AERITH Bigla akong nainis kay Avel sa hindi ko malamang dahilan. Naiinis ako kung bakit kailangan niya akong ipagtabuyan. Napakalamig ng mga mata nito at halos hindi sumasayad sa akin. Tinataboy niya ba ako kasi naiiinis siyang makita ako sa ganitong itsura? Hindi lingid sa kaalaman ko na maraming mga kalalakihan ditto sa Ereve ang naghahangad na mapansin ko. Na mabigyan ko ng atensyon. Maraming gustong makuha ang pag-ibig ko. At ni isa sa mga ito ay walang pumukaw sa atensyon ko. Maraming mga nagwa-gwapuhang lalaki rito na higit na mas maitsura pa kay Avel. Pero lahat ng mga ito ay walang dating sa akin. Tanging isang tao lang naman ang nakapagpabigay sa akin ng kakaibang damdamin eh. Si Avel. Ito lamang ang nagiisang lalaki na kumuha ng atensyon ko. Ang lakas ng dating niya sa akin. I

