AVEL Sobrang lapad ng ngiti ko habang nakatingin ako kay Aerith. Kitang kita naman kasi sa mukha niya na hindi siya nagsisinungaling. Alam kong talagang nasarapan siya sa gawa kong pagkain. Kitang kita naman sa mukha ng dalaga kung paano ito nasarapan. "Ayos ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Halos mapanganga ang dalaga. "Ayos? Anong maayos? Sobrang sarap, Avel! Grabe, ngayon lang ako nakakain ng ganito. Ano ang tawag sa ganito sa mundo niyo?" Manghang mangha na tanong nito. Natutuwa ako sa kainosentihan niya. Napakacute. Kala ko noon, ang mga tulad na babae ni Aerith ay 'yung matatawag na pabebe. Pero hindi. Hindi pabebe ang matatawag ko sa kanya. Siya 'yung tipo na kahit mukhang sosyalera ay hindi nakakainis. Parang hindi mo kakayanin na mainis sa isang prinsesang katulad nito.

