AVEL Liiteral na nakita ko ang pagnganga ni Aerith sa nakikita. Napangiti ako. Kahit hindi na nito sabihin ay malinaw na malinaw pa sa sikat ng araw na gustong gusto nito ang hinanda kong “date” para rito. Nagsimulang tumugtog ang mga ilang kalalakihan At tulad nga ng sabi ng mga ito. Marunong nga ang mga ito tumugtog ng instrumento. Ang ibang kababaihan naman ay nilapitan kami at para yayain doon sa upuan. Wala na ngang nagawa pa ang babae kundi ang magpaakay. Nakikita ko pa ang pagpula ng mukha nito ngayon. Nang makaupo kami nang magkaharap ay hindi na naitago pa ng dalaga ang itsura sa akin. “A-Anong ibig sabihin nito, Avel?” Hindi ko siya pinansin at nginitian ito. “Nagustuhan mo ba ang paghahanda ko, Aerith?” Tinitigan niya ako sa mukha at nang mapagtanto nitong gusto ko munang

