building nang tumigil siya sa paglalakad. Napahinto rin ako at napatingin sa kanyang likuran. Concentrated kasi ako sa pagsunod sa kanya kaya muntik ko nang 'di mamalayan ang pagtigil niya. Nagulat ako nang bigla siyang magsalita.
"Kung may ampon man sa aming dalawa ni Amanda ay sinisigurado ko sa'yo na ... Hindi ako iyon."
At diretso na siyang pumasok sa loob pagkatapos sabihin iyon. Napasinghap ako sa aking narinig. Nasemento ang mga paa ko. Hindi ko na siya nagawa pang sundan.
And my heart, my damned heart cried for her even more.