AVEL Nagising ako ng medaling araw na parang uhaw na uhaw. Tuyot na tuyot ang pakiramdam ng lalamunan ko. Samantalang hindi naman mainit ang panahon at bago naman ako natulog ay uminom ako ng tubig. Malamig pa nga ang tubig kagabi, pero bakit ngayon ay parang ang dry masyado ng lalamunan ko? Pinilit kong matulog ulit, pero nanunuyot na talaga masyado ang lalamunan ko. Kaya naman kahit tamad na tamad ako bumaba, pinilit ko na lang bumangon dahil kung hindi, baka hindi rin ako makatulog o kung makatulog man baka anong oras na. Paglabas ko ng kwarto ay may ilaw pa sa pasilyo kaya naman hindi naman ako natatakot na baka may multo o kung ano. At tingin ko, impossible ‘yon sa lugar na ito. Napakatahimik ng paligid at wala kang ibang maririnig kundi ang yabag lang ng tsinelas ko. Pagbaba ko a

