AVEL Nanglaki ang mga mata ko kasabay ng pagsinghap ko. Hindi ako makapaniwala! Talaga bang totoo ang nakikita ko? Pagtingin ko kila Kapitan Harlek at sa mga kasama niya ay napatunayan kong mukha totoo nga, dahil laglag din ang mga panga nito. Mukhang hindi rin makapaniwala. Ikiniling ni Kapitan Harlek ang kanyang ulo at lumapit sa akin. Maaliwalas ang mukha nito. "Congratulations, Avel!" Napangiti ako ng malawak. Pakiramdam ko ay daig ko pa ang nanalo sa olympics. Waging-wagi ang pakiramdam ko. Grabe 'yung fulfillment. Walang kapantay. Kaya naman wala sa sariling naibato ko ang katawan ko kay Kapitan Harlek. Mukhang hindi nito inaasahan 'yon, pero mabuti na lamang at agad ako nitong nasalo. "Ooops, hindi ko sinasadya, Kapitan," mapagkumbabang sambit ko. Natawa ito. "Alam mo? Para

