Wala na akong nagawa kundi sundan siya ng tingin. Nagpalakpakan naman ang mga customers nang makita siyang umakyat sa stage at kausapin saglit ang bandang tumutugtog.
Naghiyawan ang mga tao nang kunin niya ang mic at sabihing, "This will be my last piece for tonight."
Nagsimula ang piyesa sa saliw ng banda. Tumahimik ang lahat nang umpisahan na ni Casey ang pagkanta. Kanta iyon ni Britney Spears na binigyan niya ng sarili niyang estilo. Of course I know who Spears is. Minsan na rin nitong kinuha ang serbisyo ng Phoenix.
There's a girl in my mirror, I wonder who she is
Sometimes I think I know her, sometimes I really wish I did
There's a story in her eyes
Lullabies and sad goodbyes
When she's looking back at me
I can tell her heart is broken easily
Nagtayuan ang mga balahibo ko nang muling marinig ang kanyang malamyos na tinig. Nakapikit siya habang kumakanta, nakakalat ang kulot niyang buhok sa kanyang mukha. Her picture as she sings is definitely breathtaking. And the moment was so magical. Walang nagsasalita. Walang gumagalaw. Maaaring takot ang lahat na kapag nakagawa sila ng ingay ay mawala na lang bigla si Casey sa kanilang harapan. Lahat kami ay nakatingin sa kanyang pagkanta at sa pagsabay ng kanyang katawan sa musika.
’Cause the girl in my mirror is crying here tonight
And there's nothing I can tell her to make her feel alright
Maemosyon ang kanyang boses. Malamyos ngunit dama mo ang sakit at pait na kanyang kinikimkim at pilit na itinatago ng kanyang pakikitungo sa mga tao sa kanyang paligid.
I can't believe it's what I see
That the girl in the mirror, the girl in the mirror... is me
Oh, it's me...
Nanunuot ang boses niya. May ginigising itong damdamin sa akin na hindi ko mabigyan ng tamang mga salita. Gusto ng katawan kong takbuhin siya sa kanyang kinalalagyan at ikulong siya ng aking yakap ngunit nanaig ang utak ko kaya hindi ko iyon ginawa. Tahimik pa rin ang mga tao. Dalang-dala sila sa emosyon ng pagkanta ni Casey. Saka lang sumabog ang malakas na palakpakan nang pababa na siya ng stage. Marami ang tumayo habang pumapalakpak. May mga sumigaw pa ng "More, more." pero tila wala na siyang narinig. Dire-diretso siya sa backdoor ng club.
Tinangka ko siyang habulin ngunit hinarang na ako ng tatlong bouncer bago ko pa mabuksan ang pintuan. Wala na akong nagawa pa. Ayoko namang magkagulo dahil sa paghabol sa kanya. Napahinga na lang ako nang malalim at lumabas na ng club hindi para bumalik sa sasakyan ko kundi upang humanap ng daan papunta sa direksiyong tinungo ni Casey kanina. Mabilis ko naman iyong tinahak at ilang saglit pa ay nasulyapan ko na ang likuran niya. I followed her and I was planning of talking to her again and once again convince her to join us. Alerto rin ako sa mga taong nadaraanan ni Casey na sinusundan siya ng tingin sa kanyang pagdaan.
What the hell is wrong with her? Hindi ba niya alam na delikado para sa isang katulad niya ang maglakad sa gitna ng kalsada na nag-iisa lalo at malapit na ang hating-gabi? At oo, sabihin na nating kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya ngunit ano ang magagawa niya sa grupo ng kalalakihang tila natatakam sa ginagawa nilang pagsunod ng tingin sa kanya.
Lalo akong napuno ng pag-aalala nang pumasok siya sa isang eskinita. Minadali ko ang pagsunod sa kanya para lang matigilan nang nasa harapan na ako ng eskinitang pinasok niya.
Napakadilim ng eskinitang iyon! My mind was panicking now. Paano kung sa paglalakad ni Casey sy may nanghila na sa kanya at ginawan na siya ng karumal-dumal na krimen? Paano ko siya maililigtas kung hindi ko alam kung saan siya dinala ng taong kumuha sa kanya?
Halos tumatakbo na ako sa gitna ng dilim nang walang anu-ano ay biglang nagliwanag sa harapan ko. Awtomatikong naitakip ko ang braso ko sa mga mata ko.
Nang lumamlam na ang liwanag sa tapat ng mukha ko ay ibinaba ko na ang kamay ko. And what I saw made me frozen at my feet.
In front of me are bunch of big men who were holding baseball bats. They are definitely a street gang and in front of them is no other than the person I was so worried about.
"Matigas rin pala ang ulo mo, Terrence Kim!" she mocked me.
The guys who were as if guarding her were all smirking at me.
"I came to talk to you, Casey. I don't want to deal with those bastards!" matigas kong sagot sa kanya but as what I've expected her to do, she just grinned at me.
"These bastards could bring your head at my feet, Terrence. All I need to do is say it," pagyayabang niya.
"Then say it, Cassandra," paghahamon ko sa kanya.
Ilang sandaling nagsalubong ang aming mga mata. Pareho kaming may gustong patunayan sa isa't isa.
She wanted to prove that I can't take her with me and I, on the other hand wanted to prove that I'll face anything to being her to her sister.
"Do it," she commanded.
At iyon lang ang hinihintay ng mga kasama niya.
Sumugod sila nang sabay-sabay sa akin. I used my skills to fight them off. Ilang oras din na nakipaglaban ako sa kanila. Suntok, sipa at iwas ngunit may mga pagkakataon na kahit anong pagtatangka kong umiwas ay maraming pagkakataon rin na tumatama ang mga palo nila Lalo na kung magkakasunod nilang ginawa iyon.
Hindi ko naiwasan ang mapalatak nang magkakasunod na suntok, sipa at hataw ng baseball bat ang sinalo ng katawan ko. A realization was screaming in my mind. These were not ordinary gangsters because they could fight me well. Ilang beses na akong natamaan ng mga baseball bat na gamit nila and they f*****g know where to hurt me most. Ilang beses akong napalugmok sa lupa. Ilang beses rin akong bumangon para lang muling mapaluhod, mapahinga o kaya ay gumulong sa kalsada. I could use my gun but that would just bring me more trouble. I saw some of them keeping some guns themselves as well. Hindi lang nila ito ginagamit sa akin dahil na rin siguro sa utos ni Cassandra.
There were too many of them at nag-iisa lamang ako. There's just too much force and anger from them. They knew I was a threat to Casey that's why they were showing me how strong and aggressive they were to warn me if I'll force my way to her.
Putok na ang isang kilay ko at nagdurugo na rin ang gilid ng mga labi ko dahil sa hindi mabilang na suntok na hindi ko naiwasan at tumama sa mukha ko. Bugbog na rin ang katawan ko sa halos ilang oras na pakikipaglaban. Sa isang pagbagsak ay hindi na ako nakatayo pa.
Naubos na ang lahat ng lakas ko. I was bleeding and my body hurts all over.
Napatingala ako nang isang pares ng binti ang tumigil sa aking harapan. I know to whom they belong. Itinitig ko ang mga nagbabaga kong mga mata sa kanya nang umupo siya sa harapan ko. Ngunit hindi gaya ng inaasahan ko, she was not mocking me. She was not smiling and her eyes had sorrow in them. They were telling me na hindi niya rin gusto ang nakikita niyang kalagayan ko ngayon. Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa mga mata ko.
"If it always have to be like this, it will happen again and again, Terrence, until Amanda realizes that she can't manipulate my life anymore."
"She only wants what's best for you, Casey!" hindi ko napigilang sagutin siya.
"And what's best for me, Terrence? Be a killer like her? Like you? And like all those others who are under your organization? Is that what's best for me?"
"We don't kill for pleasure, Cassandra! We eliminate those people who make this world like hell!" pagtatanggol ko sa trabaho ko.
"I don't want to be like you, Terrence. Why is it so hard for you and Amanda to accept that?" hindi makapaniwalang tanong niya dahil alam Kong kitang-kita naman niya ang determinasyon kong dalhin siya sa Phoenix.
"You don't want to kill and you mock our work but look at that kind of s**t group you belong to, Cassandra. They will have you killed soon. What difference would it make?" panunuya ko sa grupong kinabibilangan niya.
"I might be killed or I might kill but at least it was because of my own freewill. That's the difference that it would make," huling sinabi niya bago siya tumayo.
Natigilan naman ako. She's right. She's damn right. Mamatay man siya o mapahamak kasama ang grupo niya at least ay kagustuhan niya iyon. It's Casey's freewill. Iyon ang hindi kayang kunin sa kanya ng kapatid niya.
"Bring him back at the club."
Narinig ko ang ipinag-utos niya bago siya tuluyang lumayo kasama ang ilan sa mga kalalakihang nakipaglaban sa akin. Wala na akong nagawa nang pagtulungan akong buhatin ng mga naiwang kalalakihan palabas sa eskinitang iyon at gaya ng ipinag-utos ni Cassandra ay dinala nila ako pabalik sa club. Puwersahan nila akong isinakay sa isang kotseng naghihintay at ilang saglit lang ay kinakaladkad na nila ako papasok sa club na wala ng mga customers.
Kaagad naman akong inaasikaso ng mga nadatnan naming bouncers. Narinig ko mula sa naging pag-uusap na naibilin na pala ako ni Cassandra sa kanila. Napailing na lamang ako sa aking sarili habang nakahiga ako sa munting silid na inihanda nila para sa akin. Dito na ako magpapalipas ng magdamag upang makabawi ng lakas at makaalis na kinabukasan. I realized that Cassandra was not that heartless to leave me bleeding in the street. She wasn't that heartless to have me killed by her friends which they could have easily done. She was just making a point and it was definitely taken.
Uuwi ako pabalik sa Phoenix bukas at ipapaalam kay Amanda ang desisyon ng kapatid niya.