AVEL
Grabe ang tagatak ng pawis ko. Ilang minuto pa lang ang nagagawa kong push-up, pero parang kakapusin na ako ng hininga. Sa totoong buhay kasi, hindi naman talaga ako mahilig magexercise. Hindi lang talaga ako tabain at maganda ang metabolism ko kaya hindi mataba ang tyan ko. Fit ako dahil hindi naman ako mahilig kumain ng taba. Wala rin akong bisyo at hindi ako mahilig sa tsitsirya o softdrinks.
Kaya maganda ang pangangatawan ko. Pero 'yon lang. Dahil hindi nga ako sanay sa pageehersisyo, ilang push up pa lang ang nagagawa ko ay parang mahihimatay na ako.
"Ayoko na!" sambit ko dahil parang hindi na ako makapagpush up. Sobrang bigat ng likod ko at ang sakit ng balakang ko. Namamanhid na rin ang braso at binti ko.
"Ano? Anong ayaw mo na? Eh wala ka pa ngang dalawang minuto na nagpu-push-up!" Nanglalaki ang mga matang wika ng leader ng guard.
Gusto ko sanang matawa sa itsura nito, kasi nakakatawa naman talaga. Pero natatakot akong tumawa, kasi kapag ginawa ko 'yon, tiyak na mawawala ako sa konsentrasyon.
"Puta! Dalawang minuto pa lang ba ang lumilipas? Bakit pakiramdam ko parang sampung minuto na?" bulong ko sa sarili ko. Bakit parang pagod na pagod na ako?
Sinusubukan ko pa rin naman sa kabilanng lahat. Pero talagang pagod na pagod na ako. Hindi ko na kinaya at kusang bumigay ang katawan ko. Hinihingal na napahiga ako sa lupa.
Napailing sa akin ang guard. "Una pa lamang 'yan, Avel. Kumbaga, warm up pa lamang. Kung push up pa lang ay nahihirapan ka na, paano pa ang mga susunod mong practice? Maganda sa katawan ang ehersisyo. Kulang ka sa activities," komento nito
Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry na. Hindi ko naman alam na ako ang lalaki sa propesiya eh. Hindi ako nakapaghanda. Isa pa, sa sobrang busy ko sa buhay, tingin mo ba eh magkakaroon pa ako ng oras para mag exercise? S'yempre hindi. O siya, nakailang push up ako sa bilang mo?"
"Twenty seven push up,"
Nanglaki ang mga mata ko. "Tignan mo, twenty seven push up! Tapos nagrereklamo ka pa. Aba, e sa totoong buhay nga kahit limang push up hindi ko ginagawa eh. Malaking achievement na 'yan," tuwang tuwa na sabi ko.
Proud na proud ako sa nagawa ko. Ganoon pala talaga kapag na-pe-pressure ka.
Nagkatinginan ang mga guard. "Oh, ano, may irereklamo pa ba kayo? Ang dami dami ko ngang push up na nagawa," hambog na sambit ko.
Hindi ko alam kung pinagtatawanan nila ako o ano. Kaya naman nainis ako. "Anong binubulong bulong niyo r'yan?"
Tumikhim ang pinakaleader. "Huwag mo sanang mamasamain, Avel... pero kasi..."
"Kasi ano?!"
"Kasi ang pinakabatang nag-training dito sa Ereve ay walong taong-gulang. Magaling at matalino ang batang 'yon. At sa ang five minutes na training niya ay nagawa niya ang sixty na push up,"
Nanglaki ang mga mata ko. Parang luluwa ang eyeballs ko sa narinig ko.
"Ano?! Impossible! Napaka OA naman n'yan. Alam ko, niloloko niyo lang ako para pag-igihan ko pa,"
"Totoo, Avel. At kaming mga batak na sa pageehersisyo at laban, kaya naming umabot ng one hundred plus na pushup sa loob ng sampung minuto."
Nangliit ako sa sarili ko. "Hmp. S'yempre, sa una ay mahihirapan ako. Pero sigurado ako, sa mga susunod na araw ay sisiw nalang ito sa akin."
Tumango ang mga ito. "Sige, magpahinga ka muna, Avel. Mukhang kakailanganin mo nga ng matinding lakas para sa susunod na training natin,"
Nanglaki ang mga mata ko. "Ano?! May isa pang training? Parang hindi ko na kaya..." reklamo ko.
Tumaas ang isang sulok ng labi ng pinakaleader. "Hindi 'yan ang qualities ng isang lalaki sa propesiya, Avel. Ang tagapagligtas ay matibay, malakas ang paniniwala, hindi sumusuko at hindi tamad,"
Medyo natamaan ako roon. Kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. "Tinutukoy mo ba ako, ha?"
Natawa ito. "Wala naman akong sinasabing pangalan. Masyado kang mapagisip. Sige na, kakain lang kami saglit. Babalik kami sa loob ng trenta'y minuto. Magpahinga ka muna,"
Iyon lamang at iniwan na nila ako roon. Nagpapalatak pa ako habang sinusundan sila ng tingin. Nakita ko na kumakaway si Aerith sa akin. Kaya naman naglakad ako papunta sa kanya.
"Nakakainis," sambit ko.
Halata namang pinipigilan lang nito matawa sa akin. Nakaupo ito sa bench doon na gawa sa marmol. Umupo ako sa tabi niya. "Don't be too hard on yourself, Avel. Sabi mo nga, hindi ka nageehersisyo sa mundo n'yo. Pasasaan at magiging batak ka rin. Sila naman ay ilang dekada nang naninilbihan bilang guard. Natural lang na batak na batak na ang katawan nila. Halika, kumain ka muna ng sandwich. At meron ako ritong malamig na juice,"
Nagtaka ako. "Huh? Parang wala naman tayong dala kanina na pagkain, ah?"
Natawa si Aerith. "Habang ginagawa mo ang training, lumapit sa akin ang mga nakatoka sa pagkain. Tulad ng pangako naming mga taga Ereve sayo, kami ang bahala sayo, ang susuporta, magaalaga at magpapalakas sayo. Kaya naman lahat ng pangangailangan mo ay kami na ang bahala. Hindi mo kailangan magisip ng iba, kundi kung paano lamang lumakas," mahabang paliwanag ni Aerith.
Mukhang masarao ang sandwich. "Sige na, kain na. Isa 'yan sa mga specialty namin dito. At ang juice na 'yan ay hindi normal na inumin. May mahika 'yan na kung saan kapag ininom mo ay mawawala lahat ng pagod mo at bibigyan ka ng mas mahabang stamina,"
Inabot ko ang pagkain na inaalok niya. "Salamat. Pero bakit isa lang? Paano ka?"
Nagkibit-balikat ang dalaga. "Kumain na tayo ng almusal sa palasyo, Avel. Isa pa, hindi naman ako gutom. Hindi naman ako 'yung nagtraining eh,"
Napanguso ako. Ayaw ko ng ganoon. Hindi ako sanay na kumakain tapos 'yung kasama o kausap ko ay hindi man lang kumakain o ano. Parang hindi masaya 'yon.
Malaki naman ang sandwich kaya hinati ko ito at binigay sa kanya.
Nanglaki ang mga mata nito. "Ayaw kong kumain nang mag-isa lang. Hindi masaya. Isa pa, hindi ko kayang ako may kinakain o wala. So hati na tayo, malaki naman ito eh,"
Halatang nagulat ito. "P-Pero---"
"Kapag hindi mo tinanggap ito ay magtatampo ako," sabi ko sa dalaga.