Kabanata 23

1023 Words
AVEL Wala na ngang nagawa si Aerith kundi kunin ang binibigay ko sa kanya. "Hindi ka rin makulit 'no?" ani nito. I chuckled. "Ang pangit naman kasi kumain tapos ako lang mag-isa," sabi ko habang ngumunguya. Nang matikman ko ang lasa ng sandwich ay nanglaki ang mga mata ko. "Ang sarap naman nito!" Mukhang natuwa naman siya sa sinabi ko. Naging magana na rin ito sa pagkain at tuloy ang kwentuhan namin. May nakikita kaming mga kadalagahan, at ang iba'y may mga kasamang bata na nakatingin sa aming direksyon. Ang iba ay kumaway, kaya kumaway na rin ako. "Hindi ba't siya ang lalaki sa propesiya?" narinig kong tanong ng isang babae sa kasama nito. "Siya nga at wala nang iba pa," "Hindi ko alam na close sila ng prinsesa. Hindi ba't minsan na minsan lang kung makipagusap siya?" Natigilan ako sa narinig ko. Talaga ba? "Oo nga. Mahiyain kasi masyado ang prinsesa kaya ganoon," "Eh bakit sa lalaki sa propesiya mukhang close naman sila?" "Naku, s'yempre naman. Alangan namang sungitan niya 'yan. Tayo na nga ang ililigtas eh. Siya ang lalaki sa propesiya kaya naman malamang ay dapat natin isyang pakitaan ng mabuti," rason ng isa. Napakamot na lang tuloy sa ulo ang isang dalaga. Niyakag na ito ng kasama. Bigla ay parang nalungkot ako. Hindi ko alam ang gagawin at iisipin ko. So, kung ganoon, kaya lang pala nakikipagusap sa akin si Aerith ay dahil ako ang lalaki sa propesiya? Paano nga kung hindi ako 'yon, ibig sabihin wala siya rito at hindi niya ako papansinin kahit kailan? That thought makes me sad. Hindi ko alam. Bigla na lang akong nalungkot na hindi mawari. Umalis na ang dalawa ganoon pa rin ang mood ko. Kaya naman nag-alala si Aerith. "Narinig mo sila, sigurado ako..." Wala sa sariling tumango ako. Bumuntong-hininga siya. "Sa totoo lang, tama naman sila. Mahiyain talaga akong tunay, Avel. Of course, may mga kaibigan ako at namamansin. Pero ewan ko ba, sobrang mahiyain ako. Mabait naman ako, pero ako 'yung tipo ng tao na hihintayin ko na ikaw ang kumausap sa akin. Medyo awkward kasi ako. Alam mo na, nag-iisang anak lang ako. Madalas nasa loob lamang ng palasyo. Grabe ako protektahan ng ina at ama," paliwanag nito. "Pero gusto ong malaman mo na mabait ako at kinakausap kita hindi dahil ikaw ang lalaki sa propesiya, Avel. Na nakikisama lang ako o kaya naririto ako dahil magkakaroon kami ng malaking utang na loob sayo. Hindi. Naririto ako kasi gusto ko. Gusto kong makilala ang lalaki sa propesiya. Alam ko kasing mabuting tao ka at magiging matagumpay tayo. Although... hindi ko sila masisisi silang dalawa. Kasi nga hindi ako lumalabas masyado sa palasyo," mahabang esplika sa akin ni Aerith. Natuwa naman ako kahit papaano dahil nagpaliwanag siya sa akin. Kahit papaano'y napanatag ako. "Salamat, Aerith. Pangit kasi sa pakiramdam. Gusto rin naman kitang makilala, Aerith. You seems like an interesting person," sabi ko na ikinapula ng mukha niya. "I-Interesting...?" "Oo," grabe. Ngayon naniniwala na talaga akong napakamahiyain nito. Hindi na kami nag-usap pa dahil nakita na rin namin ang paglapit ng mga guards. Mukhang tapos na ang mga ito kumain. Yumuko ang mga ito kay Aerith bilang pag-galang sabay tumigin sa akin. "Takdang oras na upang ipagpatuloy ang training mo, Avel," Huminga ako nang malalim. Sana naman this time ay makaya ko na. Nakakahiyang malaman nila na wala akong ka-exer-exercise! Ngumiti sa akin ng matamis si Aerith na para bang sinasabing kaya ko ito. I stood up and mouthed her a thank you without saying a word. Nagseryoso na rin ang mukha ng mga guards at habang pabalik kami sa field ay kinakabahan ako. Diyos ko! Ano naman kaya ang gagawin namin ngayon this time? Sana naman kaya ko. Lahat ng guards ay seryosong nakatingin sa akin. "Ngayon naman ay tetestingin natin ang tuhod mo at ang lakas ng binti mo. Bakit kailangan ito? Simple lamang. Dahil wala kang magiging mahika na kapangyarihan, kailangan mong umasa at sumalalay sa 'yong resistensya, liksi at lakas ng katawan. Tulad ng isang boksingero. Kailangan maging napakabilis mo at kailangan mong makipagsabayan sa mga Enchanted. Dahil ang mga uri namin, may kapangyarihan man kami, ngunit ang isa sa kahinaan namin ay ang mabagal na paglakad. Hindi kami maliksi," Napasinghap ako. Hindi pa pala siya maliksi sa lagay na 'yan, ha? Tila nabasa naman nito ang nasa isip ko. Tumawa ito. "Isa ako sa mga Enchanted na nabiyayaan ng bilis at liksi ng pagkilos. Iyon ay dahil simula noong bata pa ako ay nag-training na ako upang maabot ito. Pero bilang lamang sa daliri ang may liksi ng pagkilos sa amin," Tumango-tango ako. "Okay. So anong task ko ngayon?" Ngumuso ito sa likod ko. "Nakikita mo ang burol na 'yan?" Lumingon ako at meron ngang burol na hindi naman gaano kataasan. Pero hindi rin sobrang baba. "Oo, anong gagawin ko?" "Nakikita mong may tatlong burol, at kailangan mong takbuhin 'yan simula dito pabalik sa loob lamang ng trenta'y minuto," Tila luluwa ang eyeballs ko sa narinig ko. "Ano! Baliw ka na ba? Hindi naman ako tumatakbo ng ganyan! Ano 'to, marathon?" singhal ko. Nakita ko ang paghagikgik ni Aerith sa upuan. Narinig niya siguro ako. "Ngayon lang ako nakakita ng lalaki sa propesiya na maingay na nga, ang dami pang reklamo. Ang totoo, talaga bang gusto mong makatulong at gusto mo maging malakas?" seryosong tanong sa akin. Napalunok ako at napatuwid ng tayo. "S'yempre naman. Kung hindi ko gusto, edi sana nasa mundo ako namin at tinituloy ang gagawin kong trabaho. Importante ang trabaho ko sa mundo namin, akala mo ba. Baka nga wala na akong abutang trabaho paguwi ko eh!" Napahinga ito nang malalim. "O sige, kung talagang 'yan ang layunin mo. Magsimulla ka nang tumakbo. Oorasan kita. Kailangan mong makabalik sa loob lamang ng trenta minuto. Wala akong pakialam kung ano ang magiging teknik mo. Pwede kang magpahinga, kumain o umihi sa gitna ng iyong pagtakbo. Ang gusto ko lamang ay sa loob ng minutong 'yun ay makabalik ka. At huwag mong gugustuhing mangduga dahil... may mga matang nakatingin sayo," Napatingala ako at nakita ko nga ang isang mata na lumulutang sa ere!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD