Nangingiting nakatingin lamang si Amoria sa malayo. Kitang-kita niya ang closeness ng kanyang anak na si Aerith at si Avel. Nakakapagtakang ang anak niya ay mahiyain, lalo na sa mga lalaki, kaya naman laking gulat niya nang makitang sobrang lapit ni Aerith kay Avel. Hindi naman siya nababahala, dahil alam niyang matino at maayos na lalaki si Avel. Malaki ang tiwala nila rito at mas lalong malaki ang utang na loob nila sa binata. "Ano 'yang ngiti na 'yan, Amoria?" untag ni Alcaster. "Wala naman, Natutuwa lang ako. Kasi hindi ko akalain na magkakaroon ng kaibigan na lalaki si Aerith," sambit niya. Nagkunot ang noo ni Alcaster. "Bakit? Hindi ba niya kaibigan ang mga ibang kawal? Ang mga lalaking kasambahay natin? Ang mga tagabantay?" Nairip ni Amoria ang mga mata sa ere. "Hindi 'yon ang

