AVEL Medyo mahirap ang training nila Aerith. Halatang binabatak ang lahat sa training. Puspusan. Tagatak na ang pawis ng mga Enchanted at pilit silang pinapagawa ng iba’t-ibang klaseng mahika. Sa totoo lang, kahit ilang linggo na ako rito, namamangha pa rin ako tuwing makakakita ako ng magic. Hindi ‘yung mga magic tricks na galing sa magician sa mga sumasali sa competition, kundi literal na magic. ‘Yung para sa mga fairytale book, ganoon. Natatandaan ko, noong bata ako nasabi ko sa kaklase ko noon na may kapangyarihan ako, na marunong akong magmagic. S’yempre, ang mga bata ay malawak ang imahinasyon at kung anu-anong kalokohan ang naiisip. Napaniwala ko pa ang dalawa kong kaklase dati noong elementary na biniyayaan ako ng kapangyarihan na magic, at kapag nag-recruit ako ng dalawa pa, ma

