Nakatitig lang ako kay Amanda. Paulit-ulit na bumabalik-balik sa isipan ko ang mga detalye tungkol kay Casey na ikinuwento niya kanina. I just got back some hours ago at dito ako dumiretso sa kanya.
She looked at me with shock and amazement in her eyes. Shock maybe because this is the first time again na nakita niya akong bugbog. I am one of the best fighters in the organization at hindi ako basta-basta napapatumba ng mga kalaban ko. Kaya marahil ay nagulat siya na napatumba ako ng mga gangsters na kaibigan ng kapatid niya.
She's probably amazed na hindi nila ako tuluyang pinatay dahil nga threat ako kay Casey.
Going back to her story, I slowly understood why Casey was aloof and why she somewhat hates her sister.
Walong taon ang pagitan nilang magkapatid. Ayon kay Amanda, siya ang paborito ng mga magulang at si Casey ang black sheep ng pamilya. Wala na raw itong alam gawin kung hindi ang gumawa ng trouble kahit babae ito. Palaging sakit ng ulo at sama ng loob ang ibinibigay nito sa mga magulang. Wala na raw itong ginawang tama sa mga mata nila.
Kung si Amanda ay nagtapos magmula grade school hanggang college na kasama sa Top 10 ng klase nito, si Casey naman ay nakatatlong lipat ng paaralan at nagtapos sa home school para lamang matapos ng grade school dahil na rin sa rekomendasyon ng mga principals sa mga pinanggalingan nitong paaralan. Mas madalas pa nga raw itong mass Principal's office kesa sa mga klase nito. Kung hindi raw mga estudyante ang binu-bully ni Casey, ang mga teachers naman daw nito ang nakakatikim ng kapilyahan nito.
Bata pa lamang daw ito ay nakikipag-basag ulo na. Palagi daw umuuwing may mga pasa at sugat si Casey noon. Karaniwang mas nakatatanda sa kanya ang mga nakakalaban niya. Napagtutulungan na, lumalaban pa rin. That probably explains why sanay itong makipagbasag-ulo. Sanay itong makisama sa mga taong lansangan.
Lumaki siyang matigas ang ulo. Pati ang mga magulang daw nila ay suko sa katigasan nito. Kahit palagi itong pinapagalitan ay uulit-ulitin pa rin nito ang masasamang gawain. Kung nagbibisyo ito, hindi na raw sila mabibigla.
I asked Amanda tungkol sa sinabi ni Casey na pagiging anino lamang niya sa nakatatanda niyang kapatid na paulit-ulit niyang nababanggit nang magkausap kami.
"Most probably because lagi kami pinagkukumpara ng mga parents namin, Terrence. Alam mo na, ako 'yung puti at siya 'yung itim. Gusto ng parents namin na sundan ni Casey ang mga yapak ko o kung maaari ay higitan pa. Nagawa naman niya iyon noong grumaduate siya ng high school. She was accelerated from Grade 9 to Senior high school and graduated as Class Valedictorian. Nasaksihan mo iyon."
"We were never close as siblings. Though I tried to act as a loving sister as much as I can sa tuwing magkasama kami, she just coldly pushed me away. Ang hirap niyang pasukin at ang hirap niyang pakisamahan. Wala akong maramdaman mula sa kanya kundi pure coldness. Pure hatred. Would you believe I even tried hurting her para lang mailabas niya 'yung issues niya towards me? It was wrong to use that strategy with her but I was forced to do it hoping against hope that I'll get more reactions from her. I was waiting for her to burst out, to give what I wanted to have. I slapped her hard Terrence, when she was just fourteen nang umuwi siya ng madaling araw. Hindi siya gumanti. Ni hindi niya tinangkang sumbatan ako sa pananakit sa kanya o magbigay man lang ng rason kung bakit late siyang nakauwi. Would you believe na wala ni isang luha na pumatak sa kanya pagkatapos ko siyang saktan at pagsalitaan ng masasama? All she did was coldly stare at me which brought tension down my spine. Sumuko ako sa kanya ng araw na iyon, Terrence, gaya ng pagsuko ng mga magulang namin sa kanya. Isa pa, naging abala na ako rito sa Phoenix kaya hindi ko na nasusundan pa kung anong ginagawa niya sa buhay. I just heard from our parents na umalis siya after her graduation that we attended dala ang kotse niya at ang perang Nakatani ng parents namin."
Mahaba ang sinabi ni Amanda na pagpapaliwanag upang lalo kong makilala ang kanyang kapatid and I concluded na mahihirapan talaga ang kahit na sino para kumbinsihin ang kapatid niya na pumasok sa organisasyon lalo na at ang rason ay ang kapatid niya na kinamumuhian niya. Hindi man niya iyon direktang sinabi ngunit iyon ang pinapatunguhan ng mga kilos at salita niya.
"Why don't we just take one recruit to train as your replacement, Mandy? At least, konting training na lang ang kailangan upang makapasok ito sa team natin. Kung ang kapatid mo ang aasahan natin ay baka mas mahihirapan pa tayo."
I tried convincing her pero sa loob ko'y may maliliit na boses na tumatanggi sa suggestion ko. And I don't know why.
"No, Terrence. I want her to be my replacement sa grupo. She is very qualified. Matigas ang ulo niya but I believe nag-mature na siya. Look at her achievements, Renz. Ang mga ito ang magsasabing hindi siya basta-bastang tao and a girl at that. All she needs is a training in self-defense and in shooting guns. With your guidance, I know you can turn her into a top assassin in just three months. Please do this favor for me, Renz. Please? Besides, who knows baka ang pagpasok pa niya sa Phoenix ang umayos sa relationship naming magkapatid."
Her eyes are pleading at me. Alam kong alam niyang hindi ko na siya matatanggihan kapag tinawag niya na ako sa palayaw ko at ginagamitan ako ng mga mata niyang nakikiusap. Huminga ako nang malalim.
"Okay. Fine. I'll go back to Los Angeles as soon as I can to try convincing her again," sumuko na ako sa pakiusap ni Amanda.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at kumislap ang kanyang mga mata sa ginawa kong muling pagbibigay sa kahilingan niya.
"Thank you, Renz! You really are the best!" She gratefully said.
Alam kong masaya siya sa naging desisyon ko ngunit 'di ko maitatanggi na may bahagi rin akong sumaya sa desisyon kong balikan at muling kumbinsihin lalo na ang i-train si Casey at makasama siya rito sa Phoenix. I don't know why I felt excited. Maybe because I was challenged. Maybe because I wanted to impress Amanda.
"But how can we convince her?" I asked her.
I'm really curious kung paano namin mapapapayag si Casey na pumasok sa Phoenix gayung matigas ang pagtanggi niya nang magkausap kami.
"Ako na ang gagawa ng paraan," Amanda said. "Alam ko kung anong paraan ang gagamitin ko para siya mismo ang pumunta rito at maging member ng Phoenix."
She was serious when she said that. Magaling mangumbinsi si Amanda kaya alam kong makakagawa siya ng paraan but I was quite doubtful. Kung ako nga ay hindi siya nagawang kumbinsihin, si Amanda pa kaya?
"Relax," she smiled with a mystery in her eyes.
Hindi na ako nangulit pa. I trust Amanda's ways and I know she'll find a way.
"Then, hindi na ako bibiyahe pa. I'll just wait for her to come here Gaya nga ng sinabi mo."
Tumayo na ako para umalis. Malapit na ako sa pintuan ng opisina niya nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Muli akong lumingon sa kanya.
"Just promise me one thing, Renz."
Sinabi niya 'yun na nakatingin sa aking mga mata. Tinignan ko siya ng may pagtatanong sa mga mata.
"Promise me not to fall in love with Cassandra." she firmly said. Matagal bago ko natagpuan ang aking boses. Pagkatapos ay magawa ako.
"Of course, Mandy. I will never, ever fall in love with your sister because you know who I am in love with. Besides, hindi ako pumapatol sa bata," I finally answered.
"I'll hold on to that, Terrence."
She smiled and I smiled back at her.
"There's no need for you to get jealous, Mandy," pagbibiro ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas.
Me? Fall in love with Cassandra?
No f*****g way.
....
Nakaupo kaming lahat dito sa loob ng conference hall. Kasama namin ang mga members ng aming grupo rito Phoenix.
One week ang dumaan bago ibinalita sa akin ni Amanda na paparating na ang kapatid niya. I admit, I was really surprised. I experienced my self kung gaano kadeterminado si Cassandra na hindi sumama sa akin upang maging miyembro ng Phoenix kaya hindi ko maisip kung anong paraan ang ginawa ni Amanda upang makumbinsi ang kapatid. I have ideas playing on my mind but I want to confirm it myself once Casey arrives.
And now, here we are. Ipinatawag kaming lahat dito para sa pagpapakilala dahil paparating na raw siya. I was wondering kung ano ang pinaplano ni Amanda para sa kapatid at kinakailangan pa itong i-grand welcome ng mga members ng grupo namin. Nevertheless, hindi ko maitatanging nakakaramdam ako ng excitement sa muli naming pagkikita ni Casey.
Napatingin ang lahat nang pabagsak na bumukas ang pintuan at pumasok ang galit na si Casey kasunod ang apat na recruits. Naglakad ito nang mabilis patungo kay Amanda na hindi napapansin ang mga tingin ng mga taong naghihintay sa kanyang pagdating. Ngunit napatigil siya sa mabilis na paglalakad nang makitang nakaupo ang kapatid sa isang wheelchair.
"So you finally arrived. How's your flight, Casey?"
Amanda welcomed her with a warm smile but Casey remained studying her. Kami namang nakasasaksi sa pagkikita ng magkapatid pagkalipas ng halos tatlong taon ay tahimik lamang.
Casey's eyes were trying to read her sister's face. He face showed anger, too much anger actually na tila ba gusto niyang saktan ang kapatid at ang pumipigil lang sa kanya ay ang kaalamang hindi ito makalalaban nang patas dahil nakakulong ito sa wheelchair.
But still, I prepared. Handa akong mamagitan sa kanila kung sakaling may hindi magandang ikikilos si Casey. She's something... Unpredictable.
Tumawa nang marahan si Amanda nang mag-iwas ng tingin si Casey sa kanya.
"Why don't you sit down and stop embarrasing your self in front of other people, Casey?"
Itinuro ni Amanda ang bakanteng silya sa tapat ko.
Napatingin si Casey sa akin pagkatapos niyang umismid sa kapatid. Kitang-kita ko ang nag-aapoy niyang mga mata pero napilitan siyang umupo na may kasamang dabog nang titigan ko siya. Maybe she already realized na wala siyang laban sa aming lahat kung sakaling magkakapisikalan ngayong mga oras na ito.
"Manipulative b***h," she uttered na narinig ng lahat.
Napailing na lamang kami nina Julie at Marc sa kanya.
Napatingin ako nang ipatong niya ang kanyang kanang kamay na nababalutan ng benda sa lamesa. Tinignan ko siya nang may pagtatanong kung napano ang kanyang kamay pero umismid lang siya sakin.
Nagsimula ang meeting. Napag-usapan ang huling misyon ng grupo na naging matagumpay naman pati na rin ang mga naging pagkukulang ng ilan sa amin. Nagbigay ng suhestiyon ang iba sa amin upang maiwasan na ang mga pagkakamaling iyon sa susunod naming misyon.
Casey seemed to relax a bit pretending she wasn't listening but she was dahil napapaismid siya sa mga suhestiyon na naririnig niya. When it was time for Amanda to tell the group about her as our new member, nakita kong nagkatensiyon ang mga balikat niya. When she was asked to greet everyone, hindi siya tumayo para magpakilala. She suddenly became interested sa isang painting na nakakabit sa isang sulok ng kuwarto. Nobody talked about her attitude because we all know that she was just forced by her sister to join us. Iniba na lang ni Amanda ang topic at inalis na ang atensiyon ng lahat sa kanyang kapatid.
Sa buong oras na iyon ay nakatingin lamang ako kay Casey. Pinag-aaralan siya. I was amused with the different emotions passing her pretty face.
Yes, she's really pretty I'll admit to that. Hindi pa kasing ganda ni Amanda but I'm sure that when she reaches Amanda's age, she'll be more beautiful than her sister. Mas maganda, mas makamandag.
Amanda said something that caught my attention. It was the training Casey has to go through and me being her Trainer. Sa puntong iyon ay tumitig sa akin si Casey na may paghahamon sa kanyang mga mata. Tumitig rin ako sa kanya, silently telling her that I am accepting the challenge. I showed her that I won't be intimidated by what had happened before and what would happen in the future. She smirked at me when she saw how determined I am in doing my task of preparing her to be an assassin.
Natapos ang meeting na ang buong atensyon ko ay na kay Casey. Naaalala ko ang ipinangako kong pahihirapan ko siya nung kinausap ako ni Amanda tungkol sa pagpasok niya sa Phoenix habang pinapanuod ko ang pag-ismid niya. Ngayon nakaharap ko na siyang muli ay pinagduduhan ko na ang sinabi kong iyon dahil mukhang ako ang papahirapan niya sa pagti-train sa kanya.
Nagtayuan na ang ibang leaders at umalis na. Naiwan kaming lima. Pinaglipat-lipat nina Julie at Marc ang kanila mga mata sa magkapatid.
"So what now, Mandy? Uumpisahan ko na ba ang pagte-training bilang isang mamamatay-tao?" pang-uuyam ni Casey sa kapatid.
"Andito ka na kaya ibig sabihin pumapayag ka ng maging isang mamamatay-tao, Casey. At dahil member ka na ng grupo ko, you have no choice but to follow my orders. You have no escape, Casey."
Binalewala ni Amanda ang nagbabagang tingin ng kapatid na ibinigay nito sa kanya pagkatapos nitong marinig ang ipinahayag niya.
"Julie will accompany you to your room and will tell you things you need to know about OUR organization. Ilibot mo na rin siya sa buong building para 'di siya mawala, Julie," madiin ang pagbikas ni Amanda as our team leader para mas lalong maidikdik sa isip ni Casey na member na talaga siya ng Phoenix at leader niya ang kinamumuhiang kapatid.
"Lets go, Casey." nakangiting sabi ni Julie at inilahad pa ang palad.
Ngunit tinitigan lang iyon ng mas nakababatang babae.Marahas na tumayo si Casey at nilingon si Amanda.
"I'll give you hell, Mandy. Mark my words," mahina ngunit madiing bigkas nito bago tumayo at nagpauna nang lumabas sa conference room.
Napailing na lamang muli sina Julie at Marc at sinundan na ito palabas. Tumingin ako kay Amanda at naghintay sa iuutos niya.
"Let her rest for today, Terrence. Mukhang masama pa ang lagay ng kanyang kamay. Just start the training tomorrow. Now, help me go to my office, please?" nakangiti niyang utos sakin.
Tumango na lamang ako at itinulak ang kanyang wheelchair palabas ng kuwarto.
"My sister would be a big headache to us especially to you, Terrence. Handa ka na ba?" she asked habang itinutulak ko ang wheelchair niya papunta sa opisina niya.
"I am always ready, Mandy. Sabihin na lang natin na isa siyang mahalagang misyon na kailangan kong pag-aralan at trabahuin. But will you care to share how you made her come here?"
Napatawa si Amanda sa sinabi kong iyon.
"I had to pull some strings, Terrence. Some strings that would hurt her most. I know it will make her hate me more but it's my last straw and I am glad I succeeded. My only regret was hurting my little sister even more."
May pagsisisi sa boses niya at alam kong sinsero siya sa sinabi niya. Sabi nga niya ay huling Barsha na niya iyon upang mapasuko ang kapatid niya.
"She'll realize soon that you just want what's best for her, Mandy. Matatanggap rin ni Casey ang lahat kapag nakikita niya ang totoong rason kung bakit tayo nasa ganitong klase ng trabaho."
Amanda sighed with what I've said.
"I hope so, Renz. And I wished that it would be sooner than later.
I actually silently wished for it, too.